Share

Chapter 8: TheCompany's Pantry

"Good Morning President," bati ng mga nakakasalubong ni Gil habang naglalakad sa lobby ng TheCompany kasama ang kanyang driver-assistant na si Mr. Ed.

"Good Morning."

Napansin ni Gil na nakatingala ang ilang employees sa isinasabit na tarpulin.

"Ano ba ang nakalagay sa tarpulin, Mr. Ed?"

"Ang nakapasa sa audition kahapon," sagot nito. "Ang agent ng MDC nakapasok din sir."

"O, I won't be surprised."

Lumaylay ang malaki at malapad na tarpulin sa mismong dadaanan ni Gil. Nakaprint ang half body picture ng tatlong napiling residence vlogger-model. Maliban dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Gil ang bulungan ng ilang empleyado na naroon. May mga backer daw ito sa loob kaya nakapasa sa audition. Sa lahat ng ayaw niya ang mga side comment na walang basehan.

"Ibig sabihin may talent talaga sila," medyo inilakas ni Gil ang boses para masawata ang bulungan. "To be fair enough gusto kong ma meet ang mga new talents."

"Yes, sir."

Nang marinig ito ng mag empleyado agad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status