ALAM NA KAAGAD NI SERENE ang ibig nitong sabihin kaya hindi na niya napigilan pa na magsalita. “Alam kong naghihinala ka na naman. Matagal ko na siyang kilala kaya imposible ang sinasabi mo na may masama siyang balak sa akin.” agad na sabi niya rito.Nang banggitin niya ang tungkol sa kanyang nakaraan ay biglang pumasok sa kanyang isip ang masasama niyang alaala noon at hindi maiwasang gumuhit ng pait sa kanyang mukha. Samantala, ang akala naman ng lalaki ay puno ng pagmamahal ang mukha niya nang sabihin niya iyon kaya agad na nanlamig ang mga mata nito. Ganun ba talaga nito kagusto ang lalaking iyon? Hindi tuloy maiwasan ni Pierce na magtanong sa kanyang isip. Walang nagsalita sa kanilang dalawa at nanatiling magkahugpong ang mga mata.Matapos lang ang ilang segundo ay si Serene ang unang nagbuka ng kanyang bibig. “Hindi ka pa ba aalis?” tanong niya rito.“Aalis na.” malamig na sabi ni Pierce at tumayo na pagkatapos ay umalis. Bigla na lamang siyang nagulat nang malakas nitong isara
HABANG NAKAUPO SI MIKE sa sofa ay biglang tumunog ang doorbell. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay nakita niya ang isang matangkap na piguro na nasa harap ng pinto. Ang mukha nito ay agad na nagdilim nang makita siya. “Hinahanap mo ba si Serene?” kaagad niyang tanong rito.Sinulyapan naman ni Pierce ng malamig at may madilim na mga mata ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ng mga oras na iyon. “Kilala mo ba ako?”“Well, ikaw ang boss niya hindi ba?” mabilis naman na sagot nito. Sa tono nito ay para bang sinasabi nito sa kaniya na talagang sinasabi lahat ni Serene sa kanyang ang mga bagay-bagay.Tumaas ang sulok ng labi ni Pierce at pagkatapos ay nagpaskil ng isang ngiti. “Talaga? Sinabi niya rin ba sayo ang tungkol sa relasyon namin maliban sa pagiging boss ko at empleyado niya?” tanong niya rito.Saglit naman na natigilan si Mike dahil sa sinabi ito at akmang ibubuka na sana niya ang kanyang mga labi upang magsalita nang marinig nila a
NAPABUNTUNG-HININGA NA LAMANG SI SERENE at pagkatapos ay tyaka siya sumagot. “Syempre, kapag nasa mabuting kalusugan ang boss ay tiyak na mas magiging maayos ang mga empleyado.” sagot niya rito.Tinitigan naman siya nito gamit ang mga madilim nitong mga mata at pagkatapos ay nakita niya na tumaas ang sulok ng labi nito. “Bakit, hindi mo ba alam kung nasa mabuting kalusugan ako o wala?” tanong nito sa kaniya at sa tono ng boses nito ay para bang may gusto itong ipahiwatig.Kasalukuyan siyang kumakain ng mga oras na iyon at dahil sa sinabi nito ay bigla na lamang siyang nabilaukan at napaubo ngunit mabilis na tumayo si Mike muka sa kinauupuan nito at lumapit sa kanyang para hagudin ang kanyang likod. Dahil rito ay matalim na napatingin si Pierce rito at pagkatapos ay nagsalita.“Hindi pa magaling ang kamay mo Dr. Mike. mas mainam kung uupo ka muna.” sabi nito kay Mike at nang marinig naman ito ni Mike ay biglang napuno ng lamig ang kanyang mga mata subalit ilang segundo lang ay mabilis
SAMANTALA, HINDI PA RIN NAMAN SIYA BINITAWAN ni Pierce. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. “Hindi kita bibitawan, kahit na sumigaw ka pa.” sabi nito sa kaniya sa paos na tinig. Dahil dito ay agad na namula ang kanyang mukha.Pinilit niyang makatakas rito ngunit sadyang mahigpit talaga ng pagkakahawak nito sa kaniya idagdag pa nang mga oras na iyon ay nakaupo siya sa kandungan nito kung saan ay ramdam na ramdam niya ang pagkabuhay ng kinauupuan niya. Bigla siyang napapikit ng mariin at naging marahas ang kanyang paghinga. Hiyang-hiya siya ng mga oras na iyon dahil apektado ang katawan niya sa paglalapit ng mga katawan nila.Sa halip, pinagdikit niya ang kanyang mga labi at pilit inilayo rito ang kanyang mukha. Ang kamay nito na nasa loob ng kanyang damit ay patuloy na humihimas sa kanyang dibdib na mas lalo pang nagpainit ng pakiramdam niya. Mula sa maliit na salamin na sa cabinet ay kitang-kita ni Serene ang makinis na mukha nito na mas nagiging kaakit-akit s
PAGKATAPOS NA PAGKATAPOS NIYANG maligo ay kaagad siyang nahiga sa kanyang kama. Sa dami ng nangyari ay pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Nang ibalot niya ang sarili sa kumot ay bigla niyang naamoy ang pabango ni Pierce na naiwan doon kahit na hindi naman ito nagtagal doon. Napasimangot na lamang siya. Pagod na siya kaya tinatamad na siyang magpalit pa ng kumot kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at nakatulog kaagad.Ilang araw ang lumipas at dahil sa nangyari ay natutunan na ni Serene ang kanyang leksyon kaya hindi na siya nangahas pa na ayain muli si Mike na kumain sa kanyang unit. Sa halip ay tuwing umaga na lamang niya itong ipinagluluto ng ulam, idagdag pa na palagi din naman itong busy dahil bumalik na ito sa ospital bagamat hindi pa sumasalang sa mga operasyon.Tuwing hapon ay dumarating si Pierce sa kumain at hindi na nito inulit pa ang ginawa noon, ngunit palagi lang itong humihingi sa kaniya ng halik ngunit sa pabirong paraan. Nang gabing iyon, habang kum
NAGISING SI SERENE NANG bigla na lamang may bumuhos na malamig na tubig sa katawan niya. Halos manginig siya ng mga oras na iyon at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nasaan ako? Tanong niya sa kanyang isip. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid at doon niya napansin na para bang nasa isa siyang abandonadong gusali. Igagalaw na sana niya ang kanyang kamay nang mapansin niya na nakatali pala ang mga ito maging ang kanyang mga paa at ang kanyang bibig ay may busal na isang panyo.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bumangon. Medyo malabo pa ang kanyang mga mata at pagkatapos ay nakita niya ang isang pigura na dahan-dahang papalapit sa kaniya. Kumurap-kurap siya hanggang sa tuluyan nang luminaw ang kanyang paningin at nakita niya si Sharmaine na nakasuot ng kulay itim na damit at bagamat mukhang mamahalin ang suot nitong damit ay kapansin-pansin ang bibig nito na may sugat sa gilid at ang mata nitong isa ay tila ba namamaga at ang kilay nito ay may pasa na para ba itong
ANG MUKHA NI SERENE AY NAMUTLA nang marinig niya ang mga sinabi nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at halos mawalan na nang pag-asa. Ilang sandali pa ay parang baha ang pagragasa ng kanyang mga luha at nag-uunahang pumatak ang mga ito. Hindi, hindi! Wala siyang magawa, ni sumigaw ay hindi niya magawa dahil sa busal ng bibig niya.Takot na takot siya at halos mamanhid na ang buong katawan niya. Napapikit siya ng mariin, isang tao lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Pierce… iligtas mo ako… bulong niya sa kanyang isip na para bang maririnig siya nito.Ilang sandali pa ay biglang tila may sumipa ng malakas sa may pinto na naging dahilan para umalingaw-ngaw ang napakalakas na tunog. “Serene!” ang pamilyar na tinig ni Pierce ang sumunod na narinig niya.Nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya ito na puno ng galit ang mga mata habang nakating sa lalaking nasa tabi niya at mabilis na sinipa. Ang isa ay agad na umatras sa takot. Dali-dali itong lumapit sa kaniya at
PROLOGUE “Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito. Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya. “Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa. Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong