"Sige magkita tayo ngayon gabi," sabi ni Gil sa kausap niya sa phone. "Hintayin mo ang tawag ng secretary ko." Pinatay niya ang phone. Tumayo siya at lumakad palabas ng kanyang office. "Ms. Lalaine, book me dinner for two at Manhattan Resto bar at 7:00 tonight." "Yes sir." "And please cancel all my appointments from 5:00 pm onwards. At huwag mong ipaalam kung saan ako pupunta." "Yes President." Si Dante ang kausap niya kanina sa phone. Ayon dito nabuksan niya na ang files ng flash drive na binigay niya. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Kaya nakaramdam siya ng tensyon at kaba. Gayunpaman, kailangan niyang labanan pakiramdam na ito. Naground siya sa office. Samantala, muling tumunog ang phone ni Ellie habang naglalakad papunta sa shooting area. Notification text galing kay Maan. Saglit siyang huminto at binasa ang mensahe. "Ngayon ka pumunta bago mag 5:00 pm. Magsign na sila ng contract." Pagkabasa ni Ellie, nawindang ang kanyang utak. Gusto na niyang umali
"Hi sir, what can I do for you?" tanong ni Mona kay Gil ng makasalubong. Namukhaan niya ito. "I'm looking for Ms. Ellie." "Ah si Ms. Ellie." Tinitigan ni Mona si Gil mula ulo hanggang paa. Paanong hindi niya ito matatandaan ito ang client ni Ellie na pinagpustahan nila ng coffee macchiato na hindi natupad. "Ah, Ikaw sir ang na tour ni Ms. Ellie last time." "Yes." "Nasa client's room po si Ms. Ellie, sir." Itinuro ni Mona ang client's room. Dahil salamin ang pinto nakita ni Gil si Ellie sa loob. Maliban kay Ellie naroon ang boss nito at dalawa pang tao. Kahit hindi niya nadidinig ang pag-uusap halata sa kilos na nakikipagtalo si Ellie. "Sorry sir baka matagalan pa 'yan. Kung ayos lang sa'yo sir, p'wede mo siyang hintayin sa client's lounge sa first floor." Tama ang hinuha ni Gil, may tensyong nagaganap sa loob ng client's room. Kahit ang kaharap nararamdaman niya ng negative mood. "Hindi na siguro. Kung p'wede sa'yo ko na lang ibigay itong wallet niya. Naiwan sa kots
"Dahil tapos mo ng ayusin ang mga docs at requirements ni Director Jules mag-usap tayo, Ms. Ellie." Kanina pa tinitignan ni Bonne si Ellie sa katabing mesa. Gusto niyang malamang kung paano at bakit naging talent si Ellie sa company ni Gil. Sa narinig ni Bonne kay Gil nag-aalala siya na baka iwanang bigla ni Ellie ang pagiging sales agent. Kung mangyayari ito mababawasan siya ng tao sa kanyang team. Sa nakita niyang sitwasyon kanina nakita niya kung paanong sinuportahan ni Gil si Ellie para lang mapapirma ng kontrata ang director. "Sir Bonne ano naman ang pag-uusapan natin? Ayos na lahat. Heto na sa kamay ko ang signed contract agreement ni Director Jules! Photo copy of ID with 3 specimen signature pa! At higit sa lahat ang post dated check para sa deffered cash! Ang saya-saya ko!" Sinadyang ilakas ni Ellie ang boses upang marinig ng team ni Vaness na sa kanya pumirma ng kontrata ang director. Nasa katabing cubicle nila ang office nila Vaness. Kanina lamang nakasalubong niya it
"Ano ba ang ibibigay ko sa kanya? Lahat naman nasa kanya na," bulong ni Ellie sa sarili, habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus. Pinag-iisipan kung paano pasasalamat si Gil. Kahit naiinis siya dito kailangan niyang bigyan ng konsuwelo ang pagtulong nito sa kanya. Ang totoo iniiwasan niyang magkaroon ng utang na loob sa Presidente, kahit nangyari na nga. Isang taon lang ang kontratang pinirmahan pero pakiramdam niya ang tagal. Ayaw niyang matali sa pagiging talent ng TheCompany. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit pumirma ng kontrata. Bumaba si Ellie sa bus. Mula sa bus stop ten minutes walk hanggang sa building ng TheCompany. Private vehicle at taxi lamang ang nakakaraan sa area na 'yon. Huminto siya sa pedestrian crossing kasama ng ilang taong tatawid. "Hi Ms. Ellie!" Napalingon si Ellie, si Dale. Nakangiti ito sa kanya. Para siyang nakakita ng liwanag sa mukha ni Dale. Kung lagi niyang makikita ito sa umaga, kumpleto na ang araw niya. Ginantihan niya ito ng ngiti.
Araw ng golf game. Ang venue, Saint Andrew Golf and Country Club. Ito ang lugar na tanging mga upper class society lamang ang nakakapaglaro. Kahit prominenteng tao, hindi agad nagiging miyembro dito hanggang hindi na naabot ang upper class rank. Madalas isama si Gil dito ng kanyang ama noon siya ay teenager, kaya natuto siyang maglaro ng golf. Sa una, exciting sa kanya ang paglalaro ng golf. Ngunit nang lumaon naging boring ito sa kanya, dahil naglalaro na lamang sila para sa ikalalawak ng negosyo. Dahil ito ang tamang lugar upang magkaroon ng tamang koneksyon, sa mga pinaka mayamang tao sa bansa at makabuo ng partnership sa negosyo. Hanggang tuluyan na niyang ito ayawan. Ngunit sa panahong halos bankrupt na ang kanilang negosyo dito niya nakilala ang mga investor na tumulong sa kanya. Ginamit niya ang talino sa medisina upang magtiwala sa kanya ang mga tao, pero hindi naging ganoon kadali. Nakaranas din siya ng rejection at balewalain. Sa kabila noon nagpatuloy lang siya. Ito an
Nakasandal sa executive chair si Gil. Nakatutok ang kanyang mata sa fiber glass family picture na nasa ibabaw ng kanyang office table. Kakatapos lang niyang kausapin ang pulis na nag-iimbestiga sa lalaking pumasok sa account department. Wala pang nakukuhang lead kung sino ang lalaki. Dahil ang ginamit nitong plate number ng motor ay palsipikado. Maraming tanong ang nabuo sa kanyang isip na maaaring iugnay sa nangyari noon. Hindi maalis sa kanyang isip na may posibilidad na may kasangkot parin sa loob ng TheCompany. Hindi lang siya ang may hinala kahit si Dante ito rin ang palagay. Malaki ang magiging epekto ng ginawang pagtampered ng kontrata kung sakaling magkaroon ng pagkansela ng kanilang mga kliyente. Ang 100% full refund ay hindi dapat mangyari lalo na kung nasa gitna na ito ng proseso. Malulugi ang TheCompany kung mangyari ito. Tumunog ang intercom phone sa ibabaw ng mesa ni Gil. Dinampot niya ang handset. "President narito na po si sir Dale," "Papasukin mo." "G
"Teppanyaki, shrimp sushi role, yakitori, tempura, sukuyaki, otora sashimi, oyakodon, shogayaki, karaage, gyosa, imagawayaki and yokan, yūshoku o o tanoshimi kudasai! Enjoy your dinner!" sabi ng food attendant. Napanganga si Ellie. Nalula siya sa dami ng pagkaing inilapag sa mahabang mesa. Sa isang Japanese restaurant ang kanilang team dinner kasama ang Presidente ng TheCompany. Ni sa hinagap hindi pumasok sa kanyang isip na mapapasama sa team dinner. Parang fiesta ang mesa. Punong-puno ng pagkain. May non-alcoholic drinks pang kasama. "Ganito magtreat ang boss ninyo?" "Boss natin, Ms. Ellie!" Pagtatama na naman sa kanya ng mga kasama. "Oo na nga boss na nga natin. Haist!" Hindi niya matawag na boss si Gil, sa kanyang utak kliyente ang tingin niya rito. Samantalang halos sampung araw siyang nag part time sa company nito. At isang taon ang kanyang kontrata. Kailangan na nga niyang tanggapin sa sarili na boss niya ito at hindi kliyente. "Once in a blue moon," sagot ni Mi
Lumabas si Gil ng kanyang silid. Hindi siya makatulog. Sa kanyang relos pasado alas-diyes na ng gabi. Bumaba siya ng hagdan at tumuloy sa kusina. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng beer can. Tumungo siya sa veranda. Nakaramdam siya ng kilig dahil sa dampi ng malamig na hangin. Umupo siya sa three seater rattan sopa. Binuksan ang beer at lumagok ng paunti-unti. Kailangan niya ng kaunting alkohol sa katawan para antukin. Marahan niyang binaba sa mesa ang lata ng beer na halos kalahati ang bawas. Isinandal ang kanyang likod sa silya. Nakaramdam siya ng ginhawa dala ng malamig na hangin. Pinikit niya ang kanyang mata at pinakinggan ang huni ng mga kuliglig. Tila musika ito sa kanyang tainga, pinakakalma ang kanyang pagod na isip. Habang nakapikit biglang rumihistro ang mukha ni Ellie sa kanyang isip. Nakatawa ito. Kanina sa team dinner nakita niya ang saya sa mukha nito ng matutong gumamit ng chopsticks. "Natuto lang siyang gumamit ng chopsticks, tuwang-tuwa na siya. Ang babaw n
Ang lugar na pinagdalhan ni Gil kay Ellie ay kakaibang lugar, na may simpleng mga mesa na gawa sa kahoy at mga canvas painting na nakasabit sa mga dingding. Ito ang uri ng lugar na tila isang lihim, isang nakatagong hiyas sa pusod ng metropolis. "Kafeneio," basa ni Ellie sa pangalan ng shop. "Dapat kape namin." Gustong magpatawa ni Ellie ng lumapit sila ni Gil sa counter. Hindi napigilan ni Ellie ang mapangiti sa kanyang biro. Natawa tuloy ang dalawang lalake na nasa counter.Mahinang siniko ni Gil si Ellie. "Greek word 'yan na ang ibig sabihin ay coffee," mahinang sabi ni Gil kay Ellie. Natutop tuloy ni Ellie ang sariling bibig. Ngumisi na lang siya para hindi siya magmukhang tanga. "Iced americano ang sa akin," sabi ni Ellie. "With extra shot ha." "No," sabi ni Gil na nakataas ang kilay. "Hindi ka pa kumakain, kaya hindi ka p'wedeng magkape." sagot niya na malumanay ngunit matigas ang tono.Itinagilid ni Ellie ang kanyang ulo, patungo ang tingin kay Gil. Nakakunot ang kanyang no
Pumasok si Ellie sa mall, nagsisimula nang kumapal ang tao. Dito na siya dumiretso matapos makipagkita kay Mariz. Duty niya ngayong araw. Habang naglalakad bumubulong sa kanyang isipan ang pakikipag-usap kay Mariz, ngunit desidido siyang iwaksi ito. Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang trabaho na dapat gawin, at hindi niya nais na makagambala ito. Habang palapit siya sa kanilang booth sinalubong siya ni Maan, nakita niya ang pananabik sa mga mata nito. "Miss Ellie!" Kaway ni Maan sa kanya. "Buti naman dumating ka na. Mayroon kang inquiry sa leaflet mo. Sinabi nila na tawagan mo sila kaagad. Heto ang cellphone number na iniwan nila kanina. Nandito lang sila sa restaurant kumakain." Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Kahit negative vibes ang pinabaon sa kanya ni Mariz, mayroon naman Maan na may positibong pasalubong sa kanya. "Whoa! Magandang balita 'yan," sagot niya, ang boses niya ay napuno ng kumpiyansa. "Kapag positive buyer Ms. Ellie magpa-snack ka naman." Parang mainit
Nakatayo si Ellie sa tabi ng kalan, ang masarap na aroma ng bawang sa kawali ay pumupuno sa hangin habang siya ay naggigisa. Ito ang kanyang ritwal sa umaga ang magluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Ellery. Naputol ang maindayog na tunog ng spatula sa kawali. Narinig niya ang ring ng kanyang cellphone sa mesa sa sala. Huminto si Ellie, sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Maaga pa lang, hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang tatawag ng ganoong oras. Imposible namang kliyente. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay sa tuwalyang nakasabit at naglakad patungo sa sala. Sa screen nakaregister ang hindi pamilyar na numero, ang mga digit nito ay sumasayaw na parang isang palaisipan. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang telepono. "Hello?" "Ellie?" Pamilyar kay Ellie ang boses sa kabilang linya. "Mariz?" Hinayaan niyang magsalita si Mariz sa kabilang linya. Nakinig lamang siya. Hindi nagtagal ibinababa ni Ellie ang cellphone. "Bakit naman niya ako gustong ka
Humahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawa
Iniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw
Dahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip
Pasado ala sais ng gabi, mabagal ang daloy ng trapiko. Sakay si Gil ng kanyang sasakyan. Tanaw niya mula sa kanyang kinauupuan ang liwanag ng ilaw sa mga nakahilerang tindahan. Nagsisimula na ring magbukas ang mga panggabing establisyemento. Marami rin ang naglalakad. Pero hindi naman doon nakatuon ang kanyang isip. "Hindi yata naging maganda ang araw mo ngayon, President," sabi ni Mr. Ed kay Gil habang nagda-drive. Nahalata ang malimit na pagbugtong-hininga nito. Alam ni Mr. Ed na kapag ganito ang aura ng Presidente maraming gumugulo sa isip. "Tama ka," maikling sagot ni Gil. Hindi maiwasan ni Gil na pag-isipan ang misteryosong mensahe ng kanyang kapatid, na tumutukoy sa lumang id. Naniniwala siya na may alam ang kanyang kapatid, ngunit tila nag-aalangan ito na pag-usapan ang tungkol dito. May pakiramdam siya na ang kanyang kapatid ay maaaring nagtatago ng sikreto. Dagdag pa ang biglaang pag-alis nito papuntang Paris ng walang pasabi. Sa aksyon ng kanyang kapatid lalong
"Ano bang pumasok sa isip mo kung bakit ginawa mong product endorser si Ms. Ellie? Sinabi mo isama lang siya sa casting pero ginawa mo siyang endorser," seryosong tanong ni Gil kay Dana. Halata sa boses nito ang pagtataka. Gusto niya talagang kausapin si Dana ng sarilinan tungkol sa bagong kontrata ni Ellie. Hindi ito ang kanilang napag-usapan sa simula. Hindi niya inaasahan na babaguhin ni Dana ang kontrata. Hinintay muna ni Gil na makaalis sina Ellie at Dale upang hindi marinig ng dalawa ang kanilang pag-uusapan. Bagamat hindi niya hawak ang talent management, iniisip niya rin ang kapakanan ng ibang talent na matagal na sa TheCompany. Baguhang talent si Ellie at magiging malaking isyu ito sa iba. Hindi maiiwasan magkaroon ng inggitan. Lalo na't product endorser ang kontratang pinirmahan ni Ellie. "Well, nakita ko ang kakayahan niya. Taglay niya ang karisma na hinahanap ko para sa product na i-launch namin. Ikaw na rin ang nagsabi na may potential siya," paliwanag ni Dana.
"Ms. Ellie, you never know when the next opportunity will come when you say no today," sabi ni Gil. Nakatitig ng maigi kay Ellie. "Kung marami kang gastusin makakatulong sa'yo 'to. Lalo na kung may sinusuportahan ka. Branded pa ang pwede mong bilhing damit." "President hindi ako mahilig sa branded," sagot agad ni Ellie. "Ah, I see. Hindi ka mahilig sa branded. Just in case na may gusto kang regaluhan, I mean." Tila may gustong patungkulan si Gil. Iniisip niya ang nakitang lalaki na kasama ni Ellie sa mall. Kaya niya sinabing p'wede siyang bumili ng branded na damit. "Ahh, pero sir, ano ang katiyakan ko para..." "I will not leave you, I will always be by your side. Kaya wala kang dapat alalahanin sa kontrata. Ako na ang bahala sa lahat," dugtong pa ni Gil. "Ang pinag-usapan natin kanina of course itutuloy natin. No worry." "Dapat lang, ikaw naman ang makikinabang nito," pabulong sabi ni Ellie. "May sinasabi ka Ms. Ellie?" "A-ah wala President" Hinawi niya ang bangs na tu