Kinabukasan, nang magising si Serene ay agad siyang napabangon. Nakita niya ang kanyang cellphone sa tabi ng kama kung saan ay dali-dali niya iyong dinampot at tiningnan. Nakita niya na alas sais y medya pa lang pala ng umaga. Akmang gagalaw na sana siya nang maramdaman niya ang sakit ng katawan niya na para bang binugbug ito at doon niya lang naalala kung ano ang mga ginawa niya kagabi. Sa isang iglap ay tila ba sinindihan ang kanyang mukha maging ang buo niyang katawan dahil hindi niya akalain na magagawa niya ang mga bagay na iyon.Sa sobrang pagod niya kagabi ay halos makatulog na siya habang umuulos pa ito sa ibabaw niya kaya wala siyang ideya kung anong oras ito natapos. Nakatulugan niya ito. Dahan-dahan siya umupo at nakita niya na malinis ang kanyang katawan, dahil doon ay bigla siyang natigila at halos hindi makapaniwala. Hindi kaya nilinis siya ni Pierce kagabi nang makatulog siya?Luminga-linga siya sa paligid at hindi niya ito nakita. Nilingon niya rin ang tabi niya at wal
Napakagat labi si Serene at pagkatapos ay nagsalita. “Okay sige. Isang daang beses pero kailangan mong magbayad ng isahan.” sabi niya rito.“Okay, walang problema.” pagsang-ayon naman nito sa kaniya bigla kung saan ay saglit siyang natigilan dahil kung kanina ay halos kutyain siya nito pero ngayon ay pumayag na rin ito sa wakas. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inaabot na papel sa kaniya.“Pirmahan mo ito.” sabi nito sa kaniya. Naguguluhan naman niyang inabot iyon at pagkatapos ay pinasadahan niya iyon ng tingin at syempre ay binasa na rin niya kung ano ang nakapaloob sa papel na iyon at bakit nito iyon pinapipiprmahan sa kaniya.Nang mabasa niya iyon ay isa pala iyong kasunduan kung saan ay kailangan niyang ilihim ang tungkol sa relasyon nilang iyon at hindi siya nito pinapapayagang makipagtalik sa ibang lalaki kahit na siya ay may regla. Iyon ang nakalagay doon. Hindi siya makapaniwalang napatingin rito. Aabot pa pala sila sa punto na may pipirmahan pa silang kasunduan.
Agad na namula ang mukha ni Serene na para bang hinog na kamatis. Gusto na lang niyang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon. “Kagabi, nakatatlong beses lang ako.” sabi nito sa kaniya.“Ah…” sabi niya na hiyang-hiya mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung bakit nito inumpisahang pag-usapan ang mga bagay na iyon. “Yung pera…” sabi niya at ipinaalala iyon dahil baka makalimutan pa nito, isa pa ay para na rin maiba na ang usapan nila.Ngunit pagkatapos lang niyang magsalita ay bigla na lamang niyang nakita ang titig nito at kasunod nito ay bigla na lamang nitong kinakalas ang sintron nito. Nanlalaki ang mga mata niyang napatayo at napaatras nang makita niya ang ginagawa nito. “A-anong binabalak mo?” halos nauutal na tanong niya rito.“Hindi pa sapat ang mga ginawa natin kagabi.” mabilis na sagot ni Pierce at pagkatapos ay nagtaas baba ang kanyang adam’s apple at mas lalo pang gumapang ang init sa katawan niya. “Now make up for it.” sabi niya pa at pagkatapos ay humakbang palapit rito.
Pagdating niya sa baba ay agad siyang nilapitan ng assistant ni Pierce na si Liam. “Ms. Serene, hiniling sa akin ni Sir na ihatid ko raw po kayo.” sabi nito sa kaniya kung saan ay bahagya siyang natigilan. Agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone kung anong oras na at medyo nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangan pang sumakay ng bus. Tutal naman ay nasa harap na niya ito at inutusan ito ni Pierce ay hindi na niya iyon palalampasin pa. Tumingin siya rito.“Pwede bang dalhin mo ako sa Bureau of Civil Affair?” tanong niya rito. Agad naman itong tumango sa kaniya. Inabot sila halos doon ng kulang isang oras at pagkatapos niya doon ay hiniling niya rito na samahan siya sa nursing home kung nasaan ang kanyang ina.Nagmamadali siyang pumasok sa loob dahil baka mamaya ay wala na doon ang kanyang ina ngunit kahit na anong ginawa niyang pagmamadali ay malapit-lapit pa rin siyang mahuli. Agad niyang nakita ang knaiyang ama sa cashier kung saan ay nagre-request na ito ng refun
“Sa tingin mo ba talaga ay papayag ako ha?” tanong nito sa kaniya at agad na nagbago ang ekspresyon at naging mabangis ito. Itinaas nito ang kamay at pagkatapos ay akmang sasampalin na sana siya nang bigla na lamang itong pigilan ng abogado na kinuha niya.Ilang sandali pa ay pilit na ibinaba ng abogado ang kamay nito at pagkatapos ay nagsalita. “Sir kapag sinaktan niyo si Miss Serene ay maaari kayong kasuhan ng domestic violence at pwede kayong makulong. Kayo din.” sabi nito rito.Agad naman na nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa abogado. “Wala kang pakialam kahit na patayin ko pa siya ngayon!” galit na galit na sigaw nito at dahil doon ay napilitan nang humarang ang abogado ng tuluyan sa pagitan nilang dalawa.Napatitig si Serene sa mukha ng kanyang ama na parang nababaliw at pagkatapos ay biglang kumislap ang kanyang mga mata. Alam niya kung anng gusto nito at kung bakit ganun na lamang ang ginagawa nito dahil marahil ayaw nitong makipaghiwalay at lumayo sa kanilang mag-
Sa opisina ni Pierce, pagkatapos nilang mag-usap ng abogado na inutusan niyang samahan si Ms. Serene at dahil doon ay agad niyang ipinaalam ang sitwasyon nito. “Hindi ko inaasahan sie na medyo matalino si Ms. Serene, idagdag pa na sa ganung ugali ng tatay niya ay tiyak na manggugulo at manggugulo talaga iyon kapag naubos na naman niya ang pera na hiningi niya.” sabi ni Liam kay Pierce.Agad naman na pinagdikit ni Pierce ang kanyang mga labi at hindi nagsalita. Kung titingnan ay parang napakatahimik at parang hindi ito marunong lumaban ngunit alam niya na marunong din itong lumaban kapag may gustong mang-api sa kaniya katulad na lamang noong hinarang siya ni Shiela.Bigla niya tuloy naalala ang mga labi nito na may bakas pa ng dugo, ibig sabihin ay dulot pala iyon ng pagsampal ng ama nito sa kaniya at dahil doon ay bigla na lamang tumalim ang kanyang mga mata. “Gusto kong pagdusahan ng lalaking iyon ang pananakit sa kaniya.” sabi niya rito.Mabilis naman na tumango si Liam sa kaniya. “
Nang matapos nang mag-impake si Serene ay agad na rin siyang nagpaalam kay Amber at pagkatapos ay nagtungo na siya sa kung saan nakatira si Pierce. Nang makarating siya doon ay halos alas syete na nang gabi. Sa totoo lang, wala siyang number ni Piece ngunit mayroon naman siyang numero ng assistant nito an si Liam at akmang tatawagan na sana niya ito ngunit nang ilabas niya ang kanyang cellphone ay doon niya nalaman na lowbat na pala siya at patay na iyon.Wala ng ibang paraan pa kundi ang umupo na lamang sa harap ng suit nito at hintayin ang pagdating nito since wala din naman siyang access doon at hindi siya makakapasok.Samantala, sa villa ng ama ni Pierce ay magkaharap silang mag-ama. Ito ay si Andrei Smith na limampung taong gulang na at ito ay isang payat na lalaki ngunit ang mukha nito ay nananatiling malamig lalo na nag mga mata. Kung gaano kalamig ang mga mata ni Pierce ay di hamak na mas malamig pa ang mga mata nito sa kaniya. Sinulyapan niya ito. “Bakit niyo ako ipinatawag
Pagkapasok naman ni Pierce sa loob ng kotse, magsasalita pa lamang sana si Liam nang bigla na lamang nagsalita si Pierce. “Pumunta na muna tayo sa Sanctuary ngayon.” sabi nito sa kaniya. Ibinuka naman niya ang kanyang bibig at gusto sana niyang ipaalala kay Pierce na baka dumating sa tirahan nito si Ms. Serene ngunit ni hindi naman ito tumawag sa kaniya kaya hindi rin siya sigurado kung nandun na nga ito o kung ano.Isa pa alam niya na kapag nag-aya ito na pumunta sa sactuary ay tiyak na hindi maganda ang mood nito. Nasa sanctuary ang puntod ng ina nito at sa puntong iyon ay walaSa oras na ito, ang tanging bagay na kailangan niyang gawin ay ang manahimik.Kung hindi ay baka kung ano ang magawa nito sa kaniya at katakot-takot na sermon ang gagawin nito sa kaniya. Nang makarating sila doon ay halos ilang oras ang inubos ni Pierce sa sanctuary at halos alas dos na nang madaling araw sila nakabalik sa tirahan nito.Pagkaparada ng kotse sa parking lot ay agad na bumaba si Pierce mula doo