PAGTAYO NAMAN NI PIERCE AY KAAGAD na pumasok sa banyo si Serene. Sa harap ng salamin ay tiningnan niya ang kanyang namumulang pisngi. Maging ang kanyang mga labi ay mamula-mula dahil sa marahas na paghalik ni Pierce sa kaniya kanina. Bigla tuloy niyang naisip na baka iniisip nito na naapektuhan siya pero totoo naman talaga.Isa pa, hindi niya rin naman iyon maitago lalo na at agad na namumula ang mukha niya kapag hinalikan siya nito. Marahil ay dahil siguro iyon sa pagsasama nila ng isang buwan kaya kapag hinalikan siya nito ay agad siyang naaapektuhan. Ipinilig niya ang kanyang ulo at naghilamos upang iwaksi ang mga nasa utak niya ng mga oras na iyon pagkatapos ay nagpunas ng mukha bago lumabas ng banyo. Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas sa silid at bigla siyang natigilan nang makita niya si Pierce na nakaupo sa sofa. Nakabihis nito at naka-sapatos na rin.“Bakit nandito ka pa?” nakakunot ang noo niyang tanong rito. “Hindi ka ba busy?” dagdag niyang tanong rito.“Nagugutom ako.” biglan
NAPATIIM BAGANG SI PIERCE DAHIL sa kanyang sinabi. “Ganun ba talaga kataas ang tingin mo sa kaniya ha?” galit na tanong nito. Ang mga mata nito ay puno ng galit habang nakatingin sa kaniya. “Nagtayo siya ng mga libreng clinic para ano? Para magkaroon ng karangalan. Isa pa, sa tingin mo ba talaga ay ganun-ganun lang na bigla na lamang siyang malagay sa mataas na posisyon sa edad niya? Hindi mo ba naisip yun?” dagdag pa nitong tanong,Mabilis na napailing si SErene. “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo.” patuloy na giit niya dahil halos ilang taon na rin silang magkakilala, lima, anim? Halos hindi na niya matandaan pa. Pero kung may binabalak nga ito sa kanyang masama ay kailangan ba nitong maghintay ng ilang taon para isagawa iyon kung sakali?Halos matawa naman si Pierce at hindi lubos na makapaniwala. “Talaga bang naniniwala ka sa lalaking iyon?” muli niyang tanong rito.Mabilis ang naging sagot ni Serene at walang pag-aalinlangan. “Oo.” sagot niya at pagkatapos ay tumitig sa mga mat
HINDI NAMAN LUBOS AKALAIN NI PIERCE na magiging matalino ito at maglalatag ng ganuong kasunduan. Pinapahanga siya nito. Hindi sinasadyang mapangisi siya. “Mukhang natuto ka na yata…” sabi niya rito.Napasulyap naman si Serene rito at hindi nagsalita. Pagkatapos ng isang mahigit na pagsasama, halos naikabesa na niya ang ugali nito. Kung patuloy siyang makikipag-away rito ay mas lalala lamang ang ugali nito kaya mas mainam na kausapin niya ito ng maayos at magiging maayos din nito sa pakikipag-usap sa kaniya. “Natuto lang ako sayo Mr. Smith.” malambot na sabi niya rito.Halos matigilan naman si Pierce dahil rito at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ilang sandali pa ay napapikit siya ng mariin. “So, ibig ba nung sabihin ay pasasayahin mo pa rin ako?” tanong niya rito.Nang marinig naman ni Serene ang sinabi nito ay alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Hindi siya nakasagot. Isa pa, paano naman niya sana ito pasasayahin e noong panahong ito ang naglatag ng kasundua
ALAM NA KAAGAD NI SERENE ang ibig nitong sabihin kaya hindi na niya napigilan pa na magsalita. “Alam kong naghihinala ka na naman. Matagal ko na siyang kilala kaya imposible ang sinasabi mo na may masama siyang balak sa akin.” agad na sabi niya rito.Nang banggitin niya ang tungkol sa kanyang nakaraan ay biglang pumasok sa kanyang isip ang masasama niyang alaala noon at hindi maiwasang gumuhit ng pait sa kanyang mukha. Samantala, ang akala naman ng lalaki ay puno ng pagmamahal ang mukha niya nang sabihin niya iyon kaya agad na nanlamig ang mga mata nito. Ganun ba talaga nito kagusto ang lalaking iyon? Hindi tuloy maiwasan ni Pierce na magtanong sa kanyang isip. Walang nagsalita sa kanilang dalawa at nanatiling magkahugpong ang mga mata.Matapos lang ang ilang segundo ay si Serene ang unang nagbuka ng kanyang bibig. “Hindi ka pa ba aalis?” tanong niya rito.“Aalis na.” malamig na sabi ni Pierce at tumayo na pagkatapos ay umalis. Bigla na lamang siyang nagulat nang malakas nitong isara
HABANG NAKAUPO SI MIKE sa sofa ay biglang tumunog ang doorbell. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay nakita niya ang isang matangkap na piguro na nasa harap ng pinto. Ang mukha nito ay agad na nagdilim nang makita siya. “Hinahanap mo ba si Serene?” kaagad niyang tanong rito.Sinulyapan naman ni Pierce ng malamig at may madilim na mga mata ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ng mga oras na iyon. “Kilala mo ba ako?”“Well, ikaw ang boss niya hindi ba?” mabilis naman na sagot nito. Sa tono nito ay para bang sinasabi nito sa kaniya na talagang sinasabi lahat ni Serene sa kanyang ang mga bagay-bagay.Tumaas ang sulok ng labi ni Pierce at pagkatapos ay nagpaskil ng isang ngiti. “Talaga? Sinabi niya rin ba sayo ang tungkol sa relasyon namin maliban sa pagiging boss ko at empleyado niya?” tanong niya rito.Saglit naman na natigilan si Mike dahil sa sinabi ito at akmang ibubuka na sana niya ang kanyang mga labi upang magsalita nang marinig nila a
NAPABUNTUNG-HININGA NA LAMANG SI SERENE at pagkatapos ay tyaka siya sumagot. “Syempre, kapag nasa mabuting kalusugan ang boss ay tiyak na mas magiging maayos ang mga empleyado.” sagot niya rito.Tinitigan naman siya nito gamit ang mga madilim nitong mga mata at pagkatapos ay nakita niya na tumaas ang sulok ng labi nito. “Bakit, hindi mo ba alam kung nasa mabuting kalusugan ako o wala?” tanong nito sa kaniya at sa tono ng boses nito ay para bang may gusto itong ipahiwatig.Kasalukuyan siyang kumakain ng mga oras na iyon at dahil sa sinabi nito ay bigla na lamang siyang nabilaukan at napaubo ngunit mabilis na tumayo si Mike muka sa kinauupuan nito at lumapit sa kanyang para hagudin ang kanyang likod. Dahil rito ay matalim na napatingin si Pierce rito at pagkatapos ay nagsalita.“Hindi pa magaling ang kamay mo Dr. Mike. mas mainam kung uupo ka muna.” sabi nito kay Mike at nang marinig naman ito ni Mike ay biglang napuno ng lamig ang kanyang mga mata subalit ilang segundo lang ay mabilis
SAMANTALA, HINDI PA RIN NAMAN SIYA BINITAWAN ni Pierce. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. “Hindi kita bibitawan, kahit na sumigaw ka pa.” sabi nito sa kaniya sa paos na tinig. Dahil dito ay agad na namula ang kanyang mukha.Pinilit niyang makatakas rito ngunit sadyang mahigpit talaga ng pagkakahawak nito sa kaniya idagdag pa nang mga oras na iyon ay nakaupo siya sa kandungan nito kung saan ay ramdam na ramdam niya ang pagkabuhay ng kinauupuan niya. Bigla siyang napapikit ng mariin at naging marahas ang kanyang paghinga. Hiyang-hiya siya ng mga oras na iyon dahil apektado ang katawan niya sa paglalapit ng mga katawan nila.Sa halip, pinagdikit niya ang kanyang mga labi at pilit inilayo rito ang kanyang mukha. Ang kamay nito na nasa loob ng kanyang damit ay patuloy na humihimas sa kanyang dibdib na mas lalo pang nagpainit ng pakiramdam niya. Mula sa maliit na salamin na sa cabinet ay kitang-kita ni Serene ang makinis na mukha nito na mas nagiging kaakit-akit s
PROLOGUE “Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito. Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya. “Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa. Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong