kaunting favor naman po, pwede po bang pahingi ng inyong review? SALAMAT po in advance<3
SAMANTALA, HINDI PA RIN NAMAN SIYA BINITAWAN ni Pierce. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. “Hindi kita bibitawan, kahit na sumigaw ka pa.” sabi nito sa kaniya sa paos na tinig. Dahil dito ay agad na namula ang kanyang mukha.Pinilit niyang makatakas rito ngunit sadyang mahigpit talaga ng pagkakahawak nito sa kaniya idagdag pa nang mga oras na iyon ay nakaupo siya sa kandungan nito kung saan ay ramdam na ramdam niya ang pagkabuhay ng kinauupuan niya. Bigla siyang napapikit ng mariin at naging marahas ang kanyang paghinga. Hiyang-hiya siya ng mga oras na iyon dahil apektado ang katawan niya sa paglalapit ng mga katawan nila.Sa halip, pinagdikit niya ang kanyang mga labi at pilit inilayo rito ang kanyang mukha. Ang kamay nito na nasa loob ng kanyang damit ay patuloy na humihimas sa kanyang dibdib na mas lalo pang nagpainit ng pakiramdam niya. Mula sa maliit na salamin na sa cabinet ay kitang-kita ni Serene ang makinis na mukha nito na mas nagiging kaakit-akit s
PAGKATAPOS NA PAGKATAPOS NIYANG maligo ay kaagad siyang nahiga sa kanyang kama. Sa dami ng nangyari ay pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Nang ibalot niya ang sarili sa kumot ay bigla niyang naamoy ang pabango ni Pierce na naiwan doon kahit na hindi naman ito nagtagal doon. Napasimangot na lamang siya. Pagod na siya kaya tinatamad na siyang magpalit pa ng kumot kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at nakatulog kaagad.Ilang araw ang lumipas at dahil sa nangyari ay natutunan na ni Serene ang kanyang leksyon kaya hindi na siya nangahas pa na ayain muli si Mike na kumain sa kanyang unit. Sa halip ay tuwing umaga na lamang niya itong ipinagluluto ng ulam, idagdag pa na palagi din naman itong busy dahil bumalik na ito sa ospital bagamat hindi pa sumasalang sa mga operasyon.Tuwing hapon ay dumarating si Pierce sa kumain at hindi na nito inulit pa ang ginawa noon, ngunit palagi lang itong humihingi sa kaniya ng halik ngunit sa pabirong paraan. Nang gabing iyon, habang kum
NAGISING SI SERENE NANG bigla na lamang may bumuhos na malamig na tubig sa katawan niya. Halos manginig siya ng mga oras na iyon at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nasaan ako? Tanong niya sa kanyang isip. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid at doon niya napansin na para bang nasa isa siyang abandonadong gusali. Igagalaw na sana niya ang kanyang kamay nang mapansin niya na nakatali pala ang mga ito maging ang kanyang mga paa at ang kanyang bibig ay may busal na isang panyo.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bumangon. Medyo malabo pa ang kanyang mga mata at pagkatapos ay nakita niya ang isang pigura na dahan-dahang papalapit sa kaniya. Kumurap-kurap siya hanggang sa tuluyan nang luminaw ang kanyang paningin at nakita niya si Sharmaine na nakasuot ng kulay itim na damit at bagamat mukhang mamahalin ang suot nitong damit ay kapansin-pansin ang bibig nito na may sugat sa gilid at ang mata nitong isa ay tila ba namamaga at ang kilay nito ay may pasa na para ba itong
ANG MUKHA NI SERENE AY NAMUTLA nang marinig niya ang mga sinabi nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at halos mawalan na nang pag-asa. Ilang sandali pa ay parang baha ang pagragasa ng kanyang mga luha at nag-uunahang pumatak ang mga ito. Hindi, hindi! Wala siyang magawa, ni sumigaw ay hindi niya magawa dahil sa busal ng bibig niya.Takot na takot siya at halos mamanhid na ang buong katawan niya. Napapikit siya ng mariin, isang tao lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Pierce… iligtas mo ako… bulong niya sa kanyang isip na para bang maririnig siya nito.Ilang sandali pa ay biglang tila may sumipa ng malakas sa may pinto na naging dahilan para umalingaw-ngaw ang napakalakas na tunog. “Serene!” ang pamilyar na tinig ni Pierce ang sumunod na narinig niya.Nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya ito na puno ng galit ang mga mata habang nakating sa lalaking nasa tabi niya at mabilis na sinipa. Ang isa ay agad na umatras sa takot. Dali-dali itong lumapit sa kaniya at
PROLOGUE “Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito. Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya. “Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa. Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong
Makalipas ang kinse minutos ay lumabas na ng banyo si Pierce na nakatapis lamang ng twalya sa ibabang bahagi ng katawan niya at ang kanyang malawak na balikat ay nakalantad kung saan ay puno ng sekswal na tensyon. Lumapit siya sa kama at dali-daling iniangat ang kumot at doon niya napagtanto na wala nang lamang ang higaan at kaunting mantsa na lamang ng dugo ang naiwan sa bedsheet.Hindi napigilan ni Pierce na sumimangot at pagkatapos ay dali-daling tumawag sa kanyang assistant na si Liam. pagkasagot na pagkasagot pa lamang nito ng kanyang tawag ay agad na itong nagsalita. “Sir, nalaman namin na ang mga tao pala ni Blake ay may ginawa kagabi.” sabi nito sa kaniya.Sa kasalukuyan, siya ang pinakasikat na tagapagmana ng kanilang pamilya at ang pamilya nila ay kilala ng lahat dahil sila ang pinakamayaman sa lungsod na iyon. Ang lakas naman ng loob nito na kalabanin siya. Tumaas ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay nagsalita. “Bago magdilim ay gusto kong makita ang pagkalugi ng taong i
Nang makarating si Serene sa hotel ay nagdire-diretso siya sa elevator. Nang mga oras na iyon ay hindi nagsalita si Liam at nakamasid lamang sa binibini. Ang Solace International ay ang pinaka-upscale club sa lungsod at malinaw na hindi iyon isang lugar para sa isang ordinaryong kolehiyala.Nag-iwas naman ng tingin si Pierce at nagpatuloy sa kanyang paglalakad na parang wala siyang nakita. Wala siyang pakialam kung bakit lumitaw doon ang babae.Samantala, habang paakyat si Serene sa taas ay pababa naman ang dalawang waiter na may misteryosong tingin sa kaniya. Nang sumara ang elevator ay nagsalita ang isa. Tulak-tulak nito ang isang maliit na cart na natatakpan ng isang piraso ng itim na tela. “Talagang ang bongga mag-tip ni sir Reid sa tuwing may special request siya ano.” sabi nito sa kasama.Galit naman na nilingon ng kasama nito ang nagsalita. “Itikom mo yang bibig mo. hindi natin dapat pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.” sita nito sa kaniya.Sa halip na tumigil ito ay muli
Pilit namang kumalma si Reid. “Pasok.” sabi niya.“Sir, ito na po ang gusto ninyo.” sabi ng waiter at ini-swipe nito ang card at pumasok sa loob tulak-tulak ang isang trolley. Dahil doon ay bigla na lamang ulit namutla ang mukha ni Serene. Mukhang kasabwat nito ang waiter na kapapasok lamang.Biglang napatingin si Reid sa mukha ni Serene kung saan ay bigla na lamang siyang napalunok nang makita niya ang kagandahan nito. “Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako.” sabi niya rito.Napatingin naman si Serene sa pinto kung saan ay malapit na ang waiter doon at tiyak niya na kapag sumara iyon ay muli na namang mala-lock iyon kaya inipon niya ang natitira pa niyang lakad at biglang hinila ang trolley na nasa tabi niya ay hinila patungo kay Reid. dahil doon ay nagkaroon ng malakas na ingay at ang lamang ng trolley ay nagkandalaglagan sa sahig. Pinilit niyang tumayo at dali-daling tumakbo patungo sa pinto upang makalabas siya habang hawak-hawak ang tiyan niya na sa mga oras na iyon ay nan