Share

Chapter 0040

Samantala, sa mismong kanto ay hindi naman sinasadyang makita ni Shiela ang eksena kanina na nabangga ni Serene si Pierce at dahil doon ay biglang nagdilim ang kanyang mukha. “Serene, hindi ka talaga marunong sumunod sa pinag-usapan. Napakalakas ng loob mo na akitin si Mr.Smith. Humanda ka.” bulong niya sa kanyang isip habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.

Nagdire-diretso naman si Serene patungo sa opisina ni Shiela upang ilagay doon ang dala niyang soy milk at steamed buns. Tatalikod na sana siya at akmang paalis nang eksakto namang pumasok ito sa loob ng opisina. “Good morning Miss Shiela.” bati niya rito.

Bahagya lang naman itong tumango sa kaniya at naglakad patungo sa mesa nito at pagkatapos ay may ilang dokumentong pinulot mula sa mesa nito at inabot sa kaniya. “Serene, alam kong marami kang gagawin ngayong araw pero pwede mo bang ibigay ang mga papeles nito sa isa nating kliyente mamayamang hapon pag-uwi mo?” tanong nito sa kaniya sa kaswal na tinig.

Saglit naman na natigilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status