"Bilisan mo ang paglalakad Ellery, late na ako," tinig ni Ellie mula sa cellphone na hawak ni Ellery. "Hihintayin kita dito sa lobby." "Ala-una pala ang call time mo, ate tapos kung anu-ano ang kinakalikot mo sa bahay. Ako pa ang pinagmamadali mo. Alam mo naman may case study kaming pupuntahan. Malelate ako sa ginagawa mo, ate." Tinatahak ni Ellery ang daan papuntang TheCompany, bitbit sa kanang kamay ang damit ni Ellie na nakalagay sa garment suit bag. Lakad-takbo na ang ginagawa nito para hindi rin mahuli sa kanyang appointment. Bumabagsak ang sukbit niyang leather porfolio bag sa balikat. May nadaanan si Ellery na opening ng cafe store. Nagpaputok ng confetti poppers, sakto sa kanyang pagdaan. Maraming confetti ang nalaglag sa kanya na dumikit pa sa kanyang buhok at damit. "Basta bilisan mo na, dami ka pang sinasabi." Pinatay ni Ellie ang phone para hindi na marinig ang reklamo ng kapatid. Nawala sa isip ni Ellie na ala-una ng hapon ang call time ng shoot. Naglilinis si
"Sige magkita tayo ngayon gabi," sabi ni Gil sa kausap niya sa phone. "Hintayin mo ang tawag ng secretary ko." Pinatay niya ang phone. Tumayo siya at lumakad palabas ng kanyang office. "Ms. Lalaine, book me dinner for two at Manhattan Resto bar at 7:00 tonight." "Yes sir." "And please cancel all my appointments from 5:00 pm onwards. At huwag mong ipaalam kung saan ako pupunta." "Yes President." Si Dante ang kausap niya kanina sa phone. Ayon dito nabuksan niya na ang files ng flash drive na binigay niya. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Kaya nakaramdam siya ng tensyon at kaba. Gayunpaman, kailangan niyang labanan pakiramdam na ito. Naground siya sa office. Samantala, muling tumunog ang phone ni Ellie habang naglalakad papunta sa shooting area. Notification text galing kay Maan. Saglit siyang huminto at binasa ang mensahe. "Ngayon ka pumunta bago mag 5:00 pm. Magsign na sila ng contract." Pagkabasa ni Ellie, nawindang ang kanyang utak. Gusto na niyang umalis agad.
"Hi sir, what can I do for you?" tanong ni Mona kay Gil ng makasalubong. Namukhaan niya ito. "I'm looking for Ms. Ellie." "Ah si Ms. Ellie." Tinitigan ni Mona si Gil mula ulo hanggang paa. Paanong hindi niya ito matatandaan ito ang client ni Ellie na pinagpustahan nila ng coffee macchiato na hindi natupad. "Ah, Ikaw sir ang na tour ni Ms. Ellie last time." "Yes." "Nasa client's room po si Ms. Ellie, sir." Itinuro ni Mona ang client's room. Dahil salamin ang pinto nakita ni Gil si Ellie sa loob. Maliban kay Ellie naroon ang boss nito at dalawa pang tao. Kahit hindi niya nadidinig ang pag-uusap halata sa kilos na nakikipagtalo si Ellie. "Sorry sir baka matagalan pa 'yan. Kung ayos lang sa'yo sir, p'wede mo siyang hintayin sa client's lounge sa first floor." Tama ang hinuha ni Gil, may tensyong nagaganap sa loob ng client's room. Kahit ang kaharap nararamdaman niya ng negative mood. "Hindi na siguro. Kung p'wede sa'yo ko na lang ibigay itong wallet niya. Naiwan sa kots
"Dahil tapos mo ng ayusin ang mga docs at requirements ni Director Jules mag-usap tayo, Ms. Ellie." Kanina pa tinitignan ni Bonne si Ellie sa katabing mesa. Gusto niyang malamang kung paano at bakit naging talent si Ellie sa company ni Gil. Sa narinig ni Bonne kay Gil nag-aalala siya na baka iwanang bigla ni Ellie ang pagiging sales agent. Kung mangyayari ito mababawasan siya ng tao sa kanyang team. Sa nakita niyang sitwasyon kanina nakita niya kung paanong sinuportahan ni Gil si Ellie para lang mapapirma ng kontrata ang director. "Sir Bonne ano naman ang pag-uusapan natin? Ayos na lahat. Heto na sa kamay ko ang signed contract agreement ni Director Jules! Photo copy of ID with 3 specimen signature pa! At higit sa lahat ang post dated check para sa deffered cash! Ang saya-saya ko!" Sinadyang ilakas ni Ellie ang boses upang marinig ng team ni Vaness na sa kanya pumirma ng kontrata ang director. Nasa katabing cubicle nila ang office nila Vaness. Kanina lamang nakasalubong niya it
"Ano ba ang ibibigay ko sa kanya? Lahat naman nasa kanya na," bulong ni Ellie sa sarili, habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus. Pinag-iisipan kung paano pasasalamat si Gil. Kahit naiinis siya dito kailangan niyang bigyan ng konsuwelo ang pagtulong nito sa kanya. Ang totoo iniiwasan niyang magkaroon ng utang na loob sa Presidente, kahit nangyari na nga. Isang taon lang ang kontratang pinirmahan pero pakiramdam niya ang tagal. Ayaw niyang matali sa pagiging talent ng TheCompany. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit pumirma ng kontrata. Bumaba si Ellie sa bus. Mula sa bus stop ten minutes walk hanggang sa building ng TheCompany. Private vehicle at taxi lamang ang nakakaraan sa area na 'yon. Huminto siya sa pedestrian crossing kasama ng ilang taong tatawid. "Hi Ms. Ellie!" Napalingon si Ellie, si Dale. Nakangiti ito sa kanya. Para siyang nakakita ng liwanag sa mukha ni Dale. Kung lagi niyang makikita ito sa umaga, kumpleto na ang araw niya. Ginantihan niya ito ng ngiti.
Bumagay ang isang tasang mainit na kapeng nasa harapan ni Gil sa malamig na gabi. Ang malaking veranda ng kanilang bahay ang kanyang regular na pahingahan. Napapaligiran ito ng mga halaman, at mula rito'y tanaw ang bilog na swimming pool kung saan umaaninag ang repleksyon ng buwan. Kinuha niya ang tasa at dahan-dahang uminom. Ilang beses siyang lumagok bago niya muling inilapag sa mesa. Sumandal siya sa silya at pinikit ang mata. Manakanakang bumubuka ang kanyang labi na parang nagsasalita. Kahit nakapahinga ang kanyang katawan, tila nagbibilang pa rin ng numero ang kanyang utak. Ngunit kahit anong tapang ng kape na kanyang nainom, dinaig pa din ito ng pagod at antok. Hanggang tuluyan makaidlip. Bakas sa kanyang maamong mukha ang matinding pagod sa halos sampung oras sa opisina. Gil Estevez, 36 years old, dominant boss, workaholic, bachelor at President-CEO ng TheCompany, ang kilalang advertising company sa Southeast Asia. Ang TheCompany ay may revenue na 3.109 billion USD noo
"I, I, I, I-I've been runnin' through this strange life Chasin' all them green lights Throwin' out the shade for a little bit of sunshine. Hit me with them good vibes Pictures on my phone like Everything is so fine A little bit of sunshine... A little bit of sunshine... A little bit of sunshine..." 🎶 Masayang inaawit ni Ellie ang kantang Sunshine ng One Republic habang naglalakad sa malaking parking lot ng mall. Pasayaw sayaw pa ito habang palihim na iniipit sa wiper ng mga sasakyan ang leaflets, na dapat sa loob lamang ng mall pinamimigay. Bawal ito sa patakaran ng mall pero talagang matinik siya. Diskarte ang sabi niya walang bawal sa kanya kung walang makakakita. Nagbakasakali na may kliyenteng makuha at matulad sa kanyang kasamang agent na naka cash on the spot sales dahil sa leaflet na nakuha sa ibabaw ng kotse, 10 million cash. Noong sinuma ni Ellie ang 3% commission times 10 million less 12% tax equal 264,000! Puwera pa ang incentives na makukuha. Buhay prins
10:20 ng gabi ng makauwi si Ellie, naratnan niyang nakaipit sa gate ang billing statement ng ilaw at tubig. Napabugtong-hininga siya bago kinuha ang mga sobre. Bayaran na naman pero wala pa siyang pambayad. Dagdag pa ang renta ng inuupahan nilang bahay. Pagpasok niya sa loob ng bahay agad siyang dumiretso sa kusina. Ibinaba ang bag sa mesa. Nagbungkal ng kaldero. Marami pang kanin pero wala siyang nakitang ulam. Binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang stock ng delata, nakita niya ang nag iisang lata ng sardinas sa sulok. Agad niya itong kinuha at binuksan. Sumandok ng kanin. "Nanginginig na ako sa gutom." Kinakausap niya na ang sarili. Sumubo ng kanin at sardinas. Tulad ng inaasahan hindi dumating ang boss nilang si Bonne mabuti na lamang pinautang siya ni Kris ng pamasahe kundi maglalakad siya pauwi. "Ang malas ko talaga sa mga boss! Sa loob ng 8 years puro sablay ang nakukuha kong boss. Ang una, maniac! Pangalawa, narcissist ngayon naman indiyanero na kuripot pa. Paasa talaga!