NANG IMULAT NI SERENE ANG KANYANG mga mata ay wala na siyang katabi. Agad siyang bumangon at ibinalot ang kanyang sarili sa kumot. Dahil wala na nga si Pierce sa tabi niya ay akala niya ay umalis ito ngunit nang itapak niya ang kanyang paa sa sahig at plano sanang magtungo sa banyo upang maligo nang marinig niya ang boses ni Liam na nanggagaling sa siwang ng pinto na nakabukas pala. “Sir, paulit-ulit na sinabi sa akin ng DAddy niyo na kailangan niyong pumunta sa blind date na inayos niya ngayong gabi.” sabi nito.Bigla siyang natigilan nang marinig niya ito. Makikipag-blind date ito? Dahan-dahang ikinuyom ni Serene ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam ngunit para bang may gumuhit na sakit sa dibdib niya at para bang bigla na lamang umahon ang galit mula rito. Hindi na niya hinintay pa ang naging sagot ni Pierce at dali-dali nang tumayo at pumasok sa banyo.Tinimpla niya ang init na ng tubig at binuksan ang sprinkler. Umagos ang mainit na tubig sa kanyang katawan ngunit halos hindi ni
BUMUNTONG-HININGA SI MIKE at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “May isa akong kakilala na nasa ibang bansa at planong magbukas ng isang medical research institute sa bansang Malaysia at iyon ang tinututukan ng research niya. Kung gusto mo ay pwede ko siyang kausapin para magamot si Tita kaso sa ibang bansa nga lang pero wala ka namang gagastusin dahil libre naman iyon.” sabi nito.Kahit na hindi naman medisina ang larangan ni Serene ay alam niya kung ano ang layunin ng mga research na iyon. Bahagya siyang nag-alinlangan. “Safe ba iyon?” tanong niya rito.Agad naman na tumango sa kaniya si Mike. “oo naman. Isa pa, hindi lang naman siya basta-bastang tao kundi magaling siyang doktor. Sa tingin ko sa sitwasyon ni Tita ay mayroon siyang napakataas na posibilidad na gumaling doon.” pangungumbinsi nito sa kaniya.Naisip naman ni Serene na kapag nga ganuon ay high-teh na ang mga kagamitan at talagang hindi din naman talaga basta-basta ang mga doktor na kasali doon. Isa pa, ayaw niya din naman
DAHIL SA INIS AY HINDI NA NIYA napigil pa na hawakan ang likod ng ulo nito upang halikan ng marahas at bigyan ito ng parusa. Mas lalo pa namang nanlaban si Serene at pinagpapalo niya ng dibdib nito. Ngunit ang lakas nito kumpara sa kanyang lakas ay walang saysay.Hingal na hingal si Serene at ang kanyang mga mata ay namumula habang ang mga mata nito ay mabangis na nakatitig sa kaniya na para bang galit na galit na hayop. Ilang sandali pa ay napatitig ito sa kaniya at pagkatapos ay napangisi. “Ano, titingnan mo na lang ba ako?” tanong nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon naubos na nang tuluyan ang pasensya ni Pierce rito at pagkatapos ay binuhat na niya ito at binuksan ang pinto. Agad na namutla ang mukha ni Serene sa labis na pagkagulat. “Paano mo nabuksan ang pinto ko?” puno ng pagtatakang tanong niya.Walang ekspresyon ang mukha ni Pierce at hindi nagsalita. Bago pa man niya ulit maibuka ang kanyang bibig ay ibinaba na siya nito sa may kama at biglang pumatong sa kanya at hinalikan
SOBRANG GALIT ANG NARAMDAMAN NI PIERCE nang marinig niya ang sinabi nito at halos maglabasan ang ugat sa noo habang nagtatagis ang kanyang mga bagang. Naglakad ito patungo sa labas at binuksan ang pinto na sinundan niya at sa sobrang galit niya ay agad niya itong hinila at idiniin sa may pinto.“Sinabi ko na sayo hindi ba? Hindi na kita pakakawalan pa.” galit na tumitig ito sa kanyang mga mata. “Ikaw mismo ang lumapit sa akin hindi ba, tapos ngayon kung ipagtabuyan mo ako ay ganito lang kadali.” sabi niya habang nakatiim bagang.Namutla ang mukha ni Serene at nakaramdam ng takot habang nakatitig sa mga mata nito. “Nagsasabi ako ng totooo. Hinding-hindi na ako makikipag-s3x pa sayo at kung gusto mo ay humanap ka ng babaeng gugustuhing makatalik ka.” sabi niya. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya ay tinapangan niya pa rin ang loob niya. “Ayoko na. Kung pipilitin mo pa ako ay magagalit ako sayo ng sobra at baka hindi na kita mapatawad pa.” determinadong sabi niya.“Maghanap ng ibang
NAKATULALA SI SERENE HABANG NAKATITIG sa nakasarang elevator na para bang walang lamang ang kanyang isip. “Serene…” tawag sa kaniya ni Mike na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.“Kailangan nating gamutin ang sugat mo.” sabi niya rito at inaya itong pumasoka kanyang unit para gamutin. Nang matapos ay hindi niya maiwasang magtanong rito. “Mike, bakit kayo nag-away ni Mr. Smith?” nag-aalangang tanong niya rito.Bahagya namang nagulat si Mike sa naging tanong sa kaniya ni Serene dahil hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito. “Hindi ko alam. Baka nagkamali siya ng pagkakaintindi sa akin.” sagot niya rito.Dahil naman sa naging sagot nito ay gumaan kahit papano ang pakiramdam ni Serene. Alam niya kasi na sobrang galit si Pierce rito. “Pasensya ka na.” sabi niya at pagkatapos ay napailing dahil nagduda pa talaga siya kay Mike na alam niya mali siya. Sa lahat ng taong nakilala niya ay si Mike ang pinaka mabait sa lahat dahil napakaraming naitulong na nito sa kaniya.Sinulyapan siya ni
MAAGANG BUMANGON SI SERENE NANG ARAW na iyon. Napatitig siya sa ilalim ng kanyang mga mata kung saan ay halata ang pangingitim dahil sa hindi siya nakatulog ng maayos. Naglagay na lamang siya ng light make-up na hindi niya naman ginagawa dato para takpan iyon at pagkatapos ay nagbihis.Paglabas niya ay agad siyang sumakay ng taxi upang pumunat sa Civil Affairs Bureau. Sa takot kasi niya na baka mainip si Pierce sa paghihintay ay inagahan na niyang magpunta doon ng kalahating oras bago ang napagkasunduan nila.Sa di kalayuan ay may tumigil na isang luxury car. Nang bumukas ang pinto ay kaagad na nahagip ng mga mata ni Serene ang gwapo at malamig na mukha ni Pierce. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serene nang makita niya itong papalapit ng papalapit sa kaniya at malamig ang mga mata. Nagtuloy-tuloy ito sa pagpasok nang hindi man siyang pinansin na bahagyang ikinagulat niya. Nilampasan siya nito kaya dali-dali siyang sumunod rito papasok sa loob.Sa loob ng opisina, sila ay mag-asaw
PAPAALIS NA HALOS SI SERENE sa kumpanya at pauwi nang bigla na lamang siyang nakatanggap ng isang tawag mula sa isang customer niya noon na nagpagawa ng mga sketch sa kaniya at nagsasabi na kailangan nilang magkita para pag-usapan ang ilang bagay tungkol sa ipinagawa niya.Habang nakaupo sa kanyang mesa at hindi niya maiwasang mag-isip. Ilang sandali pa ay bigla na lamang pumasok sa kanyang isip si Reid. kung alam lang nito ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Pierce ay baka kung anong gawin nito sa kaniya lalo pa at pinagbantaan siya nito na hindi na ito makapaghintay na matapos ang kanilang relasyon para tuluyan na itong makaganti sa kaniya.Pagkatapos nga niyang iligpit ang kanyang mga gamit ay agad siya lumabas para magtungo sa sinasabi ng kanyang customer kung saan sila magkikita. Pumasok siya sa loob ng isang silid ngunit wala siyang nakitang tao at akmang magsasalita pa lamang sana siya nang bigla na lamang may humila sa kaniya at isinara ang pinto.Nanlalaki ang mga mata niya
HALOS MAMUTLA ANG MUKHA NI SERENE.Dahil nga hindi niya pa ito mapasunod sa gusto niya ay kailangan niya na muna itong mapapayag sa gusto niya at gagawin niya iyon sa paraan na alam niya. “Pagkatapos ng araw na ito ay tiyak na luluhod ka sa paa ko at magmamakaawa.” sabi nito na punong-puno ng kumpyansa.Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pilit na ibinubuka ngunit mariin niyang isinara ang kanyang bibig. Dahil dito ay tuluyan na ngang nawalan ng pasensya si Reid at sinakal niya ito dahilan kung bakit halos mawalan ng hininga si Serene at napilitan na ibuka ang kanyang bibig. Halos manlabo ang kanyang mga mata. Ngunit ilang sandali pa ay may isang malakas na tunog ang narinig niya mula sa labas.At kasunod nito ay ang tunog ng pagkabasag at ang pagbagsak ng isang katawan sa sahig. Nang buksan ni Serene ang kanyang mga mata ay nakita niya si Amber na naka-uniform pa at mukhang natataranta. Nang bumango siya ay nakita niya sa lapag si Reid at ginamit ang bote na nasa mesa at ib
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin