Share

Chapter 0084

“Hindi na mapag-uusapan pa ang tungkol sa bagay na ito Beatrice at kung ipipilit mo yang gusto mo ay baka palayasin na lang kita sa mansyon.” walang emosyon na sabi nito sa kaniya.

Natigilan naman si Beatrice dahil sa sinabi nito. Ano? Palalayasin siya nito kapag ipinilit niya iyon? Dahil rito ay agad na nalukot ang mukha ni Beatrice ng wala sa oras. Napakuyom ang kamay niya. “Bakit Pierce, huwag mong sabihin na nahuhumaling ka na sa babaeng iyon? Kung hindi mo siya matiis at matanggal sa landas mo ay huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa kaniya.” malamig na sabi niya at pagkatapos ay tumalikod mula rito at humakbang upang lumabas.

“Tumigil ka!” puno ng diin na sabi ni Pierce sa kaniya at mapapansin na galit ito base sa tono ng boses nito. Nagalit din si Beatrice ng mga oras an iyon ngunit wala siyang magawa at napatigil pa rin sa kanyang paglalakad. “Isang beses ko lang itong sasabihin Beatrice kaya makinig ka. Bilang isang miyembro ng pamilya Smith, dapat mong malaman na ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status