PAGKATAPOS NA PAGKATAPOS NIYANG maligo ay kaagad siyang nahiga sa kanyang kama. Sa dami ng nangyari ay pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Nang ibalot niya ang sarili sa kumot ay bigla niyang naamoy ang pabango ni Pierce na naiwan doon kahit na hindi naman ito nagtagal doon. Napasimangot na lamang siya. Pagod na siya kaya tinatamad na siyang magpalit pa ng kumot kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at nakatulog kaagad.Ilang araw ang lumipas at dahil sa nangyari ay natutunan na ni Serene ang kanyang leksyon kaya hindi na siya nangahas pa na ayain muli si Mike na kumain sa kanyang unit. Sa halip ay tuwing umaga na lamang niya itong ipinagluluto ng ulam, idagdag pa na palagi din naman itong busy dahil bumalik na ito sa ospital bagamat hindi pa sumasalang sa mga operasyon.Tuwing hapon ay dumarating si Pierce sa kumain at hindi na nito inulit pa ang ginawa noon, ngunit palagi lang itong humihingi sa kaniya ng halik ngunit sa pabirong paraan. Nang gabing iyon, habang kum
NAGISING SI SERENE NANG bigla na lamang may bumuhos na malamig na tubig sa katawan niya. Halos manginig siya ng mga oras na iyon at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nasaan ako? Tanong niya sa kanyang isip. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid at doon niya napansin na para bang nasa isa siyang abandonadong gusali. Igagalaw na sana niya ang kanyang kamay nang mapansin niya na nakatali pala ang mga ito maging ang kanyang mga paa at ang kanyang bibig ay may busal na isang panyo.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bumangon. Medyo malabo pa ang kanyang mga mata at pagkatapos ay nakita niya ang isang pigura na dahan-dahang papalapit sa kaniya. Kumurap-kurap siya hanggang sa tuluyan nang luminaw ang kanyang paningin at nakita niya si Sharmaine na nakasuot ng kulay itim na damit at bagamat mukhang mamahalin ang suot nitong damit ay kapansin-pansin ang bibig nito na may sugat sa gilid at ang mata nitong isa ay tila ba namamaga at ang kilay nito ay may pasa na para ba itong
ANG MUKHA NI SERENE AY NAMUTLA nang marinig niya ang mga sinabi nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at halos mawalan na nang pag-asa. Ilang sandali pa ay parang baha ang pagragasa ng kanyang mga luha at nag-uunahang pumatak ang mga ito. Hindi, hindi! Wala siyang magawa, ni sumigaw ay hindi niya magawa dahil sa busal ng bibig niya.Takot na takot siya at halos mamanhid na ang buong katawan niya. Napapikit siya ng mariin, isang tao lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Pierce… iligtas mo ako… bulong niya sa kanyang isip na para bang maririnig siya nito.Ilang sandali pa ay biglang tila may sumipa ng malakas sa may pinto na naging dahilan para umalingaw-ngaw ang napakalakas na tunog. “Serene!” ang pamilyar na tinig ni Pierce ang sumunod na narinig niya.Nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya ito na puno ng galit ang mga mata habang nakating sa lalaking nasa tabi niya at mabilis na sinipa. Ang isa ay agad na umatras sa takot. Dali-dali itong lumapit sa kaniya at
HINDI NAGTAGAL, TUMIGIL ANG KOTSE SA TABI NG isang lawa na halos katabi na nang mga mga bundok. Sa kalangitan ay napakaraming bituin. Agad na bumaba si Pierce at pagkatapos ay kinuha ang isang bag. Naglatag ito ng mahihigaan nila sa may lupa na para ba silang nagka-camping. Hindi nagtagal ay bigla na lamang siya nitong binuhat at inilapag sa inilatag nito at mabuti na lamang at makapal ang latag nito at medyo malambot. Pareho silang nahiga doon at sa sumunod na segundo ay niyakap siya nito.Dahil sa trauma niya sa mga lalaki kanina ay halos manginig ang buo niyang katawan at magpupumiglas na sana siya nang bigla na lamang nitong hapitin ang beywang niya. “Ano ka ba, huwag kang matakot. Wala naman tayong ibang gagawin at titingnan lang natin ang mga bituin.” sabi nito sa kaniya. Tumingin ito sa langit kaya maging siya ay tumingala na lamang din. “Diba, napakaraming bituin.” sabi nito.Tahimik naman na napatingin si Serene sa kalangitan at hindi nga ito nagsisinungaling sa sinabi nito
DALA-DALA NI MIKE ANG ISANG kahon ng mga dessert at nagtungo sa pinto ni Serene. Pinindot niya ang doorbell ni Serene ngunit walang sumasagot. Bahagyang nanlamig ang kanyang mga mata ngunit agad niya naman dinukot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa upang tawagan si Serene.MAGSASALITA pa lamang sana si Mike ay isang ungol ang sumalubong sa kaniya. Mukhang naka-automatic ang pagsagot sa tawag niya. Ang pagdaing nito ay puno ng pagmamakaawa. “Uhh~” sabi nito ulit.Hindi siya tanga para hindi ito maintindihan. Si Serene ay mukhang nadungisan na at tila matagal nang nadungisan. Sa sumunod na sandali ay ang mararahas nilang paghinga ang narinig niya at impit na daing. Alam niya na kaagad kung anong nangyayari sa kabilang linya kung saan ay dali-dali niyang pinatay ang tawag.Kuyom ang kanyang mga kamay na bumalik sa kanyang unit. Bigla niyang narinig muli sa kanyang isip ang malambot na daing nito kanina kung saan ang kanyang mga mata ay napuno ng pagnanasa. Dahan-dahan niyang tinangga
NANG IMULAT NI SERENE ANG KANYANG mga mata ay wala na siyang katabi. Agad siyang bumangon at ibinalot ang kanyang sarili sa kumot. Dahil wala na nga si Pierce sa tabi niya ay akala niya ay umalis ito ngunit nang itapak niya ang kanyang paa sa sahig at plano sanang magtungo sa banyo upang maligo nang marinig niya ang boses ni Liam na nanggagaling sa siwang ng pinto na nakabukas pala. “Sir, paulit-ulit na sinabi sa akin ng DAddy niyo na kailangan niyong pumunta sa blind date na inayos niya ngayong gabi.” sabi nito.Bigla siyang natigilan nang marinig niya ito. Makikipag-blind date ito? Dahan-dahang ikinuyom ni Serene ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam ngunit para bang may gumuhit na sakit sa dibdib niya at para bang bigla na lamang umahon ang galit mula rito. Hindi na niya hinintay pa ang naging sagot ni Pierce at dali-dali nang tumayo at pumasok sa banyo.Tinimpla niya ang init na ng tubig at binuksan ang sprinkler. Umagos ang mainit na tubig sa kanyang katawan ngunit halos hindi ni
BUMUNTONG-HININGA SI MIKE at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “May isa akong kakilala na nasa ibang bansa at planong magbukas ng isang medical research institute sa bansang Malaysia at iyon ang tinututukan ng research niya. Kung gusto mo ay pwede ko siyang kausapin para magamot si Tita kaso sa ibang bansa nga lang pero wala ka namang gagastusin dahil libre naman iyon.” sabi nito.Kahit na hindi naman medisina ang larangan ni Serene ay alam niya kung ano ang layunin ng mga research na iyon. Bahagya siyang nag-alinlangan. “Safe ba iyon?” tanong niya rito.Agad naman na tumango sa kaniya si Mike. “oo naman. Isa pa, hindi lang naman siya basta-bastang tao kundi magaling siyang doktor. Sa tingin ko sa sitwasyon ni Tita ay mayroon siyang napakataas na posibilidad na gumaling doon.” pangungumbinsi nito sa kaniya.Naisip naman ni Serene na kapag nga ganuon ay high-teh na ang mga kagamitan at talagang hindi din naman talaga basta-basta ang mga doktor na kasali doon. Isa pa, ayaw niya din naman
DAHIL SA INIS AY HINDI NA NIYA napigil pa na hawakan ang likod ng ulo nito upang halikan ng marahas at bigyan ito ng parusa. Mas lalo pa namang nanlaban si Serene at pinagpapalo niya ng dibdib nito. Ngunit ang lakas nito kumpara sa kanyang lakas ay walang saysay.Hingal na hingal si Serene at ang kanyang mga mata ay namumula habang ang mga mata nito ay mabangis na nakatitig sa kaniya na para bang galit na galit na hayop. Ilang sandali pa ay napatitig ito sa kaniya at pagkatapos ay napangisi. “Ano, titingnan mo na lang ba ako?” tanong nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon naubos na nang tuluyan ang pasensya ni Pierce rito at pagkatapos ay binuhat na niya ito at binuksan ang pinto. Agad na namutla ang mukha ni Serene sa labis na pagkagulat. “Paano mo nabuksan ang pinto ko?” puno ng pagtatakang tanong niya.Walang ekspresyon ang mukha ni Pierce at hindi nagsalita. Bago pa man niya ulit maibuka ang kanyang bibig ay ibinaba na siya nito sa may kama at biglang pumatong sa kanya at hinalikan
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin