Share

Chapter 108.5

BIGLANG NAGKAROON NG TUNOG ng pagkabasag at galing iyon sa silid ng matanda. Agad na napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha at bahagyang itinulak si Beatrice. “Bitawan mo ako! Hindi mo ba narinig ang tunog na iyon? Galing iyon sa silid ni Lola!” saad niya at pilit itong itinutulak ngunit sa halip na pakawalan siya nito dahil hindi naman na siya nanlalaban pa ay sinamantala nito iyon upang mas hilahin pa ang buhok niya kung saan ay halos mapangiwi siya sa sakit. Parang matatanggal ang anit niya ng mga oras na iyon dahil sa paghila nito.

“Dapat kang magdusa! Wala kang hiya! Ang lakas ng loob mo!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya habang patuloy pa rin ito sa paghila sa kanyang buhok. Ngunit sa knaiyang desperasyon na puntahan na ang matanda ay inipon niya ang kanyang lakas upang kagatin ang kamay nito kaya napasigaw ito sa sakit na napabitaw sa kaniya. Hindi na niya ininda pa ang kanyang anit at dali-daling nagtungo sa silid ng matanda nang hindi na nililingon pa si Beatrice.

Halos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status