Share

Chapter 110.5

NAWALAN NG KULAY ANG MUKHA ni Serene. Ang katulad nitong matalino at mataas na tao ay alam kung paano nito kokontrolin ang kapalaran ng ibang tao sa ilang salita lamang. Isa iyong tukso na kung saan ay kung wala kang lakas ng loob na labanan ito at magiging marupok ay talo ka. Napakuyom ang kanyang mga kamay at nagtatagis ang bagang na muling nilingon ito. “Oo, ang makilala nga ang gusto ko pero hindi sa ganitong paraan ko gustong makuha ang pangarap kong iyon.” matigas na sabi niya rito.

Hindi naman napigilan ni Pierce na mapatawa sa naging sagot niya. “Serene, alam mo ba ang sinasabi mo? Sa palagay mo ba ay makakamit mo iyon sa pamamagitan ng ilang taong pagsusumikap kung wala kang backer? Kahit na mag-aral ka pa at magpaka-dalubhasa at lumahok sa mga malalaking projects walang silbi.” sagot nito sa kaniya at iyon talaga ang realidad. Alam din ni Serene iyon, dahil kung wala kang pera at wala kang backer ay napaka-imposible talagang makamit iyon.

Napakagat-labi siya, nag-init ang su
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status