SA SUSUNOD NA ARAW ay aksidenteng nakabanggaan ni Serene si Mike sa may elevator at mukhang kakauwi lang nito galing sa ospital. “Serene…” gulat na sabi nito. “Wala ka ba sa unit mo kagabi?” tanong nito.Agad naman na namula ang pisngi ni Serene dahil sa tanong nito. “Ah, pasensya ka na Mike, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kagabi kaya natulog ako kaagad pagpasok ko. Kanina ko lang din nakita na tumawag ka pala.” sagot niya rito.“May problema ba? Gusto mo bang alamin natin kung may sakit ka o ano?” tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha.Dali-dali namang umiling si Serene. “Hindi ano ka ba. Hindi lang ako nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Medyo maganda na ang pakiramdam ko ngayon.” sabi niya at bahagyang ngumiti rito.Tumango-tango naman ito at pagkatapos ay muling nagtanong. “May nakita akong gift box sa pintuan mo kagabi ah, sayo ba iyon?” tanong nito sa kaniya.Bahagya namang nag-alinlangan si Serene sa tanong nito ngunit sa huli ay tumango pa rin siya rito. “Oo.”
SA ISIP NI PIERCE ay wala na siyang pakialam pa sa babaeng iyon kahit na makipag-date pa ito sa iba. Kapag narinig niya lang ang mga ito ay wala siyang ibang maramdaman kundi ang magalit.Samantala, napakamot na lang naman si Liam sa kanyang ulo. Wala naman sana siyang ibang sasabihin na kundi nalaman lang din niya na sa mismong tapat lang din pala ng unit ni Miss Serene nakatira ang Mike na doktor na iyon ngunit nang makita niyang hindi maganda ang mood nito ay tumango na lamang siya. “Sige po sir.”Nang buksan niya ang pinto ay agad siyang natigilan nang makita niya si Beatrice na nakatayo sa may pintuan. “Miss Beatrice, may sasabihin po ba kayo kay sir?” tanong niya kaagad rito.“Wala, napadaan lang ako. Sige na, mukhang may pinapagawa siya sayo.” sabi ni Beatrice kay Liam na ikinatango lang nito at nagmadali nang umalis doon.Ilang minuto pa siyang nakatayo doon at napapaisip sa kanyang narinig. Mabuti na lamang at naiwan nito na nakabukas ang pinto ng kaunti kaya niya narinig ang
NAMUTLA ANG MUKHA NI SERENE sa kanyang mga nabasa. Agad na kinuha ni Alice ang kanyang cellphone at pagkatapos ay pinatay. “Mukhang maging ang number at mga accounts mo ay natunton na nila.” sabi nito sa kaniya.“Miss Alice, hindi ko alam. Hindi ko alam na si Mr. Francisco pala ay mas mataas kaysa kay Miss Shiela.” sabi niya rito at pagkatapos ay ikwinento ang nangyari noon at ang komprontasyon niya kay Shiela.Nang matapos siyang magsalita ay agad siya nitong tinanong. “Nung mangyari ba iyon na malapit ka niyang halayin ay may ebidensiya ka bang nakuha o tumawag ka ba man lang ng pulis?” tanong nito sa kaniya ngunit napailing lamang siya.Bago pa man siya magalaw nito ay dumating na si Pierce at ito na ang gumawa ng paraan para magbayad ito sa ginawa nito sa kaniya. Isa pa, hindi niya naman masabi rito iyon dahil ayaw niya na kung ano ang isipin nito patungkol sa kaniya.Napabuntung-hininga ito. “Mukhang mahihirapan ka nitong linisin ang pangalan mo. naniniwala ako sayo, pero wala ako
NANG MAKITA ng dalaga ang eksenang iyon ay natakot sila. Sa takot nila na makulong ay dali-daling tumakas ang mga ito mula doon. “Mike…” namumula ang mga mata ni Serene na sambit habang kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bag at nag-dial upang humingi ng saklolo habang nanginginig ang kanyang kamay.SAMANTALA SA IBANG BANSA, nag suot ng construction helmet si Pierce sa kanyang ulo at itinupi ang manggas ng kanyang suot na long sleeve. Matapos niyang tingnan ang progreso, nagbilin siya kay Liam na sabihin sa kanyang mga tauhan ang mga bilin niya. Mabilis naman na tumango si Liam sa kaniya ngunit nanatiling nakatayo sa harapan niya. Sinulyapan niya ito. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na.” malamig na sabi niya rito.“Sir, ang mga sasabihin ko ay tungkol kay Miss Serene. Gusto niyo bang marinig ang mga ito?” puno ng pag-aalinlangan na tanong ni Liam rito.Nang marinig naman ni Pierce ang pangalan nito at kaagad na nagdilim ang kanyang mukha. Halos isang araw pa lamang niyang hind
NANG MAGISING SI MIKE ay gusto na niya kaagad na lumabas ng ospital lalo pa at wala namang siyang sugat sa ibang bahagi ng katawan niya bukod sa kamay niya. Isa naman siyang doktor kaya alam niya ang ginagawa niya, ngunit bigla na lamang siyang sinumpong sakit niya sa ulo kung saan ay natakot ang mga doktor. Ang sabi ng mga doktor ay isa daw iyong stress reaction na dulot ng concussion kaya kailangan daw muna nitong manatili ng isang araw sa ospital para ma-obserbahan.Handa naman si Serene na samahan na muna ito ngunit tumanggi si Mike. pinilit siya nitong umuwi para makapagpahinga siya, tutal naman daw ay may mga nurse doon na halos oras-oras an nag-iikot. Hindi na siya nakipagtalo pa at sumunod na lamang at umuwi. Sa katunayan ay pagod din ang katawan niya maging ang isip niya.KINABUKASAN, ang mga viral post sa social media ay tuluyan nang nabura kung saan ay wala na ni isa ang naiwan na naka-post. Dahil doon kahit papano ay nakahinga ng maluwag si Serene. Maaga siyang bumangon up
PAGDATING NI SERENE SA KUMPANYA nila Pierce ay napatingala siya sa matayog na building. Iyon ang unang beses na nagpunta siya doon at hindi niya tuloy maiwasan na mainliit nang mga oras na iyon. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob.Pagdating niya pa lamang sa front desk ay agad na siyang tinanong ng clerk. “Hello Miss, sinong hinahanap ninyo?”“Ah, hinahanap ko si Pier— si Mr. Smith.” bawi niya sa sinabi niya.Agad naman na napataas ang kilay ng babae habang nakatingin sa kaniya. “Miss may appointment ka ba?”Natigilan si Serene pagkarinig niya sa sinabi nito. “Wala, pero pwede ba na pumunta pa rin ako?” tanong niya.“Pasensya ka na Miss pero hindi po pwede kung wala kayong appointment.” pagtanggi nito.“Look who’s here…” sabi ng isang tinig mula sa likod niya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Beatrice na nakasuot ng kulay pulang dress at sa kamay nito ay may dalang mamahaling bag. Nang makita ng clerk si Beatrice ay agad na nagyuko ito ng ulo.“Magand
HABANG NAGLALAKAD PALABAS ng building si Serene ay parang lumulutang ang isip niya. Ang mainit na sikat ng araw ay tumama sa kanyang katawan ngunit wala siyang pakialam, idagdag pa na wala naman siyang maramdamang init dahil rito. Kumikirot ang puso niya ng mga oras na iyon at nag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata. Napakagat-labi siya. Hindi niya napigilan ang mga luha niyang nagbabadya at nahulog mula sa kanyang mga mata. Bakit ba kailangan na paulit-ulit siyang mahirapan? Bakit parang napakalupit naman masyado yata ng tadhana sa kanya? Pagod na pagod na siya. Pagod na pagod na. Palagi na lamang siyang may pasanin. Halos wala na itong lubay sa kaniya.Samantala, habang nakayuko siya na naglalakad ay bigla na lamang may nagpayong sa kaniya. “Miss Serene?” Nang iangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang gulat na si Liam. mabilis naman na pinunasan ni Serene ang mga luha sa kanyang pisngi. “May problema po ba?” kaagad na tanong nito sa kaniya.Mabilis siyang umiling. “Gusto niyo
NAPALUNOK SI LIAM BAGO NIYA MULING ibinuka ang kanyang bibig. “Ang sabi pa ay ginamit daw ni Miss Beatrice ang kanyang katayuan upang ma-expel si Miss Serene sa unibersidad at sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito ngayon.” tuloy-tuloy na sabi niya.Halos naman sumakit ang ulo ni Pierce ng mga oras na iyon sa kanyang mga narinig na sinabi ni Liam. napahilot siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. “Nasaan na si Serene? Paakyatin mo siya rito ngayon din.” utos niya.Agad naman na natigilan si Lima. “pero, wala na po si Miss Serene. Nakaalis na siya.” nag-aalangang sabi niya rito.“Ano?” bulalas ni Pierce na nanlalaki ang mga mata. Napakuyom din ang kanyang mga kamay. “Kailan pa siya umalis?”“Kaaalis lang niya sir.” agad naman na sagot ni Liam rito.Binigyan siya ni Pierce ng isang malamig na tingin. “Bakit hindi mo sinabi sa kaniya na puntahan ako? Hindi mo man lang ba siya pinilit?” nagtatagis ang mga bagang ni Pierce na tanong dahil sa inis.“Pinilit ko siya