Share

Chapter 0105

Nanatili pa si Serene sa bahay ni Pierce ng dalawang araw upang magpagaling. Mabuti na lang at ito na ang naging bahala para sa kanyang pag-absent. Sa dalawang gabi na iyon ay inalagaan pa rin siya at inalalayan ni Pierce kahit na medyo naitatapak naman na niya kahit papano ang kanyang paa. Nang hapon na iyon ay ipinabuhat niya sa tauhan ni Pierce na naiiwan sa bahay ang isang maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama upang gumuhit. Hindi pa kasi niya natatapos ang mga tinanggap niyang project niya.

Inabot siya ng anong oras sa kanyang ginagawa at halos hindi na niya namalayan pa ang pagdaan ng oras hanggang sa nakatulog siya habang nakaupo sa may sahig at nakadukdok sa maliit na mesa.

Nang umuwi si Pierce galing sa kanyang opisina ay agad siyang umakyat sa silid ni Serene. Hindi siya nakauwi kaagad dahil marami siyang ginawa sa kanyang opisina at nang buksan niya ang pinto ay iyon nga ang bumungad sa kaniya. Nang makita niya ito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng tila init sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status