HINDI NAGTAGAL, TUMIGIL ANG KOTSE SA TABI NG isang lawa na halos katabi na nang mga mga bundok. Sa kalangitan ay napakaraming bituin. Agad na bumaba si Pierce at pagkatapos ay kinuha ang isang bag. Naglatag ito ng mahihigaan nila sa may lupa na para ba silang nagka-camping. Hindi nagtagal ay bigla na lamang siya nitong binuhat at inilapag sa inilatag nito at mabuti na lamang at makapal ang latag nito at medyo malambot. Pareho silang nahiga doon at sa sumunod na segundo ay niyakap siya nito.Dahil sa trauma niya sa mga lalaki kanina ay halos manginig ang buo niyang katawan at magpupumiglas na sana siya nang bigla na lamang nitong hapitin ang beywang niya. “Ano ka ba, huwag kang matakot. Wala naman tayong ibang gagawin at titingnan lang natin ang mga bituin.” sabi nito sa kaniya. Tumingin ito sa langit kaya maging siya ay tumingala na lamang din. “Diba, napakaraming bituin.” sabi nito.Tahimik naman na napatingin si Serene sa kalangitan at hindi nga ito nagsisinungaling sa sinabi nito
DALA-DALA NI MIKE ANG ISANG kahon ng mga dessert at nagtungo sa pinto ni Serene. Pinindot niya ang doorbell ni Serene ngunit walang sumasagot. Bahagyang nanlamig ang kanyang mga mata ngunit agad niya naman dinukot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa upang tawagan si Serene.MAGSASALITA pa lamang sana si Mike ay isang ungol ang sumalubong sa kaniya. Mukhang naka-automatic ang pagsagot sa tawag niya. Ang pagdaing nito ay puno ng pagmamakaawa. “Uhh~” sabi nito ulit.Hindi siya tanga para hindi ito maintindihan. Si Serene ay mukhang nadungisan na at tila matagal nang nadungisan. Sa sumunod na sandali ay ang mararahas nilang paghinga ang narinig niya at impit na daing. Alam niya na kaagad kung anong nangyayari sa kabilang linya kung saan ay dali-dali niyang pinatay ang tawag.Kuyom ang kanyang mga kamay na bumalik sa kanyang unit. Bigla niyang narinig muli sa kanyang isip ang malambot na daing nito kanina kung saan ang kanyang mga mata ay napuno ng pagnanasa. Dahan-dahan niyang tinangga
NANG IMULAT NI SERENE ANG KANYANG mga mata ay wala na siyang katabi. Agad siyang bumangon at ibinalot ang kanyang sarili sa kumot. Dahil wala na nga si Pierce sa tabi niya ay akala niya ay umalis ito ngunit nang itapak niya ang kanyang paa sa sahig at plano sanang magtungo sa banyo upang maligo nang marinig niya ang boses ni Liam na nanggagaling sa siwang ng pinto na nakabukas pala. “Sir, paulit-ulit na sinabi sa akin ng DAddy niyo na kailangan niyong pumunta sa blind date na inayos niya ngayong gabi.” sabi nito.Bigla siyang natigilan nang marinig niya ito. Makikipag-blind date ito? Dahan-dahang ikinuyom ni Serene ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam ngunit para bang may gumuhit na sakit sa dibdib niya at para bang bigla na lamang umahon ang galit mula rito. Hindi na niya hinintay pa ang naging sagot ni Pierce at dali-dali nang tumayo at pumasok sa banyo.Tinimpla niya ang init na ng tubig at binuksan ang sprinkler. Umagos ang mainit na tubig sa kanyang katawan ngunit halos hindi n
PROLOGUE “Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito. Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya. “Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa. Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong
Makalipas ang kinse minutos ay lumabas na ng banyo si Pierce na nakatapis lamang ng twalya sa ibabang bahagi ng katawan niya at ang kanyang malawak na balikat ay nakalantad kung saan ay puno ng sekswal na tensyon. Lumapit siya sa kama at dali-daling iniangat ang kumot at doon niya napagtanto na wala nang lamang ang higaan at kaunting mantsa na lamang ng dugo ang naiwan sa bedsheet.Hindi napigilan ni Pierce na sumimangot at pagkatapos ay dali-daling tumawag sa kanyang assistant na si Liam. pagkasagot na pagkasagot pa lamang nito ng kanyang tawag ay agad na itong nagsalita. “Sir, nalaman namin na ang mga tao pala ni Blake ay may ginawa kagabi.” sabi nito sa kaniya.Sa kasalukuyan, siya ang pinakasikat na tagapagmana ng kanilang pamilya at ang pamilya nila ay kilala ng lahat dahil sila ang pinakamayaman sa lungsod na iyon. Ang lakas naman ng loob nito na kalabanin siya. Tumaas ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay nagsalita. “Bago magdilim ay gusto kong makita ang pagkalugi ng taong i
Nang makarating si Serene sa hotel ay nagdire-diretso siya sa elevator. Nang mga oras na iyon ay hindi nagsalita si Liam at nakamasid lamang sa binibini. Ang Solace International ay ang pinaka-upscale club sa lungsod at malinaw na hindi iyon isang lugar para sa isang ordinaryong kolehiyala.Nag-iwas naman ng tingin si Pierce at nagpatuloy sa kanyang paglalakad na parang wala siyang nakita. Wala siyang pakialam kung bakit lumitaw doon ang babae.Samantala, habang paakyat si Serene sa taas ay pababa naman ang dalawang waiter na may misteryosong tingin sa kaniya. Nang sumara ang elevator ay nagsalita ang isa. Tulak-tulak nito ang isang maliit na cart na natatakpan ng isang piraso ng itim na tela. “Talagang ang bongga mag-tip ni sir Reid sa tuwing may special request siya ano.” sabi nito sa kasama.Galit naman na nilingon ng kasama nito ang nagsalita. “Itikom mo yang bibig mo. hindi natin dapat pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.” sita nito sa kaniya.Sa halip na tumigil ito ay muli
Pilit namang kumalma si Reid. “Pasok.” sabi niya.“Sir, ito na po ang gusto ninyo.” sabi ng waiter at ini-swipe nito ang card at pumasok sa loob tulak-tulak ang isang trolley. Dahil doon ay bigla na lamang ulit namutla ang mukha ni Serene. Mukhang kasabwat nito ang waiter na kapapasok lamang.Biglang napatingin si Reid sa mukha ni Serene kung saan ay bigla na lamang siyang napalunok nang makita niya ang kagandahan nito. “Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako.” sabi niya rito.Napatingin naman si Serene sa pinto kung saan ay malapit na ang waiter doon at tiyak niya na kapag sumara iyon ay muli na namang mala-lock iyon kaya inipon niya ang natitira pa niyang lakad at biglang hinila ang trolley na nasa tabi niya ay hinila patungo kay Reid. dahil doon ay nagkaroon ng malakas na ingay at ang lamang ng trolley ay nagkandalaglagan sa sahig. Pinilit niyang tumayo at dali-daling tumakbo patungo sa pinto upang makalabas siya habang hawak-hawak ang tiyan niya na sa mga oras na iyon ay nan
Nang makita ni Pierce ang lumuluhang mukha ng dalawa ay hindi niya maipaliwanag ngunit bigla na lamang niyang naalala ang babaeng nakaniig niya kagabi. Tahimik itong umalis at ni hindi man lang niya ito nakausap o ni natandaan ang mukha nito. Isa pa ay ayaw niyang magkautang siya sa iba. Kung mahahanap lang niya ito ay handa siyang bayaran ito para mawalan siya ng utang rito. Ngunit ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo.~~~Makalipas lamang ang limang minuto ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Serene at nang tingnan niya ito kung ano iyon ay nakita niya ang isang text message na galing sa isang hindi niya kilalang number. “Hindi pa tapos ang nangyari kanina. Dapat kang magkusa na lumapit sa akin sa loob ng tatlong araw dahil kung hindi ay baka hindi mo kayanin ang gagawin ko.” sabi ng text message at habang binabasa niya iyon ay isang tao lang naman ang mabilis na pumasok sa isip niya. Alam niya na kaagad na ang text message na iyon ay galing kay Reid.Hindi niya na laman