Share

Chapter 114.2

PULANG-PULA ANG KANYANG mukha na nakatalikod rito. “Magbihis ka muna…” sabi niya rito dahil paano nga naman sila mag-uusap nito kung hindi pa ito nakakabihis ng mga oras na iyon.

“Ayokong isuot na ang mga hinubad kong damit.” mabilis na sagot niyo sa kaniya.

“E anong gagawin ko? Paano tayo makakapag-usap niyan ng maayos?” balik niya rin namang tanong rito nang hindi niya ito nililingon.

“Kapag ba itinapis ko itong tuwalya sa beywang ko ay okay na?” inis na sabi nito at pagkatapos ay katulad nga ng sinabi nito ay itinapis nga nito iyon. Binigyan siya ng malamig na sulyap rito.

“Bakit ka nandito at paano ka nakapasok?” tanong ni Serene kaagad nang lingunin niya ito. Sa mukha lang nito siya tumingin at hindi nangahas na tumingi sa katawan nito.

Umingos ito at nanlamig ang mga mata. “Ilang beses na akong nag-doorbell ngunit walang sumasagot. Akala ko ay nagpakamatay ka na rito sa loob.” prangkang sabi nito sa kaniya.

Hindi naman siya nakasagot sa sinabi nito hanggang sa bigla na lamang s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status