Napakagat sa mga labi si Pierce. “Kung ayaw mo ng pera ay sabihin mo kung anong gusto mo. kahit na ano. Pwede ka ring maging isang first-class na designer basta maging masunurin ka lang.” sabi niya rito.Dahil naman sa sinabi nito ay mas lalo pang nagalit si Serene. Sobra siya nitong insultuhin at gusto nitong gawing walang kabuluhan ang kanyang ginawang pag-aaral sa loob ng ilang taon? Mabilis na sumabog ang kanyang pinipigilang emosyon. Dali-dali niya itong itinulak bigla at itinaas ang kamay at sinampal ito. Ang malutong na tunog dahil sa kanyang pagsampal ang umalingawngaw sa loob ng silid.Naging marahas din ang kanyang paghinga dahil sa pinipigilan niyang galit at maging ang kanyang mga mga mata ay namumula na sa galit. “Nakakadiri ka!” sigaw niya rito.Biglang lumamig sa loob ng silid. Tinitigan siya nito ng mapanganib na para bang gusto siya nitong sakalin na lang bigla. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na hindi pa ipinapanganak ang mangangahas na sampalin ako?” malamig at nakak
Isang hapon, habang nasa coffee room at bigla siyang kinalabit ni Alliyah. “Serene, nakita mo ba yung babaeng pumasok kanina sa opisina ni Mr. Smith kaninang tanghali?” tanong nito sa kaniya.Ito ang unang pagkakataon na may babaeng pumunta sa ospina ng kanilang boss simula nang dumating ito sa kumpanya. Dahil doon, lahat ng tao sa opisina ay iyon na lang ang pinag-usapan. Mabilis na umiling si Serene. Hindi niya ito nakita dahil napaka-abala niya sa kanyang trabaho.Napatango-tango naman si Alliyah dahil sa sagot niya. “Alam mo, medyo maganda siya. Isa pa ay mukha siyang anak mayaman at napaka-sexy din niya. Gusto pala ni Mr. Smith ang mga ganung itsura. Panigurado kapag siya nagpakasal, napakarami ang masasaktan.” sabi nito at pagkatapos nun ay sabay na silang lumabas doon pagkatapos.Habang naglalakad, biglang napatingin si Serene sa opisina ni Pierce ng wala sa oras at sa sandaling iyon ay bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina. Nakita niya na lumabas mula doon si Pierce na m
Muli siyang nag-dial sa pangalawang pagkakataon at sa pagkakataong iyon ay si Beatrice naman ang tinawagan niya. Ang pinsan ni Pierce. Nakadalawang ring muna bago nito sinagot ang tawag niya. Hindi na niya hinintay pa na magsalita ito dahil siya na ang naunang nagsalita. “Beatrice, ako ito si Sharmaine at halos kararating-rating ko lang galing saibang bansa at may nakita akong bag na bagay na bagay sayo. Nasaan ka ngayon? Ihahatid ko ito sayo.” sabi niya rito.“Ah, sige. Magkita tayo.” sagot naman nito kaagad at nang ibaba niya ang tawag ay agad na naging matalim ang mga mata niya. Humanda ka Pierce, bulong niya sa isip-isip niya.Sa sumunod na araw, pumunta si Serene sa nursing home upang bisitahin ang kanyang ina sa umaga upang matapos niya ang kanyang mga iginuguhit naman sa hapon. Habang abala siya sa kanyang ginagawa ay halos hindi na niya namamalayan pa ang pagdaan ng oras hanggang sa naputol ang kanyang konsentrasyon nang mag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang tiningnan ku
Sa ward, nang maisara nag pinto ay tuluyan nang itinapon ng kanyang ama ang pagpapanggap nito at pagkatapos ay idinuro siya nito. “Ikaw na walang hiyang babae ka! Bakit sa tingin porque nakapag-aral ka kung sino ka na kung umasta ha? Anong ipinagmamalaki mo? Samantalang kung tutuusin ay nakapag-aral ka lang naman dahil sa pagbenta ng sarili mo sa mga lalaki! Pwe!” sabi nito sa kaniya at ang tono ng boses nito ay diring-diri pa.Sinong mag-aakala na ang mga maruming salita na mga iyon ay sa sarili niyang ama pa manggagaling. Matapos ng ilang taon na pagtitiis sa ugali nito ay hindi na niya napigilan pang sagut-sagutin na ito. “Ginagawa mo ang lahat ng ito para lang sa pera hindi ba? Sabihin niyo, magkano ang kailangan ninyo?” malamig na tanong niya rito.Ang kanyang mga naging salita ay bigla namang nagpabuhay sa dugo nito at pagkatapos ay biglang umamo ang mukha nito. “Ang beywang ko ngayon ay talagang hindi na mapakinabangan at halos hindi na ako makapagtrabaho pa kaya hindi ko alam
Ilang sandali pa ay unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at agad niyang nakita ang nakakasurang mukha ni Reid. “tingnan mo nga naman, hindi ko inaasahang makikita ko ang isang napakagandang dilag na gaya mo rito ngayon.” sabi nito at pagkatapos ay bumaba ito ng kotse.Agad naman na sumimangot si Serene at pagkatapos ay hindi niya ito pinansin. Tinalikuran niya ito at pagkatapos ay humakbang. Sa daki ng taong pwede niyang makita ng mga oras na iyon ay ito pa talaga. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang maramdaman na niyang hinawakan nito ang kanyang pulso. “Saan ka ba pupunta at mukhang nagmamadali ka?” tanong nito sa kaniya.Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula rito ngunit nanatiling mahigpit ang hawak nito doon. Ayaw niya sana itong kausapin ngunit wala siyang choice. Umikot ang kanyang mga mata sa sobrang inis. “Wala kang pakialam.” malamig na sagot niya rito. “At isa pa, pwede bang bitawan mo ako at kung hindi ay sisigaw ako rito.” sabi niya.Ngunit sa halip na bita
Bago pa man maibuka ni Pierce ang bibig ay mabilis na nagsalita si Reid. “Pierce, nagkataon na lang na nandito ako para sana kitain ang isang tao.” sabi niya kahit na hindi pa siya nito tinatanong. “Mauuna na ako.” sabi niya at pagkatapos ay dali-daling nilampasan sina Serene at Pierce at nagtungo sa nursing home. Nasisiguro niya na hindi makakatakas si Serene.Nang makaalis si Reid ay biglang naging tahimik ang paligid. Ibinaba ni Pierce ang kanyang ulo at tiningnan ang babae na nakayuko sa kanyang harapan. Alam niyang ayaw siya nitong makita o ni masalubong man lang kaya ayaw niya rin itong makita. Dali-dali niyang iniiwas ang kanyang tingin rito at naglakad pasulong upang lampasan sana ito nang bigla na lamang siyang mapatigil nang maramdaman niya ang sulok ng damit niya.Nilunok ni Serene ang lahat. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan at pagkatapos ay hirap na hirap na ibinuka ang kanyang bibig. “O-okay lang ba na sumama ako sayo?” halos nauutal at mahinang sabi n
Nang magising si Serene ay isang malamlam na ilaw ang nakita niya sa kanyang uluhan at pakiramdam niya ay para bang nasa pamilyar siyang lugar ng mga oras na iyon. Bigla siyang napahawak sa kanyang ulo at napatanong sa kanyang isip kung nasaan ba siya nang bigla na lamang niyang maalala na naghihintay pala sa nursing home ang kanyang ama kaya nagmamadali siyang bumangon. Dali-dali siyang bumaba ng kama at nagtungo sa pinto ngunit nang buksan niya ito ay isang bulto ng tao ang humarang sa kaniya at halos mapatalon pa siya sa labis na pagkagulat. “Saan mo balak pumunta?” malamig na tanong sa kaniya ni Pierce. Saglit naman na natigilan si Serene nang makita niya ito at pagkatapos ay bigla niyang naisip kung bakit parang pamilyar ang lugar. Iyon ang condo nito sa Solace International.Umatras siya at pagkatapos ay nagtanong. “Bakit ako nandito at paano ako napunta rito? Isa pa ay gaano na ako katagal na nakatulog?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Nahimatay ka at dalawang oras kang naka
Bumilis kaagad ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang sinabi nito at ilang segundo siyang hindi gumalaw mula sa kanyang kinauupuan at hanggang sa huminga siya ng malalim upang ipunin ang lakas ng loob niya ngunit bigla na lamang siya nitong pinigilan at pagkatapos ay pinababa siya nito mula sa kandungan nito at inakay siya.Ilang sandali pa ay nilingon siya nito at medyo iritable ang tono. “Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin marunong?” tanong nito sa kaniya at dahil doon ay bigla siyang natigilan. Napalunok siya lalo na at nakita niya kung paano siya nito tingnan, umahon ang takot sa kanyang dibdib at namula ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumulo na mula doon ang kanyang luha. Umupo ito sa may kama samantalang siya ay nakatayo sa harapan nito.Ilang saglit pa ay hinawakan ni Pierce ang balakang niya gamit ang kanyang mga kamay na may kasamang kaunting pwersa at pagkatapos ay idiniin siya nito sa katawan nito. “Bakit ka umiiyak? Hindi ba ito ang gusto mo?” tan