Share

Chapter 0066

Nang magising si Serene ay isang malamlam na ilaw ang nakita niya sa kanyang uluhan at pakiramdam niya ay para bang nasa pamilyar siyang lugar ng mga oras na iyon. Bigla siyang napahawak sa kanyang ulo at napatanong sa kanyang isip kung nasaan ba siya nang bigla na lamang niyang maalala na naghihintay pala sa nursing home ang kanyang ama kaya nagmamadali siyang bumangon.

Dali-dali siyang bumaba ng kama at nagtungo sa pinto ngunit nang buksan niya ito ay isang bulto ng tao ang humarang sa kaniya at halos mapatalon pa siya sa labis na pagkagulat. “Saan mo balak pumunta?” malamig na tanong sa kaniya ni Pierce. Saglit naman na natigilan si Serene nang makita niya ito at pagkatapos ay bigla niyang naisip kung bakit parang pamilyar ang lugar. Iyon ang condo nito sa Solace International.

Umatras siya at pagkatapos ay nagtanong. “Bakit ako nandito at paano ako napunta rito? Isa pa ay gaano na ako katagal na nakatulog?” sunod-sunod na tanong niya rito.

“Nahimatay ka at dalawang oras kang naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status