.Sa sobrang takot ni Serene sa ngiti nito ay pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito, ngunit sa halip na pakawalan ay hinawakan lang nito ang kanyang buhok at marahas na hinila. Halos mapadaing siya sa sakit ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay mapupunit na ang anit niya. “Saan ka pupunta sa tingin mo ha? Kay Pierce? Kahit na patayin kita, wala siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya ngunit wala siyang lakas na sumagot rito dahil sobrang sakit ng ginagawa nitong paghila sa kanyang buhok ng mga oras na iyon.“Sasabihin mo ba o hindi huh?!” ulit ni Reid sa tanong niya kanina. Gustong-gusto na malaman n Reid kung sino talaga ang lalaking pinagbentahan ni Serene ng sarili niya at parang mababaliw na siya dahil doon ngunit nang hindi niya ito mahintay na magsalita ay agad niya itong hinatak patungo sa pader at itutulak niya sana.Biglang napatingala si Serene mula sa likod ni Reid ay nakita niya ang isang pamilyar na gwapong mukha na may nakakapangilabot na itsura. Namutla ang
Dahil sa nangyari ay labis na nataranta si Reid kaya dali-dali niyang tinawagan si Beatrice lalo na at halos hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Takot na takot din siya ng mga oras na iyon. “Baby, iligtas mo ako please… iligtas mo ako…” nagmamakaawang sambit ni Reid nang sagutin nito ang kanyang tawag.Samantala, sa buong umaga ni Serene ay wala nang gaanong nangyari ngunit nang hapon na ay nag-aayos ng mga gamit nang bigla na lang may nagsabi sa kaniya na kasamahan niya na may naghahanap daw sa kaniya sa baba. Nagtataka naman na lumabas si Serene hanggang sa makababa siya. Paglabas niya ay nakita niya si Mike na nakatayo doon na napaka-elegante sa suot nito beige casual suit at brown na pantalon. Sa totoo lang ay nagulat siya nang makita niya ito kaya puno ng gulat ang kanyang mukha. “Mike? Bakit ka nandito?” puno ng pagtatakang tanong niya.Nang makita siya nito ay agad na itong humakbang palapit sa kaniya na may ngiti sa kanyang mga labi. “Katatapos lang ng trabaho ko at
Magkasama sila ni Alliyah na muling pumasok sa loob ng kumpanya. Pagbalik nila sa kanilang opisina ay bigla na lamang pinuri ni Alliyah si Mike sa harap ng mga kasamahan niya kung saan ay sobrang nainggit naman ang mga ito.“Serene, sana may kababata rin ako na gwapo katulad niya.” sabi ng isa nilang kasamahan.Ilang sandali pa ay sinulyapan naman siya ni Alliyah at pagkatapos ay nakangiting nagsalita. “Sa tingin ko ay gusto ka niya.” sabi nito.Bahagya namang nagulat si Serene at pagkatapos ay mabilis na nagpaliwanag. “Hindi, ano ka ba. Kababata ko lang siya at napakabuti lang niya sa akin.” sabi niya.“Okay, okay. Ikaw naman, napaka-defensive mo.” nanunuksong sabi nito sa kaniya.Hindi naman nakapagsalita si Serene. Ngunit nang mga oras na iyon ay buong hapon na siyang pinagkwekwentuhan ng mga ka-trabaho niya na may isa siyang childhood sweetheary na isang doktor at dahil doon ay napapangitan siya. Bagamat gusto niyang ipaliwanag sa mga ito ang totoo ay mahirap naman iyong ipaliwana
Dahil sa naging sagot ni Serene ay biglang napakuyom ng kanyang kamay si Pierce sa matinding galit. Hindi talaga dapat naging malambot ang puso niya kagabi dahil akala pa naman niya ay baka masaktan na naman ito ng sobra ngunit mukhang lumalaki naman ang ulo nito.Malamig niyang tinitigan ito habang nagtatagis ang kanyang mga bagang. “Serene, nakalimutan mo na ba kung paano ka nagmakaawa sa akin ha?” tanong niya rito at pagkatapos ay muli na naman itong hinila sa kanyang harapan at pagkatapos ay itinaas niya ang isang sulok ng kanyang mga labi. “Ano kaya sa palagay mo ang magiging reaksyon ng lalaking iyon kapag ipinakita ko sa kaniya ang kasunduang nilagdaan mo? Ano kayang iisipin niya pag nagkataon?” tanong niya rito.Pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon ay tinapik tapik ni Pierce ang kanyang pisngi at parang may bombang sumabog sa ulo niya ng mga oras na iyon. Biglang gumalaw ang kanyang mga mata at halos hindi makapaniwala sa naring niya. Nanlalaki ang mga mata niyang n
“Hindi na mapag-uusapan pa ang tungkol sa bagay na ito Beatrice at kung ipipilit mo yang gusto mo ay baka palayasin na lang kita sa mansyon.” walang emosyon na sabi nito sa kaniya.Natigilan naman si Beatrice dahil sa sinabi nito. Ano? Palalayasin siya nito kapag ipinilit niya iyon? Dahil rito ay agad na nalukot ang mukha ni Beatrice ng wala sa oras. Napakuyom ang kamay niya. “Bakit Pierce, huwag mong sabihin na nahuhumaling ka na sa babaeng iyon? Kung hindi mo siya matiis at matanggal sa landas mo ay huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa kaniya.” malamig na sabi niya at pagkatapos ay tumalikod mula rito at humakbang upang lumabas.“Tumigil ka!” puno ng diin na sabi ni Pierce sa kaniya at mapapansin na galit ito base sa tono ng boses nito. Nagalit din si Beatrice ng mga oras an iyon ngunit wala siyang magawa at napatigil pa rin sa kanyang paglalakad. “Isang beses ko lang itong sasabihin Beatrice kaya makinig ka. Bilang isang miyembro ng pamilya Smith, dapat mong malaman na ang
Umuwi si Serene sa suit ni Pierce at pagdating niya ay naligo siya at habang naliligo siya ay bigla niyang napasnin na may regla na pala siya. Kaya pala hindi komportable ang pakiramdam niya buong araw. Hindi na siya kumain pa at nahiga na lamang ng maaga upang matulog.Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Serene nang umangat ang kanyang kumot. Bago pa man siyang makapagsalita ay bigla na lamang siyang hinalikan ni Pierce, alam niyang ito iyon dahil wala naman ibang tao na papasok doon kundi ito lamang. Bigla siyang napahawak sa dibdib nito upang itulak dahil sobrang sakit ng katawan niya at sobrang sakit din ng puson niya.Gayunpaman, ang mga kamay nito ay bigla na lamang ipinalibot sa beywang nito at halos hindi siya makagalaw. Hindi nagtagal ay gumalaw na ang mga labi nito at mas idiniin pa ang halik kung saan ay halos hindi na siya makahinga pa. Halos namutla na ang kanyang mukha at pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga.Nang hawakan nito ang ibaba ng puson niya ay mabi
Walang sabi-sabi ay muli niyang hinawakan ang kumot at bumalik sa kanyang pagkakahiga at pagkatapos ay humarap sa lalaking nakatayo sa harap niya.Natigilan naman si Pierce nang makita niya ang itsura nito at pagkatapos ay napangisi sa kaniya. “Ano, lalaban ka pa ba sa akin?” tanong nito sa kaniya.“Hindi na, hindi na ako pupunta. Wala naman akong laban sayo hindi ba?” sabi ni Serene sa mapang-akit na tinig at pagkatapos ay tuluyan nang tumalikod rito.Bigla namang natigilan si Pierce at pagkatapos ay humakbang palapit rito. Puno ng galit ang kanyang mga mata. “Ngayon ay ikaw pa ang may ganang magalit sa akin? Hindi ba at sobra naman na ang ugali mo dahil mukhang nakakalimutan mo nang…” bago pa man siya matapos sa kanyang sinasabi ay bigla na lamang itong nagsalita.“Oo, alam ko at hindi ko nakakalimutan na binayaran mo ako at wala akong karapatan na kahit na ano kaya wala akong dapat sabihin at maging masunurin lang sayo. Huwag kang mag-alala, hindi na kita susuwayin pa sa hinaharap
Nang magising si Serene ay hindi pa tumutunog ang kanyang alarm clock. Dahil doon ay akala niya ay maaga ngunit nang matingala siya sa oras na nakasabit sa silis ay bigla na lamang nanigas ang buong katawan niya. Alas nwebe na ng umaga! Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya hanggang alas nwebe nang hindi man lang nagigising. Isa pa ay bakit hindi tumunog ang kanyang cellphone? Bumangon siya mula sa kama at hinanap ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito nakita. Nang hindi niya iyon nakita ay isinantabi na lamang niya ang paghahanap nun at pagkatapos ay agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Agad din siyang nagbihis at nagmamadaling binuksan ang pinto pagkatapos. Pagbaba niya sa sala ay nakita niya si Pierce na nanduon at hindi ito pumasok.Nakaupo ito sa sofa at may laptop ito sa harap nito at mukha nanunuod ito ng financial news. Agad na naglakad si Serene palapit rito at sa isang sulyap ay nakita niya ang knaiyang cellphone sa tabi ng laptop nito. Agad siyang naglakad at