Nakasuot si Sharmaine ng isang mamahaling dress kung saan ay kitang-kita nag hubog ng kanyang katawan doon. May dala rin siyang mamahaling bag sa kanyang kamay at nakatingin siya sa babae nang nanlilisik ang mga mata.Dahil naman sa sinabi nito ay biglang tumaas ang kilay ni Serene. “Teka lang Miss, hindi ba at ikaw ang bumangga sa akin?” tanong ni Serene rito. “Talaga ba, ako pa talaga?” Samantala, pakiramdam naman ni Sharmaine ay nakarinig siya ng isang malaking joke nang marinig niya ang sinabi nito sa kaniya. Tiningnan niya ito na halos hindi siya makapaniwala. “Ang kapal din naman ng mukha mo no? Alam mo kung magkano ang damit, bag at sapatos ko ha? Baka ni hindi mo kayang bumili ng kahit na isa lang sa mga ito. Tingnan mo nga, binuhusan mo ang sapatos ko.” inis na sabi niya rito.Napakunot naman ang noo ni Serene dahil sa sinabi nito. Ayaw makipagtalo ni Serene rito kaya tiningnan niya ito sa mga mata. “Alam mo Miss, maraming cctv dito sa kumpanya kaya kung ayaw mong aminin na
“Ikaw!” galit na galit na sabi ng babae sa kaniya at pagkatapos ay itinuro pa siya nito sa kaniyag mukha. Ang mukha nito ay nanggagalaiti sa sobrang galit na para bang gusto siya nitong kainin ng buhay.Malamig niya itong tiningnan. “Kung ako sayo ay dapat mo ring alamin ang lugar mo para magpakita ng kahit na anumang kapangyarihan at magpanggap na akala mo girlfriend ka ni Mr. Smith…” sabi niya at sinuyod niya ito ng tingin at bahagyang napailing. “Medyo katawa-tawa kasi.” dagdag pa niyang sabi rito at pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na tinalikuran ni Serene ito at umalis na doon. Hindi siya natatakot na magsalita ng mga ganung salita rito kahit na nasa kumpanya siya.Kung tutuusin ang pagsasabi ng mga ganitong bagay at pag-uusap tungkol sa pribadong buhay ni Pierce ay parang sampal sa mukha ni Pierce.Samantala, sa opisina ni Pierce. Pagkatapos tanguan ni Sharmaine ang sekretarya ni Pierce ay agad na siyang pumasok sa loob. Nang makita niya ito ay nakaupo ito sa harap ng mesa
Paglabas ni Sharmaine ng opisina ni Pierce ay hindi sinasadyang mabangga na naman niya ang malanding babae na mukhang sinadya din yata siya nitong banggain. Mabilis niyang pinagkrus ang kanyang mga kamay sa dibdib at inis na tiningnan ito. Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. “Ano sa tingin mo ang ginawa namin ni Pierce sa loob ng opisina niya?” puno ng pagmamalaki niyang tanong rito.Napatitig naman si Serene sa mukha ng babae, maganda nga ito ngunit ang bibig nito ay masyadong madaldal. Malamig ang mukhang sumagot siya rito. “Hindi ako interesadong malaman.” sagot niya kaagad rito. Samantala ay bigla na lamang nakaramdam ng matinding inis lalo na nang maisip niya na nagkakagusto si Pierce sa mga ganung klaseng babae. Sana lang ay matupad nito ang nasa kasunduan nila na hindi ito makikipagtalik sa ibang babae. Sa totoo lang ay hindi niya matatanggap na makipag-share sa ibang babae.Napangisi ito sa kaniya. “Bakit ha? Natatakot ka ba na malaman mo? Ni hindi mo nga alam kung gaano siy
Biglang nagyelo ang hangin nang makaalis ang babae sa harap nila at nang maiwan na lang silang dalawa doon. Nang makita niya ang napakalamig na mukha nito ay gusto na niyang makaalis agad doon kaya tiningnan niya ito. “Pierce, pagabi na at hindi na kita iistorbohin pa. Aalis na ako.” paalam niya at tatalikod na sana nang ngunit narinig niya ang malamig na pagtawag nito sa kaniya na ikanatigas ng buong katawan niya.“Gusto ko na ito na ang huling pagkakataon na magkakalat ka ng tsismis dahil kapag nahuli pa ulit kita ay huwag mo akong sisihin kung anong masabi ko sa iyong ama.” malamig na sbai nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong magsalita ay agad na itong tumalikod at umalis, iniwan siyang nakatayo doon habang nakatitig sa papalayong pigura nito. Biglang namutla ang kanyang mukha.Nang bawiin niya ang kanyang tingin mula doon ay napakuyom ang kanyang mga kamay at gumuhit ang matinding galit sa kanyang mukha. Ang babaeng iyon, magbabayad siya! Sabi niya bago siya naglakad paalis do
Sa sumunod na sandali, bigla na lamang niyang naramdaman na umangat ang katawan niyan sa era at binuhat siya nito at inilapag sa kama. Dali-dali niyang inilagay ang kanyang kamay sa dibdib nito at tiningnan ito na punong-puno ng pagtataka. “Hindi ba at nangako ka sa akin na hindi mo ako hahawakan kapag naghawak ka ng ibang babae?” tanong niya rito. Alam niya kung anong ginawa nila dahil nga sa pulang marka na nakita niya sa balikat ng babaeng iyon at tiyak niya na dahil iyon sa matinding halikan nila.Hindi niya alam kung bakit pero habang iniisip niya na nakipaghalikan si Pierce sa ibang babae ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan. Nakita niyang napatitig naman ito sa kaniya ng kakaiba “ano bang sinasabi mo?” tanong naman nito sa kaniya.Agad naman na nalito si Serene dahil sa sagot din naman nito. Nagmamaang-maangan ba ito? “Kung hindi mo kayang tuparin ang ipinangako mo ay hindi ko rin tutuparin ang nasa kasunduan natin.” sabi niya rito.Agad naman na ini
Maya-maya pa ay wala siyang naramdaman na gumalaw o ni kahit na anumang ingay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Pierce na papasok sa silid na may dalang medicine kit. Lumabas pala ito ng silid na hindi niya namamalayan.Samantala, nang makita naman siya nito ay agad itong nasorpresa dahil sa itsura niya. “Kung gusto mo talaga ay kailangan mo munang maghintay ng ilang sandali.” tukso nito sa kaniya.Bigla namang namula ang mukha ni Serene at pagkatapos ay napakagat-labi siya. “Hi-hindi iyon ang akala ko ay…” sabi niya at hindi na maituloy-tuloy pa ang kanyang sinasabi. Umupo ito sa baba ng kama at hinawakan nito ang kanyang maliliit na mga paa gamit ang malalaking kamay nito.Tiningnan niya ito at agad na nagdilim ang kanyang mukha nang makita ito. “Hindi ka ba marunong humingi ng gamot sa tauhan ko nung makauwi ka?” tanong niya rito.Agad naman na namanhid ang paa ni Serene habang hawak nito iyon. “Hayaan mo na yan, gagaling din naman yan.” sabi niya.Mahigpit n
Kinabukasan, pagdating ni Serene sa kumpanya ay agad siyang dumiretso sa coffee room upang uminom ng salabat upang iligtas ang lalamunan niya. Habang iniinom niya iyon ay minumura niya si Pierce sa isip niya. Pagkatapos nun ay pabalik na siya sa kanyang mesa nang hindi sinasadyang mabangga niya si Liam at bigla niyang naalala na noong huling beses pala ay hindi pa siya nakapagpasalamat rito.“Assistant Liam, salamat nga pala sa tulong noong nakaraan.” sabi niya rito. Kung hindi dahil rito at sa inutusan nitong abogado noong araw na iyon ay magiging mahirap sa kaniya para papirahin ang kanyang ama sa dalawang dokumentong iyon.Saglit naman na natigilan si Liam nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya at sumagot. “Miss Serene hindi ako ang dapat mong pasalamatan. Sinunod ko lang ang utos ni sir Pierce.” sabi niya rito.Natigilan naman si Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Ibig sabihin ay hindi ito ang may uto kundi si Pierce mismo? Ibig sabihin ay tin
Samantala, sa ibang bansa. Nakahiga sa kama ang isang dalaga na nakasuot ng ventilator na wala man lang bahid ng kulay sa kanyang magandang mukha. Pumasok si Liam sa loob ng silid at lumapit sa kaniya. “Sir, ayon sa doktor ay halos bente kwatro oras na ang lumipas at sinabi nito na si Miss Nicole ay nasa stable nang kalagayan at maging ang ama nito ay stable na rin daw.” bulong nitong sa kaniya.“Okay, sige.” sagot ni Pierce rito na ang mga mata ay medyo malabo na mapupula. Ang ama ni Nicole ay nagkaroon ng biglaang impeksyon sa baga at nasa ilalim ng obserbasyon, dahil rito ay halos walang tulog si Pierce ng dalawang araw.“Magpahinga na po muna kayo, ako na muna ang magbabantay rito.” sabi pa ni Liam sa kaniya. Agad naman siya tumango at tumayo pagkatapos ay lumabas doon. Pumasok siya sa isang silid sa tabi nito upang maligo. Kinuha niya ang isang silid na iyon para may pahingahan sila. Pagkalabas niya sa banyo ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at titingnan niya sana ku