Share

Chapter 116.5 [SPG]

HINDI NAGTAGAL, TUMIGIL ANG KOTSE SA TABI NG isang lawa na halos katabi na nang mga mga bundok. Sa kalangitan ay napakaraming bituin. Agad na bumaba si Pierce at pagkatapos ay kinuha ang isang bag. Naglatag ito ng mahihigaan nila sa may lupa na para ba silang nagka-camping. Hindi nagtagal ay bigla na lamang siya nitong binuhat at inilapag sa inilatag nito at mabuti na lamang at makapal ang latag nito at medyo malambot. Pareho silang nahiga doon at sa sumunod na segundo ay niyakap siya nito.

Dahil sa trauma niya sa mga lalaki kanina ay halos manginig ang buo niyang katawan at magpupumiglas na sana siya nang bigla na lamang nitong hapitin ang beywang niya. “Ano ka ba, huwag kang matakot. Wala naman tayong ibang gagawin at titingnan lang natin ang mga bituin.” sabi nito sa kaniya. Tumingin ito sa langit kaya maging siya ay tumingala na lamang din. “Diba, napakaraming bituin.” sabi nito.

Tahimik naman na napatingin si Serene sa kalangitan at hindi nga ito nagsisinungaling sa sinabi nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status