Share

Chapter 0102

Muli niyang ibinuka ang kanyang bibig upang muling dipensahan si Mike. “siya ay palaging nagmamalasakit lang sa akin kaya hindi mo siya dapat pag-isipan ng masama.” sabi niya rito.

Halos mapakuyom naman ng mga kamay niya si Pierce sa labis na inis niya. Hindi talaga nito matiis ang lalaking iyon! “Bakit ha? Ganun ba talaga siya kahalaga sayo para ipagtanggol mo siya? O baka naman gusto mo siya?” malamig na tanong niya rito at halos magtagis na ang kanyang mga bagang.

Hindi naman alam ni Serene kung ano ang sasabihin niya ng mga oras na iyon kaya nanatili siyang tahimik. Isa pa ay baka kapag sumagot siya ay lumala lamang ang inis nito.

Nang hindi naman niya mahintay na sumagot si Serene ay hindi niya napigilan ang sarili niya higpitan ang pagkakayap niya sa beywang nito. “Ano, hindi ka makapagsalita? Bakit huh? Dahil ba hindi ka na makapaghintay pa? Iniisip mo ba na mas mabuting makipag-deal sa lalaking iyon?” tanong niya rito.

Bigla namang nagpanting ang mga tenga ni Serene sa kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status