Share

Chapter 112.1

SA SUSUNOD NA ARAW ay aksidenteng nakabanggaan ni Serene si Mike sa may elevator at mukhang kakauwi lang nito galing sa ospital. “Serene…” gulat na sabi nito. “Wala ka ba sa unit mo kagabi?” tanong nito.

Agad naman na namula ang pisngi ni Serene dahil sa tanong nito. “Ah, pasensya ka na Mike, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kagabi kaya natulog ako kaagad pagpasok ko. Kanina ko lang din nakita na tumawag ka pala.” sagot niya rito.

“May problema ba? Gusto mo bang alamin natin kung may sakit ka o ano?” tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha.

Dali-dali namang umiling si Serene. “Hindi ano ka ba. Hindi lang ako nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Medyo maganda na ang pakiramdam ko ngayon.” sabi niya at bahagyang ngumiti rito.

Tumango-tango naman ito at pagkatapos ay muling nagtanong. “May nakita akong gift box sa pintuan mo kagabi ah, sayo ba iyon?” tanong nito sa kaniya.

Bahagya namang nag-alinlangan si Serene sa tanong nito ngunit sa huli ay tumango pa rin siya rito. “Oo.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status