NAPALUNOK SI LIAM BAGO NIYA MULING ibinuka ang kanyang bibig. “Ang sabi pa ay ginamit daw ni Miss Beatrice ang kanyang katayuan upang ma-expel si Miss Serene sa unibersidad at sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito ngayon.” tuloy-tuloy na sabi niya.Halos naman sumakit ang ulo ni Pierce ng mga oras na iyon sa kanyang mga narinig na sinabi ni Liam. napahilot siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. “Nasaan na si Serene? Paakyatin mo siya rito ngayon din.” utos niya.Agad naman na natigilan si Lima. “pero, wala na po si Miss Serene. Nakaalis na siya.” nag-aalangang sabi niya rito.“Ano?” bulalas ni Pierce na nanlalaki ang mga mata. Napakuyom din ang kanyang mga kamay. “Kailan pa siya umalis?”“Kaaalis lang niya sir.” agad naman na sagot ni Liam rito.Binigyan siya ni Pierce ng isang malamig na tingin. “Bakit hindi mo sinabi sa kaniya na puntahan ako? Hindi mo man lang ba siya pinilit?” nagtatagis ang mga bagang ni Pierce na tanong dahil sa inis.“Pinilit ko siya
MAS LALO PANG NAGDILIM ANG MUKHA ni Pierce ng mga oras na iyon at ang kanyang galit ay talagang umabot na sa sukdulan. “Gusto kong bukas na bukas ay humingi ka ng paumanhin sa kaniya at aminin na ikaw ang may pakana ng lahat ng iyon at pagkatapos ay mag-impake ka ng mga damit mo at pumunta sa France.” mariin na sabi ni Pierce.Namutla ang mukha ni Beatrice at napuno ng matinding hinanakit ang kanyang mga mata. “Hindi ba at wala naman na ang mga post? Bakit kailangan pa na humingi ako ng paumanhin sa kaniya online? At talaga bang ipapaamin mo sa akin na ako ang may gawa nun? Paano na lang ang mga sasabihin ng ibang tao?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang pinsan.“Ikaw ang may gawa niyan hindi ba? Bakit hindi mo naisip yan nung bago mo gawin ang mga bagay na iyon?” malamig ang mga mata ni Pierce na nakapukol sa kaniya.“Pero Couz, kung mapapahiya ako, mapapahiya din ang pamilya natin…” pakiusap pa ni Beatrice rito.“Kapag hindi mo sinunod ang inuutos ko sayo, baka itakwil na k
NANG MAKITA NI PIERCE ANG maputlang mukha ng dalaga ay halos kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag lalo nang makita niya na humihinga pa naman ito kahit na papano. Akala niya ay kung ano na ang nangyari rito, pumasok pa sa isip niya na baka nagpakamatay na ito.Dahan-dahan namang iminulat ni Serene ang inaantok pa niyang mga mata. Nakita niya si Pierce na nakatayo sa harap niya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo ha? Hindi ka ba marunong sumagot ng tawag?” mabangis na tanong nito sa kaniya.Halos hindi na alam ni Pierce ang gagawin niya sa labis na pag-aalala tapos nandito lang pala ito sa loob ng silid nito at nagkukulong. Sino namang hindi magagalit hindi ba?Nang mga oras naman na iyon ay nagulat si Serene at hindi makapagsalita kaagad hanggang sa unti-unting nag-sink in sa utak niya. Mahigpit na hawak ni Pierce ang kanyang mga kamay kung saan ay dali-dali niya itong binawa na tila ba napapaso. Nagdilim ang kanyang mga mata. “Paano ka nakapasok dito?”Napakuyom ang m
BILANG NAPATITIG SI PIERCE sa mga mata nito at kitang-kita niya na puno iyon ng pagkatakot. Sa totoo lang ay buong-buo na ang isip niya sa kanyang gagawin sana rito ngunit bigla na lamang siyang napatigil nang makita niya ang itsura nito. Ang mga basa nitong mga mata na nakatingin sa kaniya ay biglang nagpalambot sa galit na nararamdaman niya. Ilang segundo siyang natigilan at pagkatapos ay biglang napatagis ng kanyang mga bagang at nagmura ng paulit-ulit sa isip niya.Hindi siya makapagsalita sa labis na pagtataka. Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi siya komportable na makita itong ganuon. Dahil rito ay mabilis siyang umalis sa ibabaw nito at galit na pumasok sa ng banyo.Samantala, natigilan naman si Serene nang umalis ito sa ibabaw niya at kasunod nito ay narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Hindi siya lubos makapaniwala na tumigil ito sa kanyang ginagawa. Halatang-halata naman na sobrang nabalot na ng pagnanasa ang buong katawan nito pero…Hindi niya lubos maisip ku
PULANG-PULA ANG KANYANG mukha na nakatalikod rito. “Magbihis ka muna…” sabi niya rito dahil paano nga naman sila mag-uusap nito kung hindi pa ito nakakabihis ng mga oras na iyon.“Ayokong isuot na ang mga hinubad kong damit.” mabilis na sagot niyo sa kaniya.“E anong gagawin ko? Paano tayo makakapag-usap niyan ng maayos?” balik niya rin namang tanong rito nang hindi niya ito nililingon.“Kapag ba itinapis ko itong tuwalya sa beywang ko ay okay na?” inis na sabi nito at pagkatapos ay katulad nga ng sinabi nito ay itinapis nga nito iyon. Binigyan siya ng malamig na sulyap rito. “Bakit ka nandito at paano ka nakapasok?” tanong ni Serene kaagad nang lingunin niya ito. Sa mukha lang nito siya tumingin at hindi nangahas na tumingi sa katawan nito.Umingos ito at nanlamig ang mga mata. “Ilang beses na akong nag-doorbell ngunit walang sumasagot. Akala ko ay nagpakamatay ka na rito sa loob.” prangkang sabi nito sa kaniya.Hindi naman siya nakasagot sa sinabi nito hanggang sa bigla na lamang s
BIGLANG NAG-INIT ANG PALIGID dahil sa sinabi nito at agad na namula ang pisngi ni Serene. Ano bang sinasabi nito? Ipinilig niya ang kanyang ulo at nag-iwas ng tingin. “Hindi kita hahalikan. Humanap ka ng iba kung gusto mo.” sabi niya rito.Agad naman na naningkit ang mga mata ni Pierce nang marinig niya ang sinabi nito. “At sino naman ang gusto mong hanapin ko?” inis na tanong nito sa kaniya.Napakagat-labi na lamang si Serene at hindi nagsalita. Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang kanyang baba. “Tinatanong kita. Sino sana ang gusto mong hanapin ko?” tanong nito sa kaniya.Bigla namang bumalik sa kanyang isip ang eksenang iyon. Napapikit siya ng mariin. Hindi niya alam ngunit bigla rin niyang naramdaman na para bang may tumusok sa kanyang puso ng mga oras na iyon. “Hanapin mo kung sinong gusto mo, wala akong alam.” sagoot niya.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Pierce. “Hindi mo pa ba alam kung sino ang gusto kong makatalik?” tanong nito sa kaniya.Malaki talaga ang pagkak
SA KANYANG GULAT AY NAPAPIKIT SIYA AT PAGKATAPOS ay unti-unting nagmulat ng kanyang mga mata. Aalis na sana siya mula sa kandungan nito ngunit mahigpit na nakapulupot ang kamay nito sa kanyang beywang.Ilang sandali pa ay narinig niya ang paos na tinig ni Pierce. “Masakit pa rin ang kamay ko at kailangan ko ng pain reliever.” sabi nito na halos bulong lamang at bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig upang magsalita ay bigla na lamang siya nitong hinalikan na mas matindi pa kaysa sa naunang halik nito kanina.Halos magdikit na ang kanilang katawan dahil sa higpit ng kamay nitong nakapulupot sa kanyang beywang. Nag-umpisang kagatin nito ang kanyang bibig dahilan para maibuka niya ito at dahil doon ay agad nitong ipinasok sa kanyang bibig ang dila nito at ginalugad iyon. Dahil sa ginawa nito ay kamuntikan na siyang makalimot dahil unti-unti na ring umiinit ang katawan niya at talaga namang masasabi niya na naaapektuhan siya sa halik nito.Nagulat siya nang kusa na lamang gumalaw ang
PAGTAYO NAMAN NI PIERCE AY KAAGAD na pumasok sa banyo si Serene. Sa harap ng salamin ay tiningnan niya ang kanyang namumulang pisngi. Maging ang kanyang mga labi ay mamula-mula dahil sa marahas na paghalik ni Pierce sa kaniya kanina. Bigla tuloy niyang naisip na baka iniisip nito na naapektuhan siya pero totoo naman talaga.Isa pa, hindi niya rin naman iyon maitago lalo na at agad na namumula ang mukha niya kapag hinalikan siya nito. Marahil ay dahil siguro iyon sa pagsasama nila ng isang buwan kaya kapag hinalikan siya nito ay agad siyang naaapektuhan. Ipinilig niya ang kanyang ulo at naghilamos upang iwaksi ang mga nasa utak niya ng mga oras na iyon pagkatapos ay nagpunas ng mukha bago lumabas ng banyo. Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas sa silid at bigla siyang natigilan nang makita niya si Pierce na nakaupo sa sofa. Nakabihis nito at naka-sapatos na rin.“Bakit nandito ka pa?” nakakunot ang noo niyang tanong rito. “Hindi ka ba busy?” dagdag niyang tanong rito.“Nagugutom ako.” biglan
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin