HINDI NAMAN AGAD NAKAPAGSALITA si Serene. Isa pa ay pakiramdam niya ay hinang-hina pa ang pakiramdam niya. “Hindi ko sinasadya ang nangyari. Pasensya ka na talaga. Babayaran kita huwag kang mag-alala.” sabi na lamang niya rito.Umiling ito sa kaniya. “Hindi. Hindi mo na ako kailangang bayaran pa. I-treat mo na lang ako sa isang dinner ngayon.” sabi nito sa kaniya nang nakangiti.Napatitig naman siya rito at hindi makapaniwala pagkatapos ay napabuntung-hininga. “Pasensya na Mr, kung ano man ang pangalan mo pero hindi ko iyon magagawa. Babayaran na lang kita.” pilit niyang sabi rito.Napatawa naman si Connor ng mga oras na iyon dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “Bakit ayaw mo? Binibigyan na nga kita ng chance at ako na nga mismo ang nag-ooffer. Tapos ay tinatanggihan mo pa?” natatawa niyang tanong rito.“E ayaw ko ngang kumain na kasama ka.” walang gatol na sagot nito sa kaniya kung saan ay biglang nabura ang ngiti sa mga labi niya.Wala namang interes si Serene na makipagla
AGAD NAMAN NA NATIGILAN SI CONNOR nang marinig niya ang sinabi ni Pierce. Ano bang pinagsasabi nito at bakit ba parang galit na galit ito? Pinunasan niya ang kanyang bibig at pagkatapos ay nagtaas siya ng ulo upang tanungin na sana ito kung bakit ba ganun ang inaakto nito ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung paano hinawakan ni Pierce ang ulo nito at hinalikan ito ng mariin sa harapan niya.Maging si Serene ay gulat na gulat sa ginawa ni Pierce at nanlalaki ang kanyang mga mata nang lumapat ang labi nito sa labi niya. Wala na siyang nagawa pa dahil kahit na anong tulak niya rito ay hindi siya nito binitawan. Ang halik nito ay marahas at magaspang na para bang pinaparusahan siya nito. Walang ibang maramdaman ng mga oras na iyon si Serene kundi sakit dahil sa ginagawa nito sa kaniya.Sa totoo lang ay litong-lito siya kung bakit ginagawa iyon ni Pierce sa kaniya at sa harap pa talaga ng kaibigan nito? Akala ba niya ay ayaw niyang ipaalam sa kahit sino ang relasyon na
AGAD NAMAN NA NATIGILAN si Serene. Ibig sabihin ay akala nito na nilalandi niya ang lalaking iyon. Pinaparatangan na naman siya nito na wala naman itong kaalam-alam. Sumosobra na ito sa mga sinasabi nito sa kaniya. Hindi na niya maatim pa ang mga sinasabi nito sa kaniya kaya itinaas niya ang kanyang kamay at akmang sasampalin niya sana ito ngunit mabilis siyang napigilan nito at pagkatapos ay hinigpitan nito ang hawak sa kanyang pulso.“Hindi mo pa nga napagbabayaran ang ginawa mo kay lola pagkatapos ay naglakas loob ka pa na gawin iyon sa kaibigan ko!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya at halos nag-uumigting ang mga panga sa galit.Agad na nahulog mula sa sulok ng mga mata ni Serene ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan at pagkatapos ay nanginginig ang kanyang mga labing sinalubong ang mga mata nito. “Hindi ko sinaktan si lola!” pagtatanggol niya sa sarili niya at halos manginig na rin ang kanyang buong katawan.Nang makita naman ni Pierce na biglang nanginig ang katawan nit
DUMATING SI SERENE SA TINUTULUYAN ni Amber kung saan pagdating niya ay agad siyang naligo at pagkatapos ay nahiga sa kama. Nang mahiga siya sa simpleng kama na malayo sa kama na hinihigaan niya noong sa bahay ni Pierce ay bigla na lamang gumaan ang pakiramdam niya ng walang dahilan. Bigla niyang naisip na mukhang mas bagay talaga siya sa ganuong kama kaysa sa malambot at pangmayamang kama. Napapikit siya at napahugot ng malalim na hininga. Mabuti na lamang at tapos na ang lahat, hindi na niya kailangan pang mahirapan pa. Isa pa ay hindi na siya makukulong pa doon at tratratuhin nitong isang laruan at parausan na walang kalayaan.Samantala sa kabilang banda, sa ward ay nakapalibot ang mga tuahan sa mansyon ng nakahigang si Mrs. Smith. “Lola, kamusta ang pakiramdom mo? May masakit ba sayo?” sunod-sunod na tanong ni Beatrice rito nang magmulat ito ng mga mata.Nang marinig naman ito ni ALing Nena ay bahagyang napakunot ang noo niya. Noong oras na nasa panganib ito ay abala ito sa pagsabu
HINILING NIYA NA LUMABAS SILA NI aling Nena dahil gusto niyang tanungin rito kung ano ang tunay na nangyari. Paglabas na paglabas niya ay agad siyang tumingin kay Aling Nena. “ano po ba ang nangyari kanina nang magpunta si Serene sa mansyon?”Mabilis naman na sinabi nito ang mga nangyari. Si Aling Nena ay ilang taon na rin na naninilbihina sa kanilang pamilya kaya nasisiguro niya na hindi ito magsisinungaling sa kaniya. “Alam kong hindi ka masaya sa kasal na naganap sa inyong dalawa pero maniwala ka man o hindi, iniisip lang ng lola mo ang kapakanan at ikakabuti mo. isa pa, kung ako rin ang tatanungin ay boto din ako sa kaniya.” sabi nito.Bago ito muling pumasok sa loob ay muli pa itong nagsalita. “Isa siyang mabuting babae na may ginintuang puso. Kung susubukan mong kilalanin lang siya, nasisiguro kong magugustuhan mo siya.” dagdag pa nitong sabi at dahil doon ay bigla siyang natulos mula sa kanyang kinatatayuan at hindi makagalaw.Ilang sandali pa ay dali-dali niya inilabas mula sa
NAKITA NI PIERCE NA WALA MAN LANG itong pagsisisi sa ginawa nito at ni hindi man lang nito aminin ang pagkakamali nito. Agad na nawalan ng ekspresyon ang kanyang gwapong mukha. “Wala kang karapatan na tumanggi sa akin. Magbihis ka!” puno ng lamig na sabi niya rito na ikinatakot naman kaagad ni Beatrice at dali-daling nagbihis.Dumaan muna sila sa ospital at nagpahintay na lamang siya kay Beatrice sa labas ng silid ng kanyang lola. Hindi sinasadya na nakasalubong niya sa hallway si Aling Nena. “nasa silid ni madam si Miss Serene, ipinatawag siya ni madam.” sabi nito sa kaniya na ikinabilis naman kaagad ng tibok ng puso niya. Napatango naman siya rito at napaisip, papasok ba siya? May mukha ba siyang ihaharap rito pagkatapos ng mga nangyari kahapon?Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay pinihit ang seradura ng pinto. Bahagya niyang itinulak ang pinto ngunit natigil siya nang mula sa loob ay narinig niya ang tinig ng kanyang lola. “Hija, sabihin mo nga sa akin ang totoo? Sinasaktan ka
NANG NASA TABI NA SIYA NG KALSADA ay bigla na lamang may humintong kotse sa kanyang harapan at nang bumaba ang sakay nito ay doon niya nakita na si Pierce pala iyon. Lumapit ito sa kaniya. “Ihahatid na kita.” sabi nito.“Hindi na kailangan, kaya kong umuwing mag-isa.” agad na pagtanggi ni Serene rito. Dahil naman sa tahasang pagtanggi sa kaniya ni Serene ay bigla na lamang ulit siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan. Kung tanggihan siya nito ngayon ay parang hindi siya nito kilala samantalang noong mga nakaraang araw lang ay sobrang intimate nila sa kamang dalawa.Napakuyom siya ng kanyang mga kamay. “Sumama ka na sa akin. Hindi naman kita kakainin huwag kang mag-alala.” sabi niya at nang matapos lang siyang magsalita ay bigla siyang napaisip na parang ang tigas naman masyado ng pagkakasabi niya at isa pa ay bigla siyang may naisip at pinalambot ang kanyang tinig. “Si lola ang nag-utos sa akin na ihatid ka.” sabi niyang muli.Samantala, determinado
AGAD NA NAPALUNOK SI SERENE habang nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba at ikaw na mismo ang nagsabi na tapos na kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa?” tanong niya rito.Napahugot naman ng malalim na hininga si Pierce at biglang nagsisi kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon. “Alam ko na nagkamali ako kagabi, nagkamali ako ng akala at hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag mo at higit sa lahat ay hindi ako naniwala pero handa kong gawin ang lahat para mapatawad mo lang ako kahit ano pa iyon. Pera? Ari-arian? Sabihin mo sa a—”Bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay lumanding na sa pisngi nito ng isang malutong na sampal galing kay Serene at masasabi niya na malakas iyon dahil halos namanhid ang kanyang palad. Agad ding nanginig ang kanyang katawan habang nakatitig rito dahil sa pinipigil niyang emosyon. “Pierce, alam ko kung gaano kababa ang tingin mo sa akin pero kasalanan ko rin naman kung bakit ganyan ang tingin mo sa akin. Dahil sa desisyon ko ay talagang inil