Nanatili pa si Serene sa bahay ni Pierce ng dalawang araw upang magpagaling. Mabuti na lang at ito na ang naging bahala para sa kanyang pag-absent. Sa dalawang gabi na iyon ay inalagaan pa rin siya at inalalayan ni Pierce kahit na medyo naitatapak naman na niya kahit papano ang kanyang paa. Nang hapon na iyon ay ipinabuhat niya sa tauhan ni Pierce na naiiwan sa bahay ang isang maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama upang gumuhit. Hindi pa kasi niya natatapos ang mga tinanggap niyang project niya.Inabot siya ng anong oras sa kanyang ginagawa at halos hindi na niya namalayan pa ang pagdaan ng oras hanggang sa nakatulog siya habang nakaupo sa may sahig at nakadukdok sa maliit na mesa. Nang umuwi si Pierce galing sa kanyang opisina ay agad siyang umakyat sa silid ni Serene. Hindi siya nakauwi kaagad dahil marami siyang ginawa sa kanyang opisina at nang buksan niya ang pinto ay iyon nga ang bumungad sa kaniya. Nang makita niya ito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng tila init sa
Biglang nalukot ang mukha ni Pierce nang marinig niya ang sinabi ni Serene sa kaniya. Anong ibig sabihin nito? Pagkatapos ng lahat ay aalis ito sa kumpanya at sa bahay niya na parang walang nangyari upang magsimula ng panibagong buhay kasama ba ang lalaking iyon? Iyon ba ang iniisip nito?Mabilis na nagdilim ang kanyang mga mata. Umupo siya sa may kama habang nakakuyom ang mga kamay. “Dahil nakauwi na ang lalaking nagbigay sayo ng pera ay dapat lang na maalala mo na kung ano ang trabaho mo. hindi mo ba alam kung ano ang dapat mong gawin o kailangan ko pang ipaalala sayo?” puno ng sarkistong tanong niya rito.Agad naman na natigilan si Serene dahil sa sinabi nito at bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang mga braso at hinila siya patayo at pinaupo sa kandungan nito. Ilang sandali pa ay nakita niya na gumalaw ang adams apple nito. “Maghubad ka.” utos nito sa kaniya bigla na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.Nagpumiglas siyang mula rito. “Hindi mo ako kailangang hawakan. Bitawan mo
DAHIL NGA ALAM NAMAN ni Serene na wala siyang magagawa ay sumunod na lamang siya, ngunit habang ginagawa niya ang mga bagay na iyon ay patak ng patak pa rin ang kanyang mga luha na parang isang ilog at hindi niya iyon mapigilan.Sunod-sunod ang naging patak ng luha ni Serene na naging dahilan nang pagkabasa ng pantalon ni Pierce. Napabuntung-hininga na lamang siya nang makita niya ang itsura nito. Bakit na naman ba ito umiiyak at mukha na naman niyang inagrabyado? May mali ba sa mga sinabi niya? Hindi ba at tama lang naman ang mga iyon? Hindi na siya nakapagpigil pa at itinayo niya ito pagkatapos ay tumayo rin siya at hinila na lamang ito patungo sa banyo.Bigla namang naalala ni Serene na may sakit nga pala ito na sobrang kalinisan kaya alam niya na hindi ito makikipagtalik sa kanyang hanggang sa hindi siya nakakaligo. Ilang sandali pa ay itinapat na siya nito sa shower at binuksan ito. Ang kanyang mga luha ay tinangay ng malamig na tubig. Para siyang estatwa mula sa kanyang kinatata
NILINGON NIYA ITO AT NANG mga oras na iyon ay nakita niyang matiim itong nakatitig sa kaniya. “Kaya mo bang pumasok?” tanong nito sa kaniya na may halong panunukso. Ang mga mata nito ay nakita niyang kumislap dahil sa kapilyahan. Dahil doon ay agad na namula ang mukha niya sa labis na kahihiyan.“Oo.” maikling sagot niya at yumuko. “Mr. Smith, aalis na po ako.” magalang na sabi niya rito na para bang magkakilala lang silang dalawa at parang wala silang kahit na anumang relasyon. Mabilis siyang tumalikod at hindi na niya hinintay pa ang sagot nito pagkatapos ay dali-dali siyang naglakad palabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi naman na siya nito pinigilan pa at kung sakali din naman sigurong pigilan siya nito ay hindi rin naman siya magpapapigil.Samantala, naiwan naman si Pierce doon na agad na nanlamig ang mukha dahil sa pagdedma sa kaniya ni Serene.PAGKARATING ni Serene sa kumpanya ay agad niyang nalaman mula kay Miss Alice na hindi na pala sa kumpanya pumapasok si Pierce at bumal
PAGKARATING NILA SA RESTAURANT ay agad na natigilan si Serene nang makita niya kung sino ang boyfriend ni Alliyah na kwinekwento nito. “Honey…” niyakap ng lalaki si Alliyah na may mapagmahal na ekspresyon sa mukha. “I miss you so much…” bulong nito.Nahihiya namang itinulak ni Alliyah ang nakalingkis na lalaki mula sa kaniya. “Ang daming tao…” mahinang sabi nito.“Sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko.” ilang sandali pa ay tuluyan na itong humarap sa kanila at inisa-isa silang tiningnan nang may ngiti. “Sila ba ang mga katrabaho mo?” sabi nito.Agad naman na ngumiti si Alliyah at ngumiti pagkatapos ay inisa-isa na nitong pinakilala sila. Nasa bandang pinaka-gilid siya at halos magtago na sa likod nang isa nilang kasamahan nang bigla na lamang siyang hinila nito. “Ito nga pala si Serene, isang intern sa kumpanya. Pareho kayong nasa iisang unibersidad, hindi mo ba siya nakikita doon noon?” sabi nito.Itinaas naman ni Reid ang kanyang ulo at tiningnan siya ng ilang segundo at pag
AGAD NA NANIGAS ANG MUKHA ni Serene ngunit hindi na lamang niya pinansin ang sinasabi nito sa halip ay naisip niya ang tungkol sa relasyon nila ni Alliyah at kung bakit nito pinilit balikan ito. Alam niya na kaagad na may masama itong intensyon kaya galit siyang napatingin rito. “Bakit mo binalikan si Alliyah?” “Siyempre, ginagawa ko ito dahil… mahal ko siya…” sagot nito sa kaniya.Hindi naman niya maiwasang magtaas ng kilay dahil sa isinagot nito at handa na sana niyang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita nang bigla na lamang lumabas si ALliyah sa gilid at mabilis na ikinawit nito ang kamay sa braso ni Reid at pagkatapos ay nakangiting tinanong si Reid. “anong pinag-uusapan ninyong dalawa?” tanong nito.“Wala naman, tinatanong lang ng kasamahan mo kung bakit daw kita ulit binalikan.” mahinahong sagot naman ni Reid habang nakangiti.“O e anong isinagot mo?”Kinurot ni Reid ang ilong ni Alliyah at mabilis na sumagot. “E di syempre dahil mahal kita.” sagot nito at pagkatapos ay ku
PAGKARAAN NG ILANG MINUTO ay binitawan din siya sa wakas ni Pierce. May galit sa mga mata nitong tumitig sa kanyang mga mata. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang magdedesisyon kung kailan ka aalis? Paulit-ulit na lang ba?” galit na tanong nito sa kaniya.Samantala, naghahabol naman ng hininga si Serene dahil halos maubusan na siya ng hininga kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. “Pero nangako ka sa akin noon diba? Bakit ngayon ay hindi mo aminin na umuoo ka sa sinabi kong iyon? Tinatalikuran mo na ba ang salita mo?” tanong niya rito.“Sino ang tumatalikod sa salita niya?” puno ng pangungutya na tanong ni Pierce sa kaniya. “Kung tama ang pagkakaalala ko ay ang kondisyon mo ay huwag makipagtalik sa ibang babae hindi ba? Bakit, nakipagtalik ba ako sa babaeng iyon?” balik nitong tanong sa kaniya na ikinatahimik niya sandali.Bigla niyang inalala tuloy ang naging usapan nila noon at tama nga naman ang sinabi nito, iyon nga ang eksaktong sinabi niya at hindi niya lubos akalain na gaga
ANG MGA SALITANG SINABI NI SERENE ay naging dahilan para matigilan sandali s Pierce at pagkatapos ay gumuhit ang galit sa gwapong mukha nito. Kinurot niya ng pisngi nito gamit ang kanyang malalaking mga kamay. “Ang lakas naman ng loob mo para takutin ako? At ginamit mo pa talaga si lola?” galit na tanong niya rito.Ang mga mata naman ni Serene ay biglang namula at ang kanyang mga labi ay bigla na lamang nanginig. “Pero, pinipilit mo ako…” mahinang sabi niya rito.Tumaas naman ang sulok ng labi nito. “Serene, nakalimutan mo na ba na ikaw ang nagpunta sa akin at nagmakaawa? Kaya saan mo nakukuha ang ideya na iyan?” tanong nito sa kaniya habang nakatitig sa kaniya at halos manuot iyon sa buong pagkatao niya.Hindi siya nakasagot. “Ngayon ay nagsisisi ka na? At sinasabi mo ng pinipilit kita? Nagka-amnesia ka na ba?” puno ng panunuya ang tinig at titig nito. Dahil sa sinabi nito sa kaniya ay labis siyang napahiya kung saan ay para bang gusto na lamang niyang lumubog mula sa kinalalagyan ni