Maya-maya pa ay wala siyang naramdaman na gumalaw o ni kahit na anumang ingay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Pierce na papasok sa silid na may dalang medicine kit. Lumabas pala ito ng silid na hindi niya namamalayan.Samantala, nang makita naman siya nito ay agad itong nasorpresa dahil sa itsura niya. “Kung gusto mo talaga ay kailangan mo munang maghintay ng ilang sandali.” tukso nito sa kaniya.Bigla namang namula ang mukha ni Serene at pagkatapos ay napakagat-labi siya. “Hi-hindi iyon ang akala ko ay…” sabi niya at hindi na maituloy-tuloy pa ang kanyang sinasabi. Umupo ito sa baba ng kama at hinawakan nito ang kanyang maliliit na mga paa gamit ang malalaking kamay nito.Tiningnan niya ito at agad na nagdilim ang kanyang mukha nang makita ito. “Hindi ka ba marunong humingi ng gamot sa tauhan ko nung makauwi ka?” tanong niya rito.Agad naman na namanhid ang paa ni Serene habang hawak nito iyon. “Hayaan mo na yan, gagaling din naman yan.” sabi niya.Mahigpit n
Kinabukasan, pagdating ni Serene sa kumpanya ay agad siyang dumiretso sa coffee room upang uminom ng salabat upang iligtas ang lalamunan niya. Habang iniinom niya iyon ay minumura niya si Pierce sa isip niya. Pagkatapos nun ay pabalik na siya sa kanyang mesa nang hindi sinasadyang mabangga niya si Liam at bigla niyang naalala na noong huling beses pala ay hindi pa siya nakapagpasalamat rito.“Assistant Liam, salamat nga pala sa tulong noong nakaraan.” sabi niya rito. Kung hindi dahil rito at sa inutusan nitong abogado noong araw na iyon ay magiging mahirap sa kaniya para papirahin ang kanyang ama sa dalawang dokumentong iyon.Saglit naman na natigilan si Liam nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya at sumagot. “Miss Serene hindi ako ang dapat mong pasalamatan. Sinunod ko lang ang utos ni sir Pierce.” sabi niya rito.Natigilan naman si Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Ibig sabihin ay hindi ito ang may uto kundi si Pierce mismo? Ibig sabihin ay tin
Samantala, sa ibang bansa. Nakahiga sa kama ang isang dalaga na nakasuot ng ventilator na wala man lang bahid ng kulay sa kanyang magandang mukha. Pumasok si Liam sa loob ng silid at lumapit sa kaniya. “Sir, ayon sa doktor ay halos bente kwatro oras na ang lumipas at sinabi nito na si Miss Nicole ay nasa stable nang kalagayan at maging ang ama nito ay stable na rin daw.” bulong nitong sa kaniya.“Okay, sige.” sagot ni Pierce rito na ang mga mata ay medyo malabo na mapupula. Ang ama ni Nicole ay nagkaroon ng biglaang impeksyon sa baga at nasa ilalim ng obserbasyon, dahil rito ay halos walang tulog si Pierce ng dalawang araw.“Magpahinga na po muna kayo, ako na muna ang magbabantay rito.” sabi pa ni Liam sa kaniya. Agad naman siya tumango at tumayo pagkatapos ay lumabas doon. Pumasok siya sa isang silid sa tabi nito upang maligo. Kinuha niya ang isang silid na iyon para may pahingahan sila. Pagkalabas niya sa banyo ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at titingnan niya sana ku
Biglang nanlamig ang mukha ni Serene. Bakit parang may mali sa mga sinabi nito. Bakit ba parang napakainit ng dugo nito kay Mike? May hindi ba pagkakaunawaan ang mga ito? Mabilis siyang nagpaliwanag rito. “Hindi ako nakipag-date kay Mike. ano ka ba, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na itinuturing ko siya bilang isang kapatid.” sabi niya rito.Tumaas ang sulok ng labi ni Pierce, sa tingin ba nito ay maloloko siya nito? Bulag ba siya sa tingin nito? “Kung sinagot niya ang tawag mo noon at wala siya sa eroplano, gusto mo pa ba akong puntahan pagkatapos ha?” tanong niya rito na puno ng panunuya.Dahil rito ay napakagat-labi naman si Serene. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito sa kaniya. Kapag iniwasan niyang sagutin ito ay magagalit ito sa kaniya at kapag sinagot naman niya ito ay magagalit pa rin ito.Biglang naisip ni Pierce kung gaano siya kasaya habang pumipili ng kwintas na ibibigay niya sana rito ngunit nang makita niya ang eksenang iyon at malaman niya na h
Biglang nagkaroon ng maliit na puwang ang bintana ngunit alam niya na hindi iyon sapat upang sumilip sa loob ng bintana. Dahil doon ay agad na nanigas ang buong katawan ni Serene at halos manikip rin ang lalamunan siya dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon at halos hindi na rin siya makahinga pa.“Serene.” sabi ni Pierce na ikinatitig niya sa mga mata nito. “Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya mong gawin para hindi niya tayo makita dito ngayon sa loob ng sasakyan.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagkatok mula sa labas ng bintana. Mabuti na lang at tinted ang salamin ng bintana kaya hindi sila kita mula sa labas. “Hello, may tao ba diyan? Pwede niyo po bang buksan ang bintana…” rinig niyang sabi ni Mike mula sa labas.Biglang nanginig ang puso ni Serene habang nakatitig sa mga mata ni Pierce, pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob doon at agad niyang nabasa kung ano ang gusto nito habang nakatitig siya sa mga mata nito. Gusto nito
Pinilit niyang tumayo at paika-ikang naglakad patungo sa sasakyan. Sobrang sakit ng paa niya. Sa bawat hakbang niya ay halos mamutla ang mukha niya. Mabuti na lang at natiis niya ang sakit hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa loob ng kotse.Pagkapasok niya sa loob ay tahimik na ang loob ng kotse. Sa buong byahe ay pareho silang tahimik at walang nagsasalita. Hanggang sa makarating sila sa building kung nasaan ang tirahan ni Pierce ay hindi pa rin ito nagsasalita. Dahil sa ayaw rin naman niyang kausapin ito ay tahimik lang siyang sumunod rito habang paika-ika ang paglalakad.Nang makarating sila sa loob ng bahay ay bigla na lamang itong dumiretso sa silid nito at bigla nitong isinara ang malakas ang pinto na naging dahilan para gumawa ng isang ingay. Ilang segundong natigilan si Serene bago niya tinungo ang hagdan at pagkatapos ay natawa siya sa kanyang sarili. Hindi ba at mas maganda kung galit ito sa kaniya? Para kung sakali ay hindi siya nito lapitan.Pagkapasok niya sa kanya
Agad nga na nakarating si Pierce sa may Solace at agad siyang sumakay sa elevator upang makarating sa kanyang unit. Nang pumasok siya sa loob ay tahimik sa loob. Dahil rito ay agad niyang tinungo ang hagdan at pagkatapos ay dahan-dahan na umakyat hanggang sa makarating siya sa tapat ng silid ni Serene. Akmang kakatok na sana siya nang marinig niya na tila ba isang bagay na nabasag mula sa loob ng silid. Dahil rito ay agad siyang pumasok sa silid at nakita niya itong nakahandusay sa sahig na may hawak na basa. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na niya itong binuhat at dinala sa kama at pagkatapos ay doon niya napansin ang bukong-bukong nito na namamaga at dahil doon ay bigla siyang napasimangot.Nang tumayo siya ay napatitig siya sa mukha nito at ang mukha nito ay puno ng sakit ng mga oras na iyon. Kukumutan sana niya ito nang bigla na lamang dumampi ang kanyang kamay sa balat nito at halos bawiin niya ang kanyang kamay dahil sa pagkapaso. Nang ilagay niya ang kamay niya
Nang makita niyang tulog na tulog na si Serene ay agad siyang bumangon at pumunta sa kanyang silid upang itapat ang sarili niya sa napakalamig na tubig upang mawala ang init na nararamdaman niya. Mabuti na lamang at naidaan niya sa pagligo ang init na unti-unting bumabalot na sa katawan niya. Pagbalik niya kay Serene ay muli niyang chineck ang temperatura nito at nakita niya na bumaba na ito at naging normal ngunit sa kabila nun ay nahiga pa rin siya sa tabi nito at hindi niya ito iniwan. Muli siya nitong niyakap at hindi na ito bumitaw pa mula sa pagkakayakap sa kaniya kung saan ay niyakap na rin niya ito. Ilang sandali pa ay nakaramdam na rin siya ng antok.Nang magising naman kinabukasan si Serene ay medyo magaan na ang pakiramdam niya at pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa beywang niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata at tumingala, nakita niya si Pierce sa tabi niya habang nakayakap sa kaniya. Dahil rito ay kaagad na namula ang buong mukha niya. Pakiramda