MAS LALO PANG NAGDILIM ANG MUKHA ni Pierce ng mga oras na iyon at ang kanyang galit ay talagang umabot na sa sukdulan. “Gusto kong bukas na bukas ay humingi ka ng paumanhin sa kaniya at aminin na ikaw ang may pakana ng lahat ng iyon at pagkatapos ay mag-impake ka ng mga damit mo at pumunta sa France.” mariin na sabi ni Pierce.Namutla ang mukha ni Beatrice at napuno ng matinding hinanakit ang kanyang mga mata. “Hindi ba at wala naman na ang mga post? Bakit kailangan pa na humingi ako ng paumanhin sa kaniya online? At talaga bang ipapaamin mo sa akin na ako ang may gawa nun? Paano na lang ang mga sasabihin ng ibang tao?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang pinsan.“Ikaw ang may gawa niyan hindi ba? Bakit hindi mo naisip yan nung bago mo gawin ang mga bagay na iyon?” malamig ang mga mata ni Pierce na nakapukol sa kaniya.“Pero Couz, kung mapapahiya ako, mapapahiya din ang pamilya natin…” pakiusap pa ni Beatrice rito.“Kapag hindi mo sinunod ang inuutos ko sayo, baka itakwil na k
NANG MAKITA NI PIERCE ANG maputlang mukha ng dalaga ay halos kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag lalo nang makita niya na humihinga pa naman ito kahit na papano. Akala niya ay kung ano na ang nangyari rito, pumasok pa sa isip niya na baka nagpakamatay na ito.Dahan-dahan namang iminulat ni Serene ang inaantok pa niyang mga mata. Nakita niya si Pierce na nakatayo sa harap niya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo ha? Hindi ka ba marunong sumagot ng tawag?” mabangis na tanong nito sa kaniya.Halos hindi na alam ni Pierce ang gagawin niya sa labis na pag-aalala tapos nandito lang pala ito sa loob ng silid nito at nagkukulong. Sino namang hindi magagalit hindi ba?Nang mga oras naman na iyon ay nagulat si Serene at hindi makapagsalita kaagad hanggang sa unti-unting nag-sink in sa utak niya. Mahigpit na hawak ni Pierce ang kanyang mga kamay kung saan ay dali-dali niya itong binawa na tila ba napapaso. Nagdilim ang kanyang mga mata. “Paano ka nakapasok dito?”Napakuyom ang m
BILANG NAPATITIG SI PIERCE sa mga mata nito at kitang-kita niya na puno iyon ng pagkatakot. Sa totoo lang ay buong-buo na ang isip niya sa kanyang gagawin sana rito ngunit bigla na lamang siyang napatigil nang makita niya ang itsura nito. Ang mga basa nitong mga mata na nakatingin sa kaniya ay biglang nagpalambot sa galit na nararamdaman niya. Ilang segundo siyang natigilan at pagkatapos ay biglang napatagis ng kanyang mga bagang at nagmura ng paulit-ulit sa isip niya.Hindi siya makapagsalita sa labis na pagtataka. Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi siya komportable na makita itong ganuon. Dahil rito ay mabilis siyang umalis sa ibabaw nito at galit na pumasok sa ng banyo.Samantala, natigilan naman si Serene nang umalis ito sa ibabaw niya at kasunod nito ay narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Hindi siya lubos makapaniwala na tumigil ito sa kanyang ginagawa. Halatang-halata naman na sobrang nabalot na ng pagnanasa ang buong katawan nito pero…Hindi niya lubos maisip ku
PULANG-PULA ANG KANYANG mukha na nakatalikod rito. “Magbihis ka muna…” sabi niya rito dahil paano nga naman sila mag-uusap nito kung hindi pa ito nakakabihis ng mga oras na iyon.“Ayokong isuot na ang mga hinubad kong damit.” mabilis na sagot niyo sa kaniya.“E anong gagawin ko? Paano tayo makakapag-usap niyan ng maayos?” balik niya rin namang tanong rito nang hindi niya ito nililingon.“Kapag ba itinapis ko itong tuwalya sa beywang ko ay okay na?” inis na sabi nito at pagkatapos ay katulad nga ng sinabi nito ay itinapis nga nito iyon. Binigyan siya ng malamig na sulyap rito. “Bakit ka nandito at paano ka nakapasok?” tanong ni Serene kaagad nang lingunin niya ito. Sa mukha lang nito siya tumingin at hindi nangahas na tumingi sa katawan nito.Umingos ito at nanlamig ang mga mata. “Ilang beses na akong nag-doorbell ngunit walang sumasagot. Akala ko ay nagpakamatay ka na rito sa loob.” prangkang sabi nito sa kaniya.Hindi naman siya nakasagot sa sinabi nito hanggang sa bigla na lamang s
BIGLANG NAG-INIT ANG PALIGID dahil sa sinabi nito at agad na namula ang pisngi ni Serene. Ano bang sinasabi nito? Ipinilig niya ang kanyang ulo at nag-iwas ng tingin. “Hindi kita hahalikan. Humanap ka ng iba kung gusto mo.” sabi niya rito.Agad naman na naningkit ang mga mata ni Pierce nang marinig niya ang sinabi nito. “At sino naman ang gusto mong hanapin ko?” inis na tanong nito sa kaniya.Napakagat-labi na lamang si Serene at hindi nagsalita. Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang kanyang baba. “Tinatanong kita. Sino sana ang gusto mong hanapin ko?” tanong nito sa kaniya.Bigla namang bumalik sa kanyang isip ang eksenang iyon. Napapikit siya ng mariin. Hindi niya alam ngunit bigla rin niyang naramdaman na para bang may tumusok sa kanyang puso ng mga oras na iyon. “Hanapin mo kung sinong gusto mo, wala akong alam.” sagoot niya.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Pierce. “Hindi mo pa ba alam kung sino ang gusto kong makatalik?” tanong nito sa kaniya.Malaki talaga ang pagkak
SA KANYANG GULAT AY NAPAPIKIT SIYA AT PAGKATAPOS ay unti-unting nagmulat ng kanyang mga mata. Aalis na sana siya mula sa kandungan nito ngunit mahigpit na nakapulupot ang kamay nito sa kanyang beywang.Ilang sandali pa ay narinig niya ang paos na tinig ni Pierce. “Masakit pa rin ang kamay ko at kailangan ko ng pain reliever.” sabi nito na halos bulong lamang at bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig upang magsalita ay bigla na lamang siya nitong hinalikan na mas matindi pa kaysa sa naunang halik nito kanina.Halos magdikit na ang kanilang katawan dahil sa higpit ng kamay nitong nakapulupot sa kanyang beywang. Nag-umpisang kagatin nito ang kanyang bibig dahilan para maibuka niya ito at dahil doon ay agad nitong ipinasok sa kanyang bibig ang dila nito at ginalugad iyon. Dahil sa ginawa nito ay kamuntikan na siyang makalimot dahil unti-unti na ring umiinit ang katawan niya at talaga namang masasabi niya na naaapektuhan siya sa halik nito.Nagulat siya nang kusa na lamang gumalaw ang
PAGTAYO NAMAN NI PIERCE AY KAAGAD na pumasok sa banyo si Serene. Sa harap ng salamin ay tiningnan niya ang kanyang namumulang pisngi. Maging ang kanyang mga labi ay mamula-mula dahil sa marahas na paghalik ni Pierce sa kaniya kanina. Bigla tuloy niyang naisip na baka iniisip nito na naapektuhan siya pero totoo naman talaga.Isa pa, hindi niya rin naman iyon maitago lalo na at agad na namumula ang mukha niya kapag hinalikan siya nito. Marahil ay dahil siguro iyon sa pagsasama nila ng isang buwan kaya kapag hinalikan siya nito ay agad siyang naaapektuhan. Ipinilig niya ang kanyang ulo at naghilamos upang iwaksi ang mga nasa utak niya ng mga oras na iyon pagkatapos ay nagpunas ng mukha bago lumabas ng banyo. Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas sa silid at bigla siyang natigilan nang makita niya si Pierce na nakaupo sa sofa. Nakabihis nito at naka-sapatos na rin.“Bakit nandito ka pa?” nakakunot ang noo niyang tanong rito. “Hindi ka ba busy?” dagdag niyang tanong rito.“Nagugutom ako.” biglan
NAPATIIM BAGANG SI PIERCE DAHIL sa kanyang sinabi. “Ganun ba talaga kataas ang tingin mo sa kaniya ha?” galit na tanong nito. Ang mga mata nito ay puno ng galit habang nakatingin sa kaniya. “Nagtayo siya ng mga libreng clinic para ano? Para magkaroon ng karangalan. Isa pa, sa tingin mo ba talaga ay ganun-ganun lang na bigla na lamang siyang malagay sa mataas na posisyon sa edad niya? Hindi mo ba naisip yun?” dagdag pa nitong tanong,Mabilis na napailing si SErene. “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo.” patuloy na giit niya dahil halos ilang taon na rin silang magkakilala, lima, anim? Halos hindi na niya matandaan pa. Pero kung may binabalak nga ito sa kanyang masama ay kailangan ba nitong maghintay ng ilang taon para isagawa iyon kung sakali?Halos matawa naman si Pierce at hindi lubos na makapaniwala. “Talaga bang naniniwala ka sa lalaking iyon?” muli niyang tanong rito.Mabilis ang naging sagot ni Serene at walang pag-aalinlangan. “Oo.” sagot niya at pagkatapos ay tumitig sa mga mat