Matapos pirmahan ni Gil ang mga dokumento iniwan niya ito sa kanyang secretary, saka siya tumungo sa meeting kung saan naghihintay sina Ms. Cynthia at Rex sa meeting room ng TheCompany.
"Kailangan bang i-hire ang mga talent as full time," tanong ni Gil. Habang binabasa ang report. Hindi siya sang-ayon sa pagkuha ng bagong talent para sa ilalabas na ads. Nagkaroon ng collaboration ng creative at media planning department. Lumabas sa collaboration na video vlog ang magiging concept ng ads. "What about our regular talents?" Hindi ba magkakaroon ito ng conflict sa regulat talent natin?" "No sir. The job description is only part-timer," sagot ni Rex ang head ng media planning department "We're looking new faces on these ads but project based work. Sila ang magiging residence vlogger-model natin." "Regarding sa in-house talent natin. There are not suitable for this kind of concept ads," sabat ni Ms. Cynthia. Si Ms. Cynthia, head ng creative team. Ang pinaka agresibong department. Hawak niya ang creative directors, editors, copywriters, graphics and web designers at artist. Halos lahat ng staff dito ay expert. Sa kanilang department nagmumula ang concept at ideas ng ads."Let's look for a new face, President." Tumango si Gil. "Okay. Lets make it. Kung 'yan ang makakabuti sa ads." Kahit may kaunting pagdududa sinang-ayunan niya na ito. "So, when it will manefesting?" "Sir, as soon as possible," sagot ni Rex. "The Limson Company has approved that talent comes from us, so they won't have a hard time finding talent other than their main endorser." "Then, who is in-charge of scouting of new talents? What about the jury?" "Sir, kinausap ko na heads ng admin sila na ang bahala dito. Ang sales account department ay kasama sa panel of judges including Ms. Cynthia and I," tugon ni Rex. "Okay, if everything is fine schedule the audition. Make sure you get TheCompany's brain and skills. Hanggang dito muna tayo may schedule meeting pa ako sa labas." Tumayo siya at inayos ang suot na coat. "Please update me if there are any changes,"pahabol na sabi. "Noted sir," sabi ni Ms. Cynthia. Samantala. "Suspended ako?" sabi ni Ellie. "Sa anong dahilan sir?" Napamewang siya sa harapan ng kanilang boss na si Bonne. Nagcross arm naman si Bonne sa silyang kinauupuan. "Ms. Ellie, sabihin mo sa akin kung bakit sa mga kotse sa parking lot ka naglalagay ng leaflets?" Napatanga si Ellie, bakit nalamang ng boss ang ginawa niya? "Nagsumbong kaya ang guard," bulong niya sa sarili. "Sir kailan 'yon?" Pagkakaila niya. "Wala akong natatandaan na nagbigay ako ng leaflets doon." Tinaas niya ang dalawang kamay at umiling-iling. "Ano ka ba Eleanor, kailan ka ba magma-matured?" "Sir naman, Ms. Ellie lang! Saka mature lang walang D sa dulo." Pagtutuwid niya saka umupo sa silya. "May D o wala pareho na rin yon, Ms. Eleanor!" "Mali kaya," bulong niya. "Saka Ellie lang. Huwag ninyong ilakas ang boses ninyo ang daming nakakarinig." Ngumuso siya sa mga nakausling ulo sa cubicle nila. "Ms. Ellie kung Ms. Ellie! May nakitang leaflets sa parking ng mall at nakapangalan sa'yo!" "Sir bitbit nila ang leaflets kaya malamang nadala nila sa parking lot," depensa niya. "S'yempre namigay ako ng leaflets halos lahat ng tao binigyan ko. Nangawit na nga ang paa ko kakatayo tapos may mga tao na magtatanong sa akin pero hindi naman pala mag-iinquire. Sasabihin, hoy miss saan ang cr? Tama ba 'yon? Naka corporate dress ako sir, tanungan ba ako ng nawawalang banyo! Hindi lang isa o dalawa ang nagtatanong ang dami nila! Kulang na lang maglagay ako ng information desk sa harapan ng booth natin." Tumayo si Bonne at hinila ang nakausling bangs niya. "Ayos din ang paliwanag mo ha!" "Aws, ang sakit ah!" Kinamot niya ang noo. "Kaya nga sir, bakit ako masususpended? Ginawa ko lang ang trabaho ko. May magtatanong pa nasaan ang Chowking? Saan ang Watson? Saan ang ganito, ganyan? Mag apply na lang kaya akong security guard ng mall." Pamaktol niyang sagot habang kumukumpas sa hangin ang kamay. "Ms. Eleanor!" "Sir, Ms. Ellie po. Ms. Ellie!" "Paano mo ipapaliwang ang pagkasira ng wiper noong isang kotse sa parking ng mall? May suksok na leaflets mo!" Umarko ang isang kilay ni Ellie. "Malamang luma na ang sasakyan o kaya bulok na. O kaya kulang sa turnilyo. Kung brand new ang sasakyan hindi 'yon basta masisira. Ang gaang lang naman ng papel," halos pabulong niyang sagot. "Sa bibig mo mismo narin nanggaling ang sagot." "Sir, ako lang ba ang namimigay ng leaflets? Malay ninyo may baliw nakakuha ng leaflets ko tapos nilagay doon. Consideration naman sir." "Basta pirmahan mo na ito." Inabot sa kanya ang papel. "Two weeks kang suspended. Wala kang manning! Mabuti na lang hindi tayo pinagmulta." "Bakit two weeks? Hindi naman krimen ang ginawa ko." Halos maiyak na siya. Wala na nga siyang sales suspended pa. Ano ang kakainin niya? Sa ibinibigay na allowance ng boss na lang siya umaasa. "Sir..." "Pirmahan mo na 'yan." "Sir naman eh!" Pagmamakaawa niya kay Bonne, habang kinukuha ang ballpen sa bag. "Hindi ba kayo naawa sa akin. Wala pa nga akong sales this month masususpended pa." "Kasalanan mo 'yan," sagot nito sa kanya saka hinarap ang computer sa table. "Pirmahan mo na 'yan ng matapos na. Sumasakit ang ulo ko sa'yo, Ms. Ellie. Pagkatapos mo d'yan pumunta ka sa treasury lumabas na ang commission mo." "Talaga!" Biglang nabuhayan si Ellie. Ang kaninang pagmamakaaawa ay napalitan ng sigla. Namilog ang mata sa tuwa. "Yes! Yes! Ayos lang na masuspended basta may commission, pwede naman mag online selling." Pinaikot-ikot ang ballpen sa kamay. "Loka ka talaga! Narinig mo lang na may commission tuwang-tuwa ka na." Inayos ni Ellie ang damit. "S'yempre sir ang tagal kong hinintay ang commission na 'yan. Kulang na lang pigain ko ang pitaka ko. Lupaypay na!" Sabay pakita ng pitaka. "Kita ninyo payat na payat na! Sa wakas magkakalaman ka narin pinakamamahal kong pitaka!" Tumayo siya at aktong aalis. "Ms. Ellie!" "Sir?" "Baka nalilimutan mo." Tinapik ang mesa kung saan naroon ang suspension letter. "Pirmahan mo na ito dali! Bilisan mo na. I meet ko pa ang client sa lobby." Napangiti siya, no choice kailangan niyang pirmahan ang suspension memo. Pero ayos lang basta may pera. Sa treasury office. Pagkatapos pirmahan ang duplicate receiving copy nakuha ni Ellie ang tseke. Tuwang-tuwang ng makita ang figure P37,790.25. May pambayad na siya sa renta ng bahay. Two months na siyang delay sa payment. Buti hindi siya sinisingil ng bungangera nilang landlord. Mabibigay na rin niya ang perang hinihingi ng kapatid. Hanggang tenga ang ngiti ni Ellie habang bumaba ng hagdan. Hindi na siya gumamit ng elevator, mas mabilis siyang makakarating sa first floor kung saan naroon ang banko na pagpapalitan ng tseke. Nasa second floor lang naman siya. Sa pagmamadali nalaglag pa ang ballpen na sinuksok niya sa bulsa ng kanyang polo-blouse matapos niyang pirmahan ang suspension letter. Gumulong sa hagdan hanggang sa paanan ng kasalubong niyang lalaki. Aktong dadamputin ito. "Hep, hep, hep! Akin yan!" pasigaw na sabi niya. Na freeze naman ang lalaki sa pagkakatayo. "One million ballpen ko 'yan at walang ibang pwedeng humawak. Ako na! Ako na!" Halos liparin ni Ellie ang natitira pang steps ng hagdanan, makuha lamang ang ballpen sa sahig at agad ding umalis ng hindi pinansin ang lalaki. Napailing na lang ang lalaki sa kinilos ni Ellie. "One million ballpen, meron bang ganon? Ano ba ang mayroon sa ballpen na 'yon? Tingin ko panda ballpen lang naman 'yon," pabulong na sabi nito at umakyat ng hagdan. Nagmadali si Ellie dahil closing time na ng banko. Kapag hindi siya nakakuha ng pera wala siyang maibibigay kay Ellery. Kahit na maingay ang bibig niya sa kapatid hindi naman siya makaka hindi. Gustong niyang makatapos ng abogasya ang kapatid. Kaya gagawin niya ang lahat para dito. Pagdating niya sa harap ng banko, natulala siya bigla. Sa kanyang harapaan nakapaskil sa pinto ng banko ang malaking sign board na, CLOSED! "Lintik! Anong araw ba ngayon? Teka Sabado ba ngayon. Oo nga Sabado. Sir Bonne! Wala akong pamasahe."Wala si Bonne ng makabalik si Ellie sa office, kaya hinanap niya ito sa ibang cubicle ng makasalubong ang kanilang sales coordinator na si Mona. "Hi Ms. Ellie! May good news ako sayo at may bad news!" bati nito sa kanya habang patuloy sa paglakad. "Sama ka sa akin." Wala sa loob na sumunod si Ellie hanggang makarating sa working table ng sales coordinator. "Kung bad news, alam ko na." Humila si Ellie ng silya at pabagsak na umupo. "Suspended ako ng two weeks. Ang saklap, Ms. Mona wala akong manning." "So nakita mo na pala ang memo s'yo," sagot ni Mona habang nagtype sa keyboard ng computer ng sample computation. Tumango si Ellie at tila nagmamakaawa ang mukha. "Next time sumunod ka sa policy ng mall." "Bulok siguro 'yung kotse kaya nasira ang wiper. Dapat dinadala na sa junk shop ang mga ganoong sasakyan. Sobrang gaan lang naman nito." Dinampot niya ang leaflets na nasa ibabaw ng mesa at winasiwas sa hangin. "Huwag mo ng gagawin 'yon." Mahinang tapik sa braso niiya.
Tumutunog ang cellphone ni Gil sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya ito ng makita kung sino ang nakaregister sa screen. Pinatay niya uli at muling bumalik sa ginagawang pagreview ng mga report. "Mr. President narito na po si Mr. Dante Soliman." Tinig ng secretary ni Gil mula sa intercom phone. "Papasukin mo." Isinara ni Gil ang binabasang report saka tumayo at sinalubong ang bisita. Si Dante Soliman ay kaibigan ni Gil noong college pa bagamat magkaiba sila ng kursong kinuha. Magkakilala na sila noong panahong nasa senior high pa lamang ngunit hindi sila naging malapit sa isa't isa. Noong nagcollege, iisang university ang kanilang pinasukan kaya doon sila naging magkabuddy. Maliban pa dito naging nueurosurgeon ni Dante si Gil noong sumailalim ito sa spinal cord surgery dahil sa car accident six years ago. May pagkakataon kailangang magperformed ng surgery si Gil kahit hinahawakan na niya ang TheCompany sa mga unang taon. Loyal paring siya sa sinumpaang tungkulin bilang surgeon. Iilan
Gabi. Tatlong araw ng nasa bahay si Ellie, tulad ng inaasahan deadma ang mga follow-up calls niya at ang huli pinatayan pa siya ng phone. "Sana hindi na kami magkita, nakakainis siya. Paglakarin talaga ako hanggang office. Haist!" Gumawa na lamang si Ellie ng business page. Matagal din ang two weeks suspension kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makabenta. Nagpost siya ng mga picture ng condominium at nilagyan ng caption para maging eye catcher sa audience. Naglagay din siya ng video at nilapatan ng kanyang voice over. Natutunan niya ang digital marketing sa training sa real estate. Hindi katagalan may notification na pumasok. Nag inquire ng location at sample computation pero hindi pa maituturing na hot prospect. Habang sinasagot niya ang inquiry tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito ng matukoy kung sino. "Oi bakit?" "Hulaan ko, nasa dating site ka no! Gabing-gabi na gising ka pa," sabi sa kabilang linya. Boses lalake, ang best
"Good Morning President," bati ng mga nakakasalubong ni Gil habang naglalakad sa lobby ng TheCompany kasama ang kanyang driver-assistant na si Mr. Ed. "Good Morning." Napansin ni Gil na nakatingala ang ilang employees sa isinasabit na tarpulin. "Ano ba ang nakalagay sa tarpulin, Mr. Ed?" "Ang nakapasa sa audition kahapon," sagot nito. "Ang agent ng MDC nakapasok din sir." "O, I won't be surprised." Lumaylay ang malaki at malapad na tarpulin sa mismong dadaanan ni Gil. Nakaprint ang half body picture ng tatlong napiling residence vlogger-model. Maliban dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Gil ang bulungan ng ilang empleyado na naroon. May mga backer daw ito sa loob kaya nakapasa sa audition. Sa lahat ng ayaw niya ang mga side comment na walang basehan. "Ibig sabihin may talent talaga sila," medyo inilakas ni Gil ang boses para masawata ang bulungan. "To be fair enough gusto kong ma meet ang mga new talents." "Yes, sir." Nang marinig ito ng mag empleyado agad
CONTRACT AGREEMENT. Ito ang nakasulat sa unang page ng papel na nasa ibabaw ng long table. Tatlong set ito, para kina Ellie, Damian at Mariz. Nakaupo si Ellie sa ikaapat na silya, katabi niya si Damian at katabi naman nito si Mariz. Nasa harapan nila ang kanilang kontrata. Kasama sa meeting room ang tatlong judge sa audition maliban kay Brenn. "Nasa ibabaw ng table ang contract ninyo," sabi ni Ms. Cynthia. "Basahin n'yo muna then kung okay sa inyo ang laman ng contract, please sign and return the contract, okay." Agad nilipat ni Ellie ang pahina sa huling page. Nakita niya agad ang compensation, forty five thousand pesos sa bawat paglabas. Akala niya thirty thousand lang sabi ni Brenn sa kanya. At may additional allowance na matatanggap habang nagkakaroon ng shooting. Natuwa siya ng mabasa ito. Habang binabasa ni Ellie ang laman ng contract lumapit si Dale. "Sorry, Ms. Ellie nagkapalit kayo ni Mariz ng contract." Lapit ni Dale sa kanya. Si Dale ang head ng Administrative Depart
Kinabukasan sa TheCompany naghihintay si Ellie sa tapat ng elevator, 9:00 ng umaga ang call time nila para sa unang shooting. May dala siyang dalawang malaking paper bag. Ang isang paper bag ay damit na gagamitin niya sa shooting at ang isa ay may laman na dalawang kahon ng plantsa at isang kahon ng blender. Order ito sa kanya ng dalawang kaibigan ni Brenn. Sa ganitong mga raket nakakakuha siya ng mga referral ng condo at extra income narin. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Ellie. Ilang segundo lang ang pagitan, sumakay ng elevator si Dale. "Hi Ms. Ellie!" bati sa kanya. Pinindot nito ang 5th floor. Nakita nitong parehong may hawak ang kamay ni Ellie. "Sa 9th floor ka tama ba, Ms. Ellie?" "Yes sir Dale," malambing niyang tugon. Ang ganda ng umaga niya nakita niya si Dale. "Puwede ka ng elevator attendant sir. Alam mo kung saan floor bababa ang tao." Nagkatawanan silang dalawa. Habang pasarado ang pinto ng elevator muli ito bumukas. Biglang pumasok si Gil at ang
Dumating sa kanilang bahay si Gil, bumaba ng sasakyan mula sa back seat. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng bahay, naririnig niya sa labas ang boses ng ama na may kausap. Pumasok siya sa loob ng bahay. Naratnan niya ang ama sa maluwang nilang sala kasama ang pamilyar na mukha, si congressman Zamora Madrigal. Sa harapan ng dalawa, may dalawang baso at bote ng brandy na wala pang bawas. Sa hindi kalayuan nakita naman niya ang kanyang ina sa art gallery corner ng kanilang bahay na kausap ang isang babaeng nakatalikod, si Danna ang bunsong anak ng pamilya Madrigal. Alam na niya ang dahilan kung bakit sapilitan siyang pinauwi ng maaga. "O, Gil narito ka na," bati ng kanyang ama. "Remember congressman Zamora Madrigal." "Yes pa." Lumapit si Gil sa mga ito at inabot ang kanan kamay sa kaibigan ng ama. "Kumusta po, congressman." "Mabuti naman hijo. Ang tagal nating hindi nagkita." Inabot ang kamay ni Gil. "Ang gandang lalaki ng anak mo, Rafael. Mukhang marami na itong pinaiyak
"Bilisan mo ang paglalakad Ellery, late na ako," tinig ni Ellie mula sa cellphone na hawak ni Ellery. "Hihintayin kita dito sa lobby." "Ala-una pala ang call time mo, ate tapos kung anu-ano ang kinakalikot mo sa bahay. Ako pa ang pinagmamadali mo. Alam mo naman may case study kaming pupuntahan. Malelate ako sa ginagawa mo, ate." Tinatahak ni Ellery ang daan papuntang TheCompany, bitbit sa kanang kamay ang damit ni Ellie na nakalagay sa garment suit bag. Lakad-takbo na ang ginagawa nito para hindi rin mahuli sa kanyang appointment. Bumabagsak ang sukbit niyang leather porfolio bag sa balikat. May nadaanan si Ellery na opening ng cafe store. Nagpaputok ng confetti poppers, sakto sa kanyang pagdaan. Maraming confetti ang nalaglag sa kanya na dumikit pa sa kanyang buhok at damit. "Basta bilisan mo na, dami ka pang sinasabi." Pinatay ni Ellie ang phone para hindi na marinig ang reklamo ng kapatid. Nawala sa isip ni Ellie na ala-una ng hapon ang call time ng shoot. Naglilinis si
Ang lugar na pinagdalhan ni Gil kay Ellie ay kakaibang lugar, na may simpleng mga mesa na gawa sa kahoy at mga canvas painting na nakasabit sa mga dingding. Ito ang uri ng lugar na tila isang lihim, isang nakatagong hiyas sa pusod ng metropolis. "Kafeneio," basa ni Ellie sa pangalan ng shop. "Dapat kape namin." Gustong magpatawa ni Ellie ng lumapit sila ni Gil sa counter. Hindi napigilan ni Ellie ang mapangiti sa kanyang biro. Natawa tuloy ang dalawang lalake na nasa counter.Mahinang siniko ni Gil si Ellie. "Greek word 'yan na ang ibig sabihin ay coffee," mahinang sabi ni Gil kay Ellie. Natutop tuloy ni Ellie ang sariling bibig. Ngumisi na lang siya para hindi siya magmukhang tanga. "Iced americano ang sa akin," sabi ni Ellie. "With extra shot ha." "No," sabi ni Gil na nakataas ang kilay. "Hindi ka pa kumakain, kaya hindi ka p'wedeng magkape." sagot niya na malumanay ngunit matigas ang tono.Itinagilid ni Ellie ang kanyang ulo, patungo ang tingin kay Gil. Nakakunot ang kanyang no
Pumasok si Ellie sa mall, nagsisimula nang kumapal ang tao. Dito na siya dumiretso matapos makipagkita kay Mariz. Duty niya ngayong araw. Habang naglalakad bumubulong sa kanyang isipan ang pakikipag-usap kay Mariz, ngunit desidido siyang iwaksi ito. Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang trabaho na dapat gawin, at hindi niya nais na makagambala ito. Habang palapit siya sa kanilang booth sinalubong siya ni Maan, nakita niya ang pananabik sa mga mata nito. "Miss Ellie!" Kaway ni Maan sa kanya. "Buti naman dumating ka na. Mayroon kang inquiry sa leaflet mo. Sinabi nila na tawagan mo sila kaagad. Heto ang cellphone number na iniwan nila kanina. Nandito lang sila sa restaurant kumakain." Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Kahit negative vibes ang pinabaon sa kanya ni Mariz, mayroon naman Maan na may positibong pasalubong sa kanya. "Whoa! Magandang balita 'yan," sagot niya, ang boses niya ay napuno ng kumpiyansa. "Kapag positive buyer Ms. Ellie magpa-snack ka naman." Parang mainit
Nakatayo si Ellie sa tabi ng kalan, ang masarap na aroma ng bawang sa kawali ay pumupuno sa hangin habang siya ay naggigisa. Ito ang kanyang ritwal sa umaga ang magluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Ellery. Naputol ang maindayog na tunog ng spatula sa kawali. Narinig niya ang ring ng kanyang cellphone sa mesa sa sala. Huminto si Ellie, sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Maaga pa lang, hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang tatawag ng ganoong oras. Imposible namang kliyente. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay sa tuwalyang nakasabit at naglakad patungo sa sala. Sa screen nakaregister ang hindi pamilyar na numero, ang mga digit nito ay sumasayaw na parang isang palaisipan. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang telepono. "Hello?" "Ellie?" Pamilyar kay Ellie ang boses sa kabilang linya. "Mariz?" Hinayaan niyang magsalita si Mariz sa kabilang linya. Nakinig lamang siya. Hindi nagtagal ibinababa ni Ellie ang cellphone. "Bakit naman niya ako gustong ka
Humahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawa
Iniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw
Dahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip
Pasado ala sais ng gabi, mabagal ang daloy ng trapiko. Sakay si Gil ng kanyang sasakyan. Tanaw niya mula sa kanyang kinauupuan ang liwanag ng ilaw sa mga nakahilerang tindahan. Nagsisimula na ring magbukas ang mga panggabing establisyemento. Marami rin ang naglalakad. Pero hindi naman doon nakatuon ang kanyang isip. "Hindi yata naging maganda ang araw mo ngayon, President," sabi ni Mr. Ed kay Gil habang nagda-drive. Nahalata ang malimit na pagbugtong-hininga nito. Alam ni Mr. Ed na kapag ganito ang aura ng Presidente maraming gumugulo sa isip. "Tama ka," maikling sagot ni Gil. Hindi maiwasan ni Gil na pag-isipan ang misteryosong mensahe ng kanyang kapatid, na tumutukoy sa lumang id. Naniniwala siya na may alam ang kanyang kapatid, ngunit tila nag-aalangan ito na pag-usapan ang tungkol dito. May pakiramdam siya na ang kanyang kapatid ay maaaring nagtatago ng sikreto. Dagdag pa ang biglaang pag-alis nito papuntang Paris ng walang pasabi. Sa aksyon ng kanyang kapatid lalong
"Ano bang pumasok sa isip mo kung bakit ginawa mong product endorser si Ms. Ellie? Sinabi mo isama lang siya sa casting pero ginawa mo siyang endorser," seryosong tanong ni Gil kay Dana. Halata sa boses nito ang pagtataka. Gusto niya talagang kausapin si Dana ng sarilinan tungkol sa bagong kontrata ni Ellie. Hindi ito ang kanilang napag-usapan sa simula. Hindi niya inaasahan na babaguhin ni Dana ang kontrata. Hinintay muna ni Gil na makaalis sina Ellie at Dale upang hindi marinig ng dalawa ang kanilang pag-uusapan. Bagamat hindi niya hawak ang talent management, iniisip niya rin ang kapakanan ng ibang talent na matagal na sa TheCompany. Baguhang talent si Ellie at magiging malaking isyu ito sa iba. Hindi maiiwasan magkaroon ng inggitan. Lalo na't product endorser ang kontratang pinirmahan ni Ellie. "Well, nakita ko ang kakayahan niya. Taglay niya ang karisma na hinahanap ko para sa product na i-launch namin. Ikaw na rin ang nagsabi na may potential siya," paliwanag ni Dana.
"Ms. Ellie, you never know when the next opportunity will come when you say no today," sabi ni Gil. Nakatitig ng maigi kay Ellie. "Kung marami kang gastusin makakatulong sa'yo 'to. Lalo na kung may sinusuportahan ka. Branded pa ang pwede mong bilhing damit." "President hindi ako mahilig sa branded," sagot agad ni Ellie. "Ah, I see. Hindi ka mahilig sa branded. Just in case na may gusto kang regaluhan, I mean." Tila may gustong patungkulan si Gil. Iniisip niya ang nakitang lalaki na kasama ni Ellie sa mall. Kaya niya sinabing p'wede siyang bumili ng branded na damit. "Ahh, pero sir, ano ang katiyakan ko para..." "I will not leave you, I will always be by your side. Kaya wala kang dapat alalahanin sa kontrata. Ako na ang bahala sa lahat," dugtong pa ni Gil. "Ang pinag-usapan natin kanina of course itutuloy natin. No worry." "Dapat lang, ikaw naman ang makikinabang nito," pabulong sabi ni Ellie. "May sinasabi ka Ms. Ellie?" "A-ah wala President" Hinawi niya ang bangs na tu