AGAD NA NAPALUNOK SI SERENE habang nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba at ikaw na mismo ang nagsabi na tapos na kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa?” tanong niya rito.Napahugot naman ng malalim na hininga si Pierce at biglang nagsisi kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon. “Alam ko na nagkamali ako kagabi, nagkamali ako ng akala at hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag mo at higit sa lahat ay hindi ako naniwala pero handa kong gawin ang lahat para mapatawad mo lang ako kahit ano pa iyon. Pera? Ari-arian? Sabihin mo sa a—”Bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay lumanding na sa pisngi nito ng isang malutong na sampal galing kay Serene at masasabi niya na malakas iyon dahil halos namanhid ang kanyang palad. Agad ding nanginig ang kanyang katawan habang nakatitig rito dahil sa pinipigil niyang emosyon. “Pierce, alam ko kung gaano kababa ang tingin mo sa akin pero kasalanan ko rin naman kung bakit ganyan ang tingin mo sa akin. Dahil sa desisyon ko ay talagang inil
NAWALAN NG KULAY ANG MUKHA ni Serene. Ang katulad nitong matalino at mataas na tao ay alam kung paano nito kokontrolin ang kapalaran ng ibang tao sa ilang salita lamang. Isa iyong tukso na kung saan ay kung wala kang lakas ng loob na labanan ito at magiging marupok ay talo ka. Napakuyom ang kanyang mga kamay at nagtatagis ang bagang na muling nilingon ito. “Oo, ang makilala nga ang gusto ko pero hindi sa ganitong paraan ko gustong makuha ang pangarap kong iyon.” matigas na sabi niya rito.Hindi naman napigilan ni Pierce na mapatawa sa naging sagot niya. “Serene, alam mo ba ang sinasabi mo? Sa palagay mo ba ay makakamit mo iyon sa pamamagitan ng ilang taong pagsusumikap kung wala kang backer? Kahit na mag-aral ka pa at magpaka-dalubhasa at lumahok sa mga malalaking projects walang silbi.” sagot nito sa kaniya at iyon talaga ang realidad. Alam din ni Serene iyon, dahil kung wala kang pera at wala kang backer ay napaka-imposible talagang makamit iyon.Napakagat-labi siya, nag-init ang su
SA BAR, umupo si Ford sa tabi ni Pierce na eleganteng nakahawak ng kopita. “Ayaw lumapit sayo ni Connor, takot siya na baka mapatay mo daw siya dahil sa babaeng iyon. Kailan ka ba nagkaroon ng babae? Iyon ba ang babaeng kasama mo noong nagpunta sa ospital?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Hindi siya sumagot at dahil sa kanyang pananahimik ay para bang kinumpirma nya ang sinabi nito.Napuno ng interes ang mga mata ni Ford at tumingin sa kaniya. “You were such a coldhearted bastard, paanong nangyari na nagkaroon kayo ng relasyon? Ang sabi mo pa noon ay wala kang interes sa kaniya.” hindi makapaniwalang bulalas nito.“Wala na kami.” malamig na sagot naman ni Pierce rito. Muli siyang nagsalin ng alak sa kanyang baso.Agad na napanguso si Ford sa isinagot niya. “What? Don’t tell me kaya ka nag-ayang mag-inom ay dahil iniwan ka niya?” tumaas ang kilay nito na nakatingin sa kaniya.Hindi siya umimik at lumagok lang ng alak sa kanyang baso. Agad naman na nalaglag ang panga ni Ford at hi
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW, ay patuloy na nagtrabaho si Pierce sa kanilang kumpanya at nag-oovertime pa siya hanggang ala-una ng madaling araw. Hindi na rin siya umuuw at doon na lamang natutulog tutal ay may maliit naman siyang espasyo doon para magpahinga. Nagpapadala na lamang siya ng kanyang mga damit kay Liam para sa pang-araw araw. Ayaw niya kasing bumalik sa kanyang suite dahil kapag nakikita niya lamang ito ay naaalala niya lang ang babaeng iyon.Ngunit kahit na hindi siya umuuwi ay palagi pa rin itong sumasagi sa isip niya at hindi niya alam kung bakit. Abala siya sa kanyang ginagawa nang pumasok sa opisina niya si Liam.Ibinaba nito sa harapan niya ang isang folder. “Sir, ito na po yung pinapakuha niyong impormasyon mula sa welfare home.” sabi nito sa kaniya.Itinigil niya naman ang kanyang ginagawa at pagkatapos ay mabilis na tiningnan iyon. Naalala niya pa noon na inutusan na rin niya dati si Liam na magpunta doon upang alamin kung ano ang ginawa ni Serene para mapalapit sa
KINABUKASAN NG HAPON, nang nasa coffee room siya ay bigla na lamang lumapit sa kaniya si Liam, ang assistant ni Pierce at pagkatapos ay may ibinigay na isang maliit na kahon. Nanlalaki nga ang kanyang mga mata na nakatingin rito dahil sa pagkagulat. “Miss Serene, ito ay isang regalo ni sir bilang pasasalamat niya raw sa inyo at kung ayaw niyo raw pong tanggapin ay itapon niyo na lang daw po.” mabilis na sabi nito.Agad siyang natigilan nang marinig niya ang sinabi nito. “Liam, hindi. Hindi ko matatanggap yan. Isauli mo yan sa kaniya—” mabilis na pagtanggi niya ngunit hindi pa man siya natatapos sa kanyang sinasabi ay bigla na lamang itong umalis.Nagpabalik-balik tuloy ang kanyang paningin sa likod nito at sa maliit na kahon na iniwan nito doon. Wala siyang nagawa kundi ang ibulsa na lamang ito.Pagkauwi niya ay kumain lang siya at agad na naligo pagkatapos ay nahiga sa kama. Ilang sandali pa ay muli niyang hinanap ang maliit na kahon at tiningnan iyon. Agad niyang nabasa ang pangalan
HABANG NAGHAHANDA SILA ni Amber ng mga lulutuin nila ay iginala nito ang paningin sa loob ng unit niya at nakangiting nagtanong sa kaniya. “Mukhang kinse-mil ang upa mo rito isang buwan ah?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na napailing si Serene at sinabi niya ang naging usapan nila ng ahente. “Napaka-swerte mo naman.” ngiting sabi nito at nagpatuloy na lamang sila sa pagluluto.Nang matapos silang magluto ay agad silang naghain at sabay-sabay na kumain. Habang kumakain ay nagkwentuhan sila. Isang oras pa ang itinagal ng mga ito doon hanggang sa magpaalam na ang mga ito kaya inihatid niya ang mga ito hanggang sa baba. Sumama rin si Mike sa kaniya at hinintay muna nilang makasakay ang mga ito bago sabay na pumasok sa loob upang sumakay sa elevator.“Serene, nahihirapan ka ba sa trabaho?” tanong nito sa kaniya habang naglalakad sila.Agad naman na umiling si Serene rito. “Hindi naman.”“Kung nahihirapan ka ay magsabi ka lang sa akin.” nakangiting sabi nito sa kaniya at nagsalita sa ma
SA SUMUNOD NA SANDALI AY BIGLA na lamang siya nitong isinandal sa may pinto. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya kung saan ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang magkahalong galit at pagnanasa. “Kaya mo ba ako tinanggihan para lang makasama siya ha?” galit na tanong nito sa pabulong na paraan at pagkatapos ay hinawakan ang kanyang baba.Dahil sa ginawa nito ay ang kahon ng singsing ay bigla na lamang nahulog sa may sahig. Nag-panic na siya dahil rito. “Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako…” saad niya habang nagpupumiglas mula rito ngunit hindi siya makalaya sa higpit ng hawak nito sa kaniya. Mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa kaniya. “Bitawan mo ako, ano ba. Nasasaktan ako…” halos mangiyak-ngiyak nang pakiusap niya rito.Medyo niluwagan naman ni Pierce ang kanyang paghawak sa mga braso nito at wala na ang diin ngunit hindi niya pa rin hinayaan na makalaya ito mula sa kaniya. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” sabi nito at ang mga itim na mga mata ay nanlilisik sa l
HALOS TUMALON AT GUSTONG lumabas ng puso ni Serene patungo sa kanyang lalamunan. Patuloy ang naging pagkatok. “Serene?” ang nag-aalalang boses ni Mike ang narinig niya mula sa labas. “Serene nandiyan ka ba?” muling tanong nito nang walang sumagot.Pilit niyang itinutulak si Pierce ngunit naging wala iyong kabuluhan sa lakas nito. Hindi siya makaporma rito. “You bastard, bitawan mo ako…” galit na bulong niya rito ngunit madilim lang ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.“Bakit? Natatakot ka ba na makita niya tayong magkasam dahil baka kung ano ang isipin niya?”Agad na namutla ang mukha ni Serene sa naging tanong nito. Kahit sino naman siguro ang tatanungin kapag nakita silang magkasama ay iyon ang iisipin. Ilang sandali pa ay nag-vibrate ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa. Alam niya na kaagad kung sino ang tumatawag at si Mike iyon.Kinuha ito ni Pierce at tiningnan ang pangalan na naka-flash sa may screen. “Mike” ang nakita niyang nakalagay doon na ikinapanlamig ng kanyang