MAKALIPAS ANG ILANG ARAW, ay patuloy na nagtrabaho si Pierce sa kanilang kumpanya at nag-oovertime pa siya hanggang ala-una ng madaling araw. Hindi na rin siya umuuw at doon na lamang natutulog tutal ay may maliit naman siyang espasyo doon para magpahinga. Nagpapadala na lamang siya ng kanyang mga damit kay Liam para sa pang-araw araw. Ayaw niya kasing bumalik sa kanyang suite dahil kapag nakikita niya lamang ito ay naaalala niya lang ang babaeng iyon.Ngunit kahit na hindi siya umuuwi ay palagi pa rin itong sumasagi sa isip niya at hindi niya alam kung bakit. Abala siya sa kanyang ginagawa nang pumasok sa opisina niya si Liam.Ibinaba nito sa harapan niya ang isang folder. “Sir, ito na po yung pinapakuha niyong impormasyon mula sa welfare home.” sabi nito sa kaniya.Itinigil niya naman ang kanyang ginagawa at pagkatapos ay mabilis na tiningnan iyon. Naalala niya pa noon na inutusan na rin niya dati si Liam na magpunta doon upang alamin kung ano ang ginawa ni Serene para mapalapit sa
KINABUKASAN NG HAPON, nang nasa coffee room siya ay bigla na lamang lumapit sa kaniya si Liam, ang assistant ni Pierce at pagkatapos ay may ibinigay na isang maliit na kahon. Nanlalaki nga ang kanyang mga mata na nakatingin rito dahil sa pagkagulat. “Miss Serene, ito ay isang regalo ni sir bilang pasasalamat niya raw sa inyo at kung ayaw niyo raw pong tanggapin ay itapon niyo na lang daw po.” mabilis na sabi nito.Agad siyang natigilan nang marinig niya ang sinabi nito. “Liam, hindi. Hindi ko matatanggap yan. Isauli mo yan sa kaniya—” mabilis na pagtanggi niya ngunit hindi pa man siya natatapos sa kanyang sinasabi ay bigla na lamang itong umalis.Nagpabalik-balik tuloy ang kanyang paningin sa likod nito at sa maliit na kahon na iniwan nito doon. Wala siyang nagawa kundi ang ibulsa na lamang ito.Pagkauwi niya ay kumain lang siya at agad na naligo pagkatapos ay nahiga sa kama. Ilang sandali pa ay muli niyang hinanap ang maliit na kahon at tiningnan iyon. Agad niyang nabasa ang pangalan
HABANG NAGHAHANDA SILA ni Amber ng mga lulutuin nila ay iginala nito ang paningin sa loob ng unit niya at nakangiting nagtanong sa kaniya. “Mukhang kinse-mil ang upa mo rito isang buwan ah?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na napailing si Serene at sinabi niya ang naging usapan nila ng ahente. “Napaka-swerte mo naman.” ngiting sabi nito at nagpatuloy na lamang sila sa pagluluto.Nang matapos silang magluto ay agad silang naghain at sabay-sabay na kumain. Habang kumakain ay nagkwentuhan sila. Isang oras pa ang itinagal ng mga ito doon hanggang sa magpaalam na ang mga ito kaya inihatid niya ang mga ito hanggang sa baba. Sumama rin si Mike sa kaniya at hinintay muna nilang makasakay ang mga ito bago sabay na pumasok sa loob upang sumakay sa elevator.“Serene, nahihirapan ka ba sa trabaho?” tanong nito sa kaniya habang naglalakad sila.Agad naman na umiling si Serene rito. “Hindi naman.”“Kung nahihirapan ka ay magsabi ka lang sa akin.” nakangiting sabi nito sa kaniya at nagsalita sa ma
SA SUMUNOD NA SANDALI AY BIGLA na lamang siya nitong isinandal sa may pinto. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya kung saan ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang magkahalong galit at pagnanasa. “Kaya mo ba ako tinanggihan para lang makasama siya ha?” galit na tanong nito sa pabulong na paraan at pagkatapos ay hinawakan ang kanyang baba.Dahil sa ginawa nito ay ang kahon ng singsing ay bigla na lamang nahulog sa may sahig. Nag-panic na siya dahil rito. “Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako…” saad niya habang nagpupumiglas mula rito ngunit hindi siya makalaya sa higpit ng hawak nito sa kaniya. Mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa kaniya. “Bitawan mo ako, ano ba. Nasasaktan ako…” halos mangiyak-ngiyak nang pakiusap niya rito.Medyo niluwagan naman ni Pierce ang kanyang paghawak sa mga braso nito at wala na ang diin ngunit hindi niya pa rin hinayaan na makalaya ito mula sa kaniya. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” sabi nito at ang mga itim na mga mata ay nanlilisik sa l
HALOS TUMALON AT GUSTONG lumabas ng puso ni Serene patungo sa kanyang lalamunan. Patuloy ang naging pagkatok. “Serene?” ang nag-aalalang boses ni Mike ang narinig niya mula sa labas. “Serene nandiyan ka ba?” muling tanong nito nang walang sumagot.Pilit niyang itinutulak si Pierce ngunit naging wala iyong kabuluhan sa lakas nito. Hindi siya makaporma rito. “You bastard, bitawan mo ako…” galit na bulong niya rito ngunit madilim lang ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.“Bakit? Natatakot ka ba na makita niya tayong magkasam dahil baka kung ano ang isipin niya?”Agad na namutla ang mukha ni Serene sa naging tanong nito. Kahit sino naman siguro ang tatanungin kapag nakita silang magkasama ay iyon ang iisipin. Ilang sandali pa ay nag-vibrate ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa. Alam niya na kaagad kung sino ang tumatawag at si Mike iyon.Kinuha ito ni Pierce at tiningnan ang pangalan na naka-flash sa may screen. “Mike” ang nakita niyang nakalagay doon na ikinapanlamig ng kanyang
SA SUSUNOD NA ARAW ay aksidenteng nakabanggaan ni Serene si Mike sa may elevator at mukhang kakauwi lang nito galing sa ospital. “Serene…” gulat na sabi nito. “Wala ka ba sa unit mo kagabi?” tanong nito.Agad naman na namula ang pisngi ni Serene dahil sa tanong nito. “Ah, pasensya ka na Mike, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kagabi kaya natulog ako kaagad pagpasok ko. Kanina ko lang din nakita na tumawag ka pala.” sagot niya rito.“May problema ba? Gusto mo bang alamin natin kung may sakit ka o ano?” tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha.Dali-dali namang umiling si Serene. “Hindi ano ka ba. Hindi lang ako nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Medyo maganda na ang pakiramdam ko ngayon.” sabi niya at bahagyang ngumiti rito.Tumango-tango naman ito at pagkatapos ay muling nagtanong. “May nakita akong gift box sa pintuan mo kagabi ah, sayo ba iyon?” tanong nito sa kaniya.Bahagya namang nag-alinlangan si Serene sa tanong nito ngunit sa huli ay tumango pa rin siya rito. “Oo.”
SA ISIP NI PIERCE ay wala na siyang pakialam pa sa babaeng iyon kahit na makipag-date pa ito sa iba. Kapag narinig niya lang ang mga ito ay wala siyang ibang maramdaman kundi ang magalit.Samantala, napakamot na lang naman si Liam sa kanyang ulo. Wala naman sana siyang ibang sasabihin na kundi nalaman lang din niya na sa mismong tapat lang din pala ng unit ni Miss Serene nakatira ang Mike na doktor na iyon ngunit nang makita niyang hindi maganda ang mood nito ay tumango na lamang siya. “Sige po sir.”Nang buksan niya ang pinto ay agad siyang natigilan nang makita niya si Beatrice na nakatayo sa may pintuan. “Miss Beatrice, may sasabihin po ba kayo kay sir?” tanong niya kaagad rito.“Wala, napadaan lang ako. Sige na, mukhang may pinapagawa siya sayo.” sabi ni Beatrice kay Liam na ikinatango lang nito at nagmadali nang umalis doon.Ilang minuto pa siyang nakatayo doon at napapaisip sa kanyang narinig. Mabuti na lamang at naiwan nito na nakabukas ang pinto ng kaunti kaya niya narinig ang
NAMUTLA ANG MUKHA NI SERENE sa kanyang mga nabasa. Agad na kinuha ni Alice ang kanyang cellphone at pagkatapos ay pinatay. “Mukhang maging ang number at mga accounts mo ay natunton na nila.” sabi nito sa kaniya.“Miss Alice, hindi ko alam. Hindi ko alam na si Mr. Francisco pala ay mas mataas kaysa kay Miss Shiela.” sabi niya rito at pagkatapos ay ikwinento ang nangyari noon at ang komprontasyon niya kay Shiela.Nang matapos siyang magsalita ay agad siya nitong tinanong. “Nung mangyari ba iyon na malapit ka niyang halayin ay may ebidensiya ka bang nakuha o tumawag ka ba man lang ng pulis?” tanong nito sa kaniya ngunit napailing lamang siya.Bago pa man siya magalaw nito ay dumating na si Pierce at ito na ang gumawa ng paraan para magbayad ito sa ginawa nito sa kaniya. Isa pa, hindi niya naman masabi rito iyon dahil ayaw niya na kung ano ang isipin nito patungkol sa kaniya.Napabuntung-hininga ito. “Mukhang mahihirapan ka nitong linisin ang pangalan mo. naniniwala ako sayo, pero wala ako