Nang matapos nang mag-impake si Serene ay agad na rin siyang nagpaalam kay Amber at pagkatapos ay nagtungo na siya sa kung saan nakatira si Pierce. Nang makarating siya doon ay halos alas syete na nang gabi. Sa totoo lang, wala siyang number ni Piece ngunit mayroon naman siyang numero ng assistant nito an si Liam at akmang tatawagan na sana niya ito ngunit nang ilabas niya ang kanyang cellphone ay doon niya nalaman na lowbat na pala siya at patay na iyon.Wala ng ibang paraan pa kundi ang umupo na lamang sa harap ng suit nito at hintayin ang pagdating nito since wala din naman siyang access doon at hindi siya makakapasok.Samantala, sa villa ng ama ni Pierce ay magkaharap silang mag-ama. Ito ay si Andrei Smith na limampung taong gulang na at ito ay isang payat na lalaki ngunit ang mukha nito ay nananatiling malamig lalo na nag mga mata. Kung gaano kalamig ang mga mata ni Pierce ay di hamak na mas malamig pa ang mga mata nito sa kaniya. Sinulyapan niya ito. “Bakit niyo ako ipinatawag
Pagkapasok naman ni Pierce sa loob ng kotse, magsasalita pa lamang sana si Liam nang bigla na lamang nagsalita si Pierce. “Pumunta na muna tayo sa Sanctuary ngayon.” sabi nito sa kaniya. Ibinuka naman niya ang kanyang bibig at gusto sana niyang ipaalala kay Pierce na baka dumating sa tirahan nito si Ms. Serene ngunit ni hindi naman ito tumawag sa kaniya kaya hindi rin siya sigurado kung nandun na nga ito o kung ano.Isa pa alam niya na kapag nag-aya ito na pumunta sa sactuary ay tiyak na hindi maganda ang mood nito. Nasa sanctuary ang puntod ng ina nito at sa puntong iyon ay walaSa oras na ito, ang tanging bagay na kailangan niyang gawin ay ang manahimik.Kung hindi ay baka kung ano ang magawa nito sa kaniya at katakot-takot na sermon ang gagawin nito sa kaniya. Nang makarating sila doon ay halos ilang oras ang inubos ni Pierce sa sanctuary at halos alas dos na nang madaling araw sila nakabalik sa tirahan nito.Pagkaparada ng kotse sa parking lot ay agad na bumaba si Pierce mula doo
“Sir—” sabi nito sa kaniya ngunit napatitig siya sa mga mata nito kung saan ay sobrang namumula ang mga mata nito at ang kanyang mga pilikmata ay basa dahil sa luha ngunit ni isa sa mga luha nito ay hindi tumulo sa pisngi nito at nakakaawa nitong itsura ay pumukas sa kanyang pagnanais na makaganti rito. Isa lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Sa sumunod na segundo ay dali-dali niya itong binuhat palabas doon.Agad niyang binuhat ito at naglakad patungo sa pinto ng kanyang condo at dali-daling binuksan ang pinto. Nang maisara niya ang pinto ay agad na idiniin ni Pierce si Serene sa pintuan at hinalikan niya ito kaagad at hinawakan ang dibdib nito at ang kanyang dila ay ipinasok niya sa bibig nito.Samantala, halos hindi naman makagalaw si Serene mula sa kanyang kinatatayuan at halos hindi siya makahinga. Wala siyang magawa kundi hayaan lang ito sa ginagawa nito. Para siyang isang robot na naging sunud-sunuran sa lahat ng utos at ginagawa nito at halos matagal din ang bago ito
Ilang sandali pa ay natapos na si Pierce kaya dali-dali siyang tumayo. Isa pa ay nakita niya ang nakakaawang mukha nito. Hindi nagtagal ay bigla na lamang niyang naramdaman na hinawakan nito ang kanyang kamay niya kaya malamig niya itong sinulyapan. “Sinabi ko na magpahinga ka na at hindi ko sinabing hawakan mo ang kamay ko.” malamig na sabi niya rito.Agad naman na natigilan si Serene dahil wala pa naman itong sinasabi sa kaniya. Isa pa, hindi niya akalain na ang magaspang magsalita na lalaking ito ay medyo may pagkamabait din kahit na papano. “Pero…” sabi niya.Napabuntung-hininga ito. “Bakit ba kasi napakawalang pakialam mo para sa sarili mo?” madilim ang mga matang tanong nito sa kaniya.Nag-iwas syang tingin at pagkatapos ay sinubukang iwasan na lamang ito. “Isa pa, sa totoo lang umiinit na naman ang pakiramdam ko. Paano ako ngayon makakatulog ng mahimbing nito?” at pagkatapos ay hinaplos nito ang balikat niya.Napalunok na lamang si Serene at bahagyang bumilis ang tibok ng puso
“I-add kita sa messenger dahil mas convenient iyon.” malamig na sabi ni Pierce rito.Agad naman na natigilan sandali si Serene at pagkatapos ay ibinaba niya ang kanyang cellphone. “Ah…” sabi niya at biglang napaisip kung bakit siya nito gustong i-add sa kanyang epbi.Nang makita naman ni Pierce ang reaksyon nito ay bigla na lamang siyang napakunot noo. Hindi ba ay dapat lang naman na i-add siya nito pero ano ang nasa likod ng sinabi nito na “ah..” at para bang napipilitan lang ito. Agad niyang pinulot iyong upang i-add ang sarili niya gamit ang cellphone nito at pagkatapos ay inilapag din iyon sa mesa. Samantala, hindi naman na pinulot ni Serene ang kanyang cellphone hanggang sa matapos siyang kumain at dahil doon ay nagdlim ang mukha ni Pierce at pagkatapos ay halos padabog na tumayo mula sa mesa.Agad naman na natigilan si Serene dahil sa ginawa nito ng ilang segundo at pagkatapos ay mabilis na nakabawi. Halos ilang araw nang pabago-bago ang ugali nito. Ilang sandali pa ay bigla na
.Sa sobrang takot ni Serene sa ngiti nito ay pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito, ngunit sa halip na pakawalan ay hinawakan lang nito ang kanyang buhok at marahas na hinila. Halos mapadaing siya sa sakit ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay mapupunit na ang anit niya. “Saan ka pupunta sa tingin mo ha? Kay Pierce? Kahit na patayin kita, wala siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya ngunit wala siyang lakas na sumagot rito dahil sobrang sakit ng ginagawa nitong paghila sa kanyang buhok ng mga oras na iyon.“Sasabihin mo ba o hindi huh?!” ulit ni Reid sa tanong niya kanina. Gustong-gusto na malaman n Reid kung sino talaga ang lalaking pinagbentahan ni Serene ng sarili niya at parang mababaliw na siya dahil doon ngunit nang hindi niya ito mahintay na magsalita ay agad niya itong hinatak patungo sa pader at itutulak niya sana.Biglang napatingala si Serene mula sa likod ni Reid ay nakita niya ang isang pamilyar na gwapong mukha na may nakakapangilabot na itsura. Namutla ang
Dahil sa nangyari ay labis na nataranta si Reid kaya dali-dali niyang tinawagan si Beatrice lalo na at halos hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Takot na takot din siya ng mga oras na iyon. “Baby, iligtas mo ako please… iligtas mo ako…” nagmamakaawang sambit ni Reid nang sagutin nito ang kanyang tawag.Samantala, sa buong umaga ni Serene ay wala nang gaanong nangyari ngunit nang hapon na ay nag-aayos ng mga gamit nang bigla na lang may nagsabi sa kaniya na kasamahan niya na may naghahanap daw sa kaniya sa baba. Nagtataka naman na lumabas si Serene hanggang sa makababa siya. Paglabas niya ay nakita niya si Mike na nakatayo doon na napaka-elegante sa suot nito beige casual suit at brown na pantalon. Sa totoo lang ay nagulat siya nang makita niya ito kaya puno ng gulat ang kanyang mukha. “Mike? Bakit ka nandito?” puno ng pagtatakang tanong niya.Nang makita siya nito ay agad na itong humakbang palapit sa kaniya na may ngiti sa kanyang mga labi. “Katatapos lang ng trabaho ko at
Magkasama sila ni Alliyah na muling pumasok sa loob ng kumpanya. Pagbalik nila sa kanilang opisina ay bigla na lamang pinuri ni Alliyah si Mike sa harap ng mga kasamahan niya kung saan ay sobrang nainggit naman ang mga ito.“Serene, sana may kababata rin ako na gwapo katulad niya.” sabi ng isa nilang kasamahan.Ilang sandali pa ay sinulyapan naman siya ni Alliyah at pagkatapos ay nakangiting nagsalita. “Sa tingin ko ay gusto ka niya.” sabi nito.Bahagya namang nagulat si Serene at pagkatapos ay mabilis na nagpaliwanag. “Hindi, ano ka ba. Kababata ko lang siya at napakabuti lang niya sa akin.” sabi niya.“Okay, okay. Ikaw naman, napaka-defensive mo.” nanunuksong sabi nito sa kaniya.Hindi naman nakapagsalita si Serene. Ngunit nang mga oras na iyon ay buong hapon na siyang pinagkwekwentuhan ng mga ka-trabaho niya na may isa siyang childhood sweetheary na isang doktor at dahil doon ay napapangitan siya. Bagamat gusto niyang ipaliwanag sa mga ito ang totoo ay mahirap naman iyong ipaliwana