Share

Chapter 111.3

KINABUKASAN NG HAPON, nang nasa coffee room siya ay bigla na lamang lumapit sa kaniya si Liam, ang assistant ni Pierce at pagkatapos ay may ibinigay na isang maliit na kahon. Nanlalaki nga ang kanyang mga mata na nakatingin rito dahil sa pagkagulat. “Miss Serene, ito ay isang regalo ni sir bilang pasasalamat niya raw sa inyo at kung ayaw niyo raw pong tanggapin ay itapon niyo na lang daw po.” mabilis na sabi nito.

Agad siyang natigilan nang marinig niya ang sinabi nito. “Liam, hindi. Hindi ko matatanggap yan. Isauli mo yan sa kaniya—” mabilis na pagtanggi niya ngunit hindi pa man siya natatapos sa kanyang sinasabi ay bigla na lamang itong umalis.

Nagpabalik-balik tuloy ang kanyang paningin sa likod nito at sa maliit na kahon na iniwan nito doon. Wala siyang nagawa kundi ang ibulsa na lamang ito.

Pagkauwi niya ay kumain lang siya at agad na naligo pagkatapos ay nahiga sa kama. Ilang sandali pa ay muli niyang hinanap ang maliit na kahon at tiningnan iyon. Agad niyang nabasa ang pangalan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status