Biglang nanlamig ang mukha ni Serene. Bakit parang may mali sa mga sinabi nito. Bakit ba parang napakainit ng dugo nito kay Mike? May hindi ba pagkakaunawaan ang mga ito? Mabilis siyang nagpaliwanag rito. “Hindi ako nakipag-date kay Mike. ano ka ba, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na itinuturing ko siya bilang isang kapatid.” sabi niya rito.Tumaas ang sulok ng labi ni Pierce, sa tingin ba nito ay maloloko siya nito? Bulag ba siya sa tingin nito? “Kung sinagot niya ang tawag mo noon at wala siya sa eroplano, gusto mo pa ba akong puntahan pagkatapos ha?” tanong niya rito na puno ng panunuya.Dahil rito ay napakagat-labi naman si Serene. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito sa kaniya. Kapag iniwasan niyang sagutin ito ay magagalit ito sa kaniya at kapag sinagot naman niya ito ay magagalit pa rin ito.Biglang naisip ni Pierce kung gaano siya kasaya habang pumipili ng kwintas na ibibigay niya sana rito ngunit nang makita niya ang eksenang iyon at malaman niya na h
Biglang nagkaroon ng maliit na puwang ang bintana ngunit alam niya na hindi iyon sapat upang sumilip sa loob ng bintana. Dahil doon ay agad na nanigas ang buong katawan ni Serene at halos manikip rin ang lalamunan siya dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon at halos hindi na rin siya makahinga pa.“Serene.” sabi ni Pierce na ikinatitig niya sa mga mata nito. “Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya mong gawin para hindi niya tayo makita dito ngayon sa loob ng sasakyan.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagkatok mula sa labas ng bintana. Mabuti na lang at tinted ang salamin ng bintana kaya hindi sila kita mula sa labas. “Hello, may tao ba diyan? Pwede niyo po bang buksan ang bintana…” rinig niyang sabi ni Mike mula sa labas.Biglang nanginig ang puso ni Serene habang nakatitig sa mga mata ni Pierce, pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob doon at agad niyang nabasa kung ano ang gusto nito habang nakatitig siya sa mga mata nito. Gusto nito
Pinilit niyang tumayo at paika-ikang naglakad patungo sa sasakyan. Sobrang sakit ng paa niya. Sa bawat hakbang niya ay halos mamutla ang mukha niya. Mabuti na lang at natiis niya ang sakit hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa loob ng kotse.Pagkapasok niya sa loob ay tahimik na ang loob ng kotse. Sa buong byahe ay pareho silang tahimik at walang nagsasalita. Hanggang sa makarating sila sa building kung nasaan ang tirahan ni Pierce ay hindi pa rin ito nagsasalita. Dahil sa ayaw rin naman niyang kausapin ito ay tahimik lang siyang sumunod rito habang paika-ika ang paglalakad.Nang makarating sila sa loob ng bahay ay bigla na lamang itong dumiretso sa silid nito at bigla nitong isinara ang malakas ang pinto na naging dahilan para gumawa ng isang ingay. Ilang segundong natigilan si Serene bago niya tinungo ang hagdan at pagkatapos ay natawa siya sa kanyang sarili. Hindi ba at mas maganda kung galit ito sa kaniya? Para kung sakali ay hindi siya nito lapitan.Pagkapasok niya sa kanya
Agad nga na nakarating si Pierce sa may Solace at agad siyang sumakay sa elevator upang makarating sa kanyang unit. Nang pumasok siya sa loob ay tahimik sa loob. Dahil rito ay agad niyang tinungo ang hagdan at pagkatapos ay dahan-dahan na umakyat hanggang sa makarating siya sa tapat ng silid ni Serene. Akmang kakatok na sana siya nang marinig niya na tila ba isang bagay na nabasag mula sa loob ng silid. Dahil rito ay agad siyang pumasok sa silid at nakita niya itong nakahandusay sa sahig na may hawak na basa. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na niya itong binuhat at dinala sa kama at pagkatapos ay doon niya napansin ang bukong-bukong nito na namamaga at dahil doon ay bigla siyang napasimangot.Nang tumayo siya ay napatitig siya sa mukha nito at ang mukha nito ay puno ng sakit ng mga oras na iyon. Kukumutan sana niya ito nang bigla na lamang dumampi ang kanyang kamay sa balat nito at halos bawiin niya ang kanyang kamay dahil sa pagkapaso. Nang ilagay niya ang kamay niya
Nang makita niyang tulog na tulog na si Serene ay agad siyang bumangon at pumunta sa kanyang silid upang itapat ang sarili niya sa napakalamig na tubig upang mawala ang init na nararamdaman niya. Mabuti na lamang at naidaan niya sa pagligo ang init na unti-unting bumabalot na sa katawan niya. Pagbalik niya kay Serene ay muli niyang chineck ang temperatura nito at nakita niya na bumaba na ito at naging normal ngunit sa kabila nun ay nahiga pa rin siya sa tabi nito at hindi niya ito iniwan. Muli siya nitong niyakap at hindi na ito bumitaw pa mula sa pagkakayakap sa kaniya kung saan ay niyakap na rin niya ito. Ilang sandali pa ay nakaramdam na rin siya ng antok.Nang magising naman kinabukasan si Serene ay medyo magaan na ang pakiramdam niya at pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa beywang niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata at tumingala, nakita niya si Pierce sa tabi niya habang nakayakap sa kaniya. Dahil rito ay kaagad na namula ang buong mukha niya. Pakiramda
Muli niyang ibinuka ang kanyang bibig upang muling dipensahan si Mike. “siya ay palaging nagmamalasakit lang sa akin kaya hindi mo siya dapat pag-isipan ng masama.” sabi niya rito.Halos mapakuyom naman ng mga kamay niya si Pierce sa labis na inis niya. Hindi talaga nito matiis ang lalaking iyon! “Bakit ha? Ganun ba talaga siya kahalaga sayo para ipagtanggol mo siya? O baka naman gusto mo siya?” malamig na tanong niya rito at halos magtagis na ang kanyang mga bagang.Hindi naman alam ni Serene kung ano ang sasabihin niya ng mga oras na iyon kaya nanatili siyang tahimik. Isa pa ay baka kapag sumagot siya ay lumala lamang ang inis nito.Nang hindi naman niya mahintay na sumagot si Serene ay hindi niya napigilan ang sarili niya higpitan ang pagkakayap niya sa beywang nito. “Ano, hindi ka makapagsalita? Bakit huh? Dahil ba hindi ka na makapaghintay pa? Iniisip mo ba na mas mabuting makipag-deal sa lalaking iyon?” tanong niya rito.Bigla namang nagpanting ang mga tenga ni Serene sa kanyang
“Anong klaseng mukha yan?” tanong ni Pierce kay Serene at pagkatapos ay hinawakan nito ang baba nito at pagkatapos ay nakasimangot na nagsalita. “Sa tingin mo ba talaga ay ganun siya kabait at ka-perpekto?” tanong niya.Ipina-check niya ang background nito at nakita naman niya na malinis ang background nito at masasabi niya na mataas nga rin ang pinag-aralan nito. Galing din ito sa pamilyang may kaya, pero alam niya na sa likod ng maamo at mabait nitong mukha ay may itinatago ito. Magaling siyang kumilatis ng karakter ng tao kaya sigurado siya sa kanyang nakita.“Nasasabi mo yan dahil mukhang may galit ka sa kaniya.” sagot naman ni Serene sa kaniya. Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay tinitigan niya ito ng malamig sa mga mata nito.“Maniwala ka sa akin, ang kabutihan niya lang talaga ng pinapakita niya sayo hindi yung totoo niyang pagkatao at pag-uugali.” sabi niya rito. Nasisiguro niya naman na darating ang araw ay ipapakita rin naman nito ang tunay nitong ugali pero
Tinalikuran siya ni Pierce at nagtungo sa may bathtub upang punuin nga ito ng tubig. Nang mapuno ito ng tubig ay binalikan siya nito at binuhat papunta sa may bathtub at ilang sandali pa ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang damit.Bigla namang nataranta si Serene at dali-daling umatras ngunit nahawakan nito ang kamay niya. Nilapitan siya nito at kitang-kita niya ang matinding pagnanasa sa mga mata nito ng mga oras na iyon. “Niregaluhan mo siya ng camera at inilibre mo pa siya ng dinner dahil lang sa pagbigay niya sayo ng cellphone. Dapat lang na gantihan mo rin ang ginawa kong pag-aalaga sayo, diba? Deserve ko naman sigurong mabigyan din ng reward.” sabi nito sa kaniya.Niyakap niya ang kanyang sarili kung saan ay halos matapon ang tubig sa may sahig. Agad na ring namula ang kanyang mukha dahil sa takot. Napalunok siya at umilap ang mga mata habang nag-iisip ng pwede niyang maidahilan rito. “Ang, ang paa ko. Ma-masakit pa siya.” nauutal na sabi niya at umaasa na titigil na