Share

Chapter 0053

Nang magising si Serene ay sumisikat na ang araw sa may labas ng bintana. Inilibot niya ang kanyang tingin sa hindi pamilyar na lugar at ilang segundo pa ang dumaan bago niya naalala na nasa mansyon nga pala siya ng mga Smith. Ilang sandali pa ay nilingon niya ang kanyang tabi at medyo may naiwang bakas pa doon na nagpapahiwatig na may nahiga doon. Ibig lang sabihin ay sa iisang kama lang sila natulog na dalawa. Dahil rito ay agad na nag-init ang pisngi ni Serene lalo na nang maisip niya na hindi lang pala siya mag-isa ang natulog sa kama. Dali-dali siyang bumaba ng kama at nagtungo sa banyo upang maghanap ng pwede niyang maisuot. Mabuti na lamang at may damit na sa mga cabinet ng mga oras na iyon kaya dali-dali siyang nagbihis at naghilamos na rin. Nagsuklay din siya dahil bahagyang gulo-gulo ang kanyang buhok bago niya napagpasyahang lumabas na ng silid.

Paglabas niya sa silid ay bababa na sana siya ngunit narinig niya ang galit na tinig ng matanda mula sa sala sa second floor kung s
MikasaAckerman

hello po pahingi naman po ng favor, sana po ay nag-iwan kayo ng review sa librong ito salamat po ng marami!<3

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status