Pagdating niya sa baba ay agad siyang nilapitan ng assistant ni Pierce na si Liam. “Ms. Serene, hiniling sa akin ni Sir na ihatid ko raw po kayo.” sabi nito sa kaniya kung saan ay bahagya siyang natigilan. Agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone kung anong oras na at medyo nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangan pang sumakay ng bus. Tutal naman ay nasa harap na niya ito at inutusan ito ni Pierce ay hindi na niya iyon palalampasin pa. Tumingin siya rito.“Pwede bang dalhin mo ako sa Bureau of Civil Affair?” tanong niya rito. Agad naman itong tumango sa kaniya. Inabot sila halos doon ng kulang isang oras at pagkatapos niya doon ay hiniling niya rito na samahan siya sa nursing home kung nasaan ang kanyang ina.Nagmamadali siyang pumasok sa loob dahil baka mamaya ay wala na doon ang kanyang ina ngunit kahit na anong ginawa niyang pagmamadali ay malapit-lapit pa rin siyang mahuli. Agad niyang nakita ang knaiyang ama sa cashier kung saan ay nagre-request na ito ng refun
“Sa tingin mo ba talaga ay papayag ako ha?” tanong nito sa kaniya at agad na nagbago ang ekspresyon at naging mabangis ito. Itinaas nito ang kamay at pagkatapos ay akmang sasampalin na sana siya nang bigla na lamang itong pigilan ng abogado na kinuha niya.Ilang sandali pa ay pilit na ibinaba ng abogado ang kamay nito at pagkatapos ay nagsalita. “Sir kapag sinaktan niyo si Miss Serene ay maaari kayong kasuhan ng domestic violence at pwede kayong makulong. Kayo din.” sabi nito rito.Agad naman na nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa abogado. “Wala kang pakialam kahit na patayin ko pa siya ngayon!” galit na galit na sigaw nito at dahil doon ay napilitan nang humarang ang abogado ng tuluyan sa pagitan nilang dalawa.Napatitig si Serene sa mukha ng kanyang ama na parang nababaliw at pagkatapos ay biglang kumislap ang kanyang mga mata. Alam niya kung anng gusto nito at kung bakit ganun na lamang ang ginagawa nito dahil marahil ayaw nitong makipaghiwalay at lumayo sa kanilang mag-
Sa opisina ni Pierce, pagkatapos nilang mag-usap ng abogado na inutusan niyang samahan si Ms. Serene at dahil doon ay agad niyang ipinaalam ang sitwasyon nito. “Hindi ko inaasahan sie na medyo matalino si Ms. Serene, idagdag pa na sa ganung ugali ng tatay niya ay tiyak na manggugulo at manggugulo talaga iyon kapag naubos na naman niya ang pera na hiningi niya.” sabi ni Liam kay Pierce.Agad naman na pinagdikit ni Pierce ang kanyang mga labi at hindi nagsalita. Kung titingnan ay parang napakatahimik at parang hindi ito marunong lumaban ngunit alam niya na marunong din itong lumaban kapag may gustong mang-api sa kaniya katulad na lamang noong hinarang siya ni Shiela.Bigla niya tuloy naalala ang mga labi nito na may bakas pa ng dugo, ibig sabihin ay dulot pala iyon ng pagsampal ng ama nito sa kaniya at dahil doon ay bigla na lamang tumalim ang kanyang mga mata. “Gusto kong pagdusahan ng lalaking iyon ang pananakit sa kaniya.” sabi niya rito.Mabilis naman na tumango si Liam sa kaniya. “
Nang matapos nang mag-impake si Serene ay agad na rin siyang nagpaalam kay Amber at pagkatapos ay nagtungo na siya sa kung saan nakatira si Pierce. Nang makarating siya doon ay halos alas syete na nang gabi. Sa totoo lang, wala siyang number ni Piece ngunit mayroon naman siyang numero ng assistant nito an si Liam at akmang tatawagan na sana niya ito ngunit nang ilabas niya ang kanyang cellphone ay doon niya nalaman na lowbat na pala siya at patay na iyon.Wala ng ibang paraan pa kundi ang umupo na lamang sa harap ng suit nito at hintayin ang pagdating nito since wala din naman siyang access doon at hindi siya makakapasok.Samantala, sa villa ng ama ni Pierce ay magkaharap silang mag-ama. Ito ay si Andrei Smith na limampung taong gulang na at ito ay isang payat na lalaki ngunit ang mukha nito ay nananatiling malamig lalo na nag mga mata. Kung gaano kalamig ang mga mata ni Pierce ay di hamak na mas malamig pa ang mga mata nito sa kaniya. Sinulyapan niya ito. “Bakit niyo ako ipinatawag
Pagkapasok naman ni Pierce sa loob ng kotse, magsasalita pa lamang sana si Liam nang bigla na lamang nagsalita si Pierce. “Pumunta na muna tayo sa Sanctuary ngayon.” sabi nito sa kaniya. Ibinuka naman niya ang kanyang bibig at gusto sana niyang ipaalala kay Pierce na baka dumating sa tirahan nito si Ms. Serene ngunit ni hindi naman ito tumawag sa kaniya kaya hindi rin siya sigurado kung nandun na nga ito o kung ano.Isa pa alam niya na kapag nag-aya ito na pumunta sa sactuary ay tiyak na hindi maganda ang mood nito. Nasa sanctuary ang puntod ng ina nito at sa puntong iyon ay walaSa oras na ito, ang tanging bagay na kailangan niyang gawin ay ang manahimik.Kung hindi ay baka kung ano ang magawa nito sa kaniya at katakot-takot na sermon ang gagawin nito sa kaniya. Nang makarating sila doon ay halos ilang oras ang inubos ni Pierce sa sanctuary at halos alas dos na nang madaling araw sila nakabalik sa tirahan nito.Pagkaparada ng kotse sa parking lot ay agad na bumaba si Pierce mula doo
“Sir—” sabi nito sa kaniya ngunit napatitig siya sa mga mata nito kung saan ay sobrang namumula ang mga mata nito at ang kanyang mga pilikmata ay basa dahil sa luha ngunit ni isa sa mga luha nito ay hindi tumulo sa pisngi nito at nakakaawa nitong itsura ay pumukas sa kanyang pagnanais na makaganti rito. Isa lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Sa sumunod na segundo ay dali-dali niya itong binuhat palabas doon.Agad niyang binuhat ito at naglakad patungo sa pinto ng kanyang condo at dali-daling binuksan ang pinto. Nang maisara niya ang pinto ay agad na idiniin ni Pierce si Serene sa pintuan at hinalikan niya ito kaagad at hinawakan ang dibdib nito at ang kanyang dila ay ipinasok niya sa bibig nito.Samantala, halos hindi naman makagalaw si Serene mula sa kanyang kinatatayuan at halos hindi siya makahinga. Wala siyang magawa kundi hayaan lang ito sa ginagawa nito. Para siyang isang robot na naging sunud-sunuran sa lahat ng utos at ginagawa nito at halos matagal din ang bago ito
Ilang sandali pa ay natapos na si Pierce kaya dali-dali siyang tumayo. Isa pa ay nakita niya ang nakakaawang mukha nito. Hindi nagtagal ay bigla na lamang niyang naramdaman na hinawakan nito ang kanyang kamay niya kaya malamig niya itong sinulyapan. “Sinabi ko na magpahinga ka na at hindi ko sinabing hawakan mo ang kamay ko.” malamig na sabi niya rito.Agad naman na natigilan si Serene dahil wala pa naman itong sinasabi sa kaniya. Isa pa, hindi niya akalain na ang magaspang magsalita na lalaking ito ay medyo may pagkamabait din kahit na papano. “Pero…” sabi niya.Napabuntung-hininga ito. “Bakit ba kasi napakawalang pakialam mo para sa sarili mo?” madilim ang mga matang tanong nito sa kaniya.Nag-iwas syang tingin at pagkatapos ay sinubukang iwasan na lamang ito. “Isa pa, sa totoo lang umiinit na naman ang pakiramdam ko. Paano ako ngayon makakatulog ng mahimbing nito?” at pagkatapos ay hinaplos nito ang balikat niya.Napalunok na lamang si Serene at bahagyang bumilis ang tibok ng puso
“I-add kita sa messenger dahil mas convenient iyon.” malamig na sabi ni Pierce rito.Agad naman na natigilan sandali si Serene at pagkatapos ay ibinaba niya ang kanyang cellphone. “Ah…” sabi niya at biglang napaisip kung bakit siya nito gustong i-add sa kanyang epbi.Nang makita naman ni Pierce ang reaksyon nito ay bigla na lamang siyang napakunot noo. Hindi ba ay dapat lang naman na i-add siya nito pero ano ang nasa likod ng sinabi nito na “ah..” at para bang napipilitan lang ito. Agad niyang pinulot iyong upang i-add ang sarili niya gamit ang cellphone nito at pagkatapos ay inilapag din iyon sa mesa. Samantala, hindi naman na pinulot ni Serene ang kanyang cellphone hanggang sa matapos siyang kumain at dahil doon ay nagdlim ang mukha ni Pierce at pagkatapos ay halos padabog na tumayo mula sa mesa.Agad naman na natigilan si Serene dahil sa ginawa nito ng ilang segundo at pagkatapos ay mabilis na nakabawi. Halos ilang araw nang pabago-bago ang ugali nito. Ilang sandali pa ay bigla na