Share

Chapter 107.2

NILINGON NIYA ITO AT NANG mga oras na iyon ay nakita niyang matiim itong nakatitig sa kaniya. “Kaya mo bang pumasok?” tanong nito sa kaniya na may halong panunukso. Ang mga mata nito ay nakita niyang kumislap dahil sa kapilyahan. Dahil doon ay agad na namula ang mukha niya sa labis na kahihiyan.

“Oo.” maikling sagot niya at yumuko. “Mr. Smith, aalis na po ako.” magalang na sabi niya rito na para bang magkakilala lang silang dalawa at parang wala silang kahit na anumang relasyon. Mabilis siyang tumalikod at hindi na niya hinintay pa ang sagot nito pagkatapos ay dali-dali siyang naglakad palabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi naman na siya nito pinigilan pa at kung sakali din naman sigurong pigilan siya nito ay hindi rin naman siya magpapapigil.

Samantala, naiwan naman si Pierce doon na agad na nanlamig ang mukha dahil sa pagdedma sa kaniya ni Serene.

PAGKARATING ni Serene sa kumpanya ay agad niyang nalaman mula kay Miss Alice na hindi na pala sa kumpanya pumapasok si Pierce at bumal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status