AGAD NA NANIGAS ANG MUKHA ni Serene ngunit hindi na lamang niya pinansin ang sinasabi nito sa halip ay naisip niya ang tungkol sa relasyon nila ni Alliyah at kung bakit nito pinilit balikan ito. Alam niya na kaagad na may masama itong intensyon kaya galit siyang napatingin rito. “Bakit mo binalikan si Alliyah?” “Siyempre, ginagawa ko ito dahil… mahal ko siya…” sagot nito sa kaniya.Hindi naman niya maiwasang magtaas ng kilay dahil sa isinagot nito at handa na sana niyang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita nang bigla na lamang lumabas si ALliyah sa gilid at mabilis na ikinawit nito ang kamay sa braso ni Reid at pagkatapos ay nakangiting tinanong si Reid. “anong pinag-uusapan ninyong dalawa?” tanong nito.“Wala naman, tinatanong lang ng kasamahan mo kung bakit daw kita ulit binalikan.” mahinahong sagot naman ni Reid habang nakangiti.“O e anong isinagot mo?”Kinurot ni Reid ang ilong ni Alliyah at mabilis na sumagot. “E di syempre dahil mahal kita.” sagot nito at pagkatapos ay ku
PAGKARAAN NG ILANG MINUTO ay binitawan din siya sa wakas ni Pierce. May galit sa mga mata nitong tumitig sa kanyang mga mata. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang magdedesisyon kung kailan ka aalis? Paulit-ulit na lang ba?” galit na tanong nito sa kaniya.Samantala, naghahabol naman ng hininga si Serene dahil halos maubusan na siya ng hininga kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. “Pero nangako ka sa akin noon diba? Bakit ngayon ay hindi mo aminin na umuoo ka sa sinabi kong iyon? Tinatalikuran mo na ba ang salita mo?” tanong niya rito.“Sino ang tumatalikod sa salita niya?” puno ng pangungutya na tanong ni Pierce sa kaniya. “Kung tama ang pagkakaalala ko ay ang kondisyon mo ay huwag makipagtalik sa ibang babae hindi ba? Bakit, nakipagtalik ba ako sa babaeng iyon?” balik nitong tanong sa kaniya na ikinatahimik niya sandali.Bigla niyang inalala tuloy ang naging usapan nila noon at tama nga naman ang sinabi nito, iyon nga ang eksaktong sinabi niya at hindi niya lubos akalain na gaga
ANG MGA SALITANG SINABI NI SERENE ay naging dahilan para matigilan sandali s Pierce at pagkatapos ay gumuhit ang galit sa gwapong mukha nito. Kinurot niya ng pisngi nito gamit ang kanyang malalaking mga kamay. “Ang lakas naman ng loob mo para takutin ako? At ginamit mo pa talaga si lola?” galit na tanong niya rito.Ang mga mata naman ni Serene ay biglang namula at ang kanyang mga labi ay bigla na lamang nanginig. “Pero, pinipilit mo ako…” mahinang sabi niya rito.Tumaas naman ang sulok ng labi nito. “Serene, nakalimutan mo na ba na ikaw ang nagpunta sa akin at nagmakaawa? Kaya saan mo nakukuha ang ideya na iyan?” tanong nito sa kaniya habang nakatitig sa kaniya at halos manuot iyon sa buong pagkatao niya.Hindi siya nakasagot. “Ngayon ay nagsisisi ka na? At sinasabi mo ng pinipilit kita? Nagka-amnesia ka na ba?” puno ng panunuya ang tinig at titig nito. Dahil sa sinabi nito sa kaniya ay labis siyang napahiya kung saan ay para bang gusto na lamang niyang lumubog mula sa kinalalagyan ni
NATIGILAN NG ILANG SEGUNDO si Pierce nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama ngunit mabilis niyang itinanggi ito ng hindi niya namamalayan. Ang nararamdaman niya para kay Serene ay dala lang ng init ng kanyang katawan at isa pa ay hindi naman big-deal sa kaniya ang pakikipaghiwalay rito. Mabilis siyang sumagot sa kanyang ama sa malamig na tinig. “Huwag kayong mag-alala sa bagay na ito dahil kapag oras na handa na akong magpakasal ay tuluyan ko nang aasikasuhin ang pakikipaghiwalay sa kaniya. Sa ngayon talaga ay wala ako sa mood para sa blind date na mga iyan.”Muli itong napabuntung-hininga sa pagsuko. “Well, naniniwala naman ako sayo na hindi mo ako bibiguin.” sabi nito at pagkatapos ay ibinaba na ang telepono.Humugot siya ng malalim na hininga at pagkatapos ay pumasok sa loob ng silid sa tabi ng kama at sinulyapan niya ang babaeng mahimbing na natutulog doon. Dahil nga nahawi na nito ang kumot ay nakita niya ang mga bakas na ginawa niya sa katawan nito.Habang nakatitig rito ay
PAGKARATING NI SERENE AY NAGSIMULA SIYANG MAGING ABALA. Nang maglunch-break ay sinadya niyang umupo sa tabi ni Alliyah dahil gusto niyang makausap ito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad na tinanong ito. “Uhmm, Alliyah kilala mo ba talaga si Reid?”Nilingon naman siya nito. “Bakit, may problema ba?” balik naman nitong tanong sa kaniya sa halip na sagutin nito ang tanong niya.“Matagal mo na ba siyang kilala? I mean ay kilalang-kilala mo na ba siya?” tanong niya rito.Hindi naman tanga si Alliyah para hindi nito maintindihan ang kanyang pinupunto. “Anong ibig mong sabihin? May alam ka ba na hindi ko alam?” tanong nito sa kaniya.Nang mga oras naman na iyon ay napahinga siya ng malalim at pagkatapos ay inumpisahan niyang ikwento rito ang pang-haharass nito sa kaniya ng ilang beses ngunit hindi niya lubos akalain na hindi maniniwala sa kaniya si Alliyah. “Serene hindi ko alam kung anong nasa isip mo bakit mo sinasabi sa akin ang mga ito…” sabi nito sa kaniya.“Alliyah, totoo ang s
SI BEATRICE AY KABILANG SA pinakamalapit na pamilya ng mga Smith. May sarili naman siyang bahay ngunit tuwing pupunta siya sa mansyon ay palagi na lamang siyang pinagagalitan ng matanda. Dahil doon ay madalang na lamang siyang bumisita doon. Tyaka na lang siya nagpupunta kapag may mahahalagang mga okasyon at kapag kailangang-kailangan niya lang na pumunta doon.Dahil nga nabalitaan niyang nagpa-opera ang matanda ay napag-isipan niya na kailangan niyang pumunta doon at kamustahin ito, ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya ang babaeng kinaiinisan niya ng higit pa sa salitang sobra. “Nandito ako para bisitahin si lola.” sagot ni Serene rito dahil ayaw niyang sabihin rito ang totoo kung bakit ito nandoon. Ang alam lang ng ibang tao ay may isang babaeng ipinakasal ng matanda kay Pierce ngunit hindi nila lubos alam ang pagkakakilanlan niya. Alam niya na kapag sinabi niya iyon rito ay pagtatawanan lang din naman siya nito at huhusgahan.“Ano? Nandito ka para bisitahin si lola?” hind
BIGLANG NAGKAROON NG TUNOG ng pagkabasag at galing iyon sa silid ng matanda. Agad na napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha at bahagyang itinulak si Beatrice. “Bitawan mo ako! Hindi mo ba narinig ang tunog na iyon? Galing iyon sa silid ni Lola!” saad niya at pilit itong itinutulak ngunit sa halip na pakawalan siya nito dahil hindi naman na siya nanlalaban pa ay sinamantala nito iyon upang mas hilahin pa ang buhok niya kung saan ay halos mapangiwi siya sa sakit. Parang matatanggal ang anit niya ng mga oras na iyon dahil sa paghila nito.“Dapat kang magdusa! Wala kang hiya! Ang lakas ng loob mo!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya habang patuloy pa rin ito sa paghila sa kanyang buhok. Ngunit sa knaiyang desperasyon na puntahan na ang matanda ay inipon niya ang kanyang lakas upang kagatin ang kamay nito kaya napasigaw ito sa sakit na napabitaw sa kaniya. Hindi na niya ininda pa ang kanyang anit at dali-daling nagtungo sa silid ng matanda nang hindi na nililingon pa si Beatrice.Halos
ANG BAWAT SALITANG BINITAWAN nito sa kaniya ay parang patalim na sumaksak sa ibat-ibang parte ng katawan niya. Biglang nag-init ang kanyang pisngi at maging ang gilid ng kanyang mga mata. Ang mga mata ni Pierce ay nakatingin kay Serene na puno ng pagkasuklam. Sa tanang buhay niya ay wala pa siyang kinasukalamang babae, ito pa lang. Hindi niya akalain na tototohanin nito ang sinabi nito na magsusumbong ito sa kanyang lola. Akala pa naman niya ay nagbibiro lamang ito. Alam nitong katatapos pa lamang ng lola niyang sumalang sa operasyon at nagpapagaling pa lamang ito ngunit naglakas talaga ito ng loob na pumunta doon para magsumbong at ma-stress. Hindi na ba ito makapaghintay pa na makalaya mula sa kaniya para sa ibang lalaki?“Umalis ka na rito ngayon din!” sabi niya bago tuluyang tumalikod at puno ng pagkasuklam ang mga mata.Napakuyom ng kamay si Serene at napakagat-labi. Pigil na pigil niyang tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Malinaw na sa mga mata nito ay isa si