Agad naman na natigilan si Serene. Akala niya ay siya lang ang nakapansin nun pero maging pala ito ay napansin ang pagkakahawig ng mga mata nila. Gayunpaman, ang mga mata ng babae ay puno ng ningning at kumpyansa habang ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamahiyain dahil na rin sa kawalan niya ng seguridad. “Ngunit maliban doon, ay magkaiba na kayo.” sabi nito at pagkatapos ay sinulyapan ang inosente niyang mukha.“Isa kang hangal sa ginagawa mo at walang kang binatbat sa kaniya at ni hindi makakapantay kahit na kalingkingan niya.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Hindi siya nakasagot upang ipaliwanag ang sarili niya dahil mali ang iniisip nito. Dahil rito ay nagpatuloy pa ito. “Kung gusto mo si Mr.Smith ay mas maganda pa na kalimutan mo na yang nararamdaman mo, huwag mo siyang pagpantasyahan pa dahil hinding-hindi ka niya magugustuhan.” patuloy nitong sabi sa kaniya.“Isa pa, hindi yan ang ipinunta mo rito hindi ba? Lumugar ka Serene.” sabi nito sa kaniya.Sa halip naman na sagutin n
Samantala, sa mismong kanto ay hindi naman sinasadyang makita ni Shiela ang eksena kanina na nabangga ni Serene si Pierce at dahil doon ay biglang nagdilim ang kanyang mukha. “Serene, hindi ka talaga marunong sumunod sa pinag-usapan. Napakalakas ng loob mo na akitin si Mr.Smith. Humanda ka.” bulong niya sa kanyang isip habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.Nagdire-diretso naman si Serene patungo sa opisina ni Shiela upang ilagay doon ang dala niyang soy milk at steamed buns. Tatalikod na sana siya at akmang paalis nang eksakto namang pumasok ito sa loob ng opisina. “Good morning Miss Shiela.” bati niya rito.Bahagya lang naman itong tumango sa kaniya at naglakad patungo sa mesa nito at pagkatapos ay may ilang dokumentong pinulot mula sa mesa nito at inabot sa kaniya. “Serene, alam kong marami kang gagawin ngayong araw pero pwede mo bang ibigay ang mga papeles nito sa isa nating kliyente mamayamang hapon pag-uwi mo?” tanong nito sa kaniya sa kaswal na tinig.Saglit naman na natigilan
Ilang sandali pa ay muli na naman niyang narinig ang tinig ng katabi ni Mr.Francisco. “Bata, mukhang napaka-ignorante mo yata? Hindi mo ba talaga kayang pagbigyan ang gusto niya? Alam mo ba kung anong mangyayari kapag hindi niya pinirmahan ang pinapipirmahan mo? Kaya mo bang bayaran iyon ha?” muli nitong tanong sa kaniya.Biglang namang napakagat-labi si Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Iyon ay milyon-milyon at kung sakali ngang mawala iyon dahil lang sa pagtanggi niyang uminom ay tiyak na hindi niya iyon mababayaran, idagdag pa na ma posibilidad na mawalan siya ng trabaho kapag nagkataon.“Pasensya na po Mr.Francisco dahil sa inasal ko.” sabi niya at pagkatapos ay dali-dali na nga niyang pinulot ang baso ng alak sa kanyang harap at inisang lagok iyon at napapikit lalo na nang gumihit ang init sa kanyang lalamunan.Ilang sandali pa ay narinig niya ang masayang tinig ni Mr.Francisco pagkatapos niyang ilapag ang baso sa mesa at agad niyang pinunasan ang kanyang bibig. “Yan, gan
Agad naman na natigilan si Sharmaine nang marinig niya ang sinabi nito. “Pierce, anong ibig mong sabihin? Hindi ba at kakain pa tayo? Pagkatapos ay iinom?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.Wala namang ekspresyon ang mukha ni Pierce na nakatingin sa kaniya. “Pasensya na pero may gagawin pa pala ako at wala akong oras para uminom.” malamig na sagot nito sa kaniya.Hindi naman lubos maisip ni Sharmaine kung bakit bigla-bigla na lamang nagbago ang isip nito. Napasimangot siya. “Pierce naman, pagkatapos nating uminom ay handa akong paligayahin ka, alam mo ba iyon?” pinalambot niya ang kanyang tinig sa pag-aakalang magbabago ang isip nito.Bigla namang nandilim ang mga mata ni Pierce at puno ng pagkasuklam ang kanyang gwapong mukha nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang inilabas iyon at tiningnan at nakita niya galing iyon kay Beatrice. Wala sana siyang balak pansinin iyon kung hindi lang dahil sa mensahe nito.Agad na napataas ang kanyang noo at nagsalub
Samantala, sa isang madilim na silid ay naramdaman ni Serene ang pagbuhos ng maligamgam na tubig sa kanyang muka kaya nagising siya at dali-dali niyang idinilat ang kanyang mga mata. Pagkamulat niya ay bigla niyang naramdaman na para bang may kakaiba sa katawan niya at pakiramdam niya ay tila sinisiliaban ang buong katawan niya.“Gising ka na pala.” narinig niya ang tinig na iyon kaya dali niya itong nilingon. Nakita niya si Mr.Francisco na tumayo at nakangiti.Dahil rito ay agad na nanigas si Serene at pagkatapos ay nagtanong. “Nasaan ako?” tanong niya.“Sa hotel.” mabilis naman na sagot nito sa kanya. “Nalasing ka kanina kaya dinala kita rito para makapagpahinga ka.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Hindi naman naniwala si Serene rito, idagdag pa na kaunti lang ang nainom niya at kung tutuusin ay wala pang kalahating baso iyon. Noong huli ngang uminom siya ay nakaapat pa siyang baso ngunit may naaalala pa siya pero ngayon ay wala siya halos maalala kahit na nang dalhin siya sa hotel
Nang itaas niya ang kanyang kamay upang abutin sana ang seradura ng pinto ay doon naman siya eksaktong kinalakadkad pabalik sa kama ng matandang lalaki at kung ano-anong malalaswang salita ang sinabi nito sa kaniya kung saan ay may nakakatakot pa itong ngiti sa kanyang mga labi.“Bata ka pa nga talaga at mukhang kailangan mo pang matuto. Huwag kang mag-alala, nandito naman ako para turuan ka kung paano at huwag ka ng umangal pa…” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay halos masuka si Serene dahil sa pandidiri rito. Idagdag pa na ang kanyang katawan ay walang lakas halos na gumalaw at walang ibang tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon kundi mas mabuti na lang na mamatay siya kaysa madungisan nito ang pagkatao niya.Handa na sana siya nitong muli hawakan nang isang malakas na tunog ang nagmula sa pinto ng hotel at ang kasunod nito ang pagbukas ng pinto. Dali-dali namang tumayo si Mr.Francisco at tinakpan ang katawan nito. Hindi nagtagal ay may ilang mga kalalakihan ang pu
Nang mga oras na iyon ay nanatili pa ring nakayakap si Serene sa matigas na dibdib ni Pierce at ang apoy sa kanyang katawan ay mas lalo pang tumindi. Wala siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kundi ang hubarin ang suot niyang damit dahil naiinitan siya ng sobra at hindi siya komportable. Idagdag pa ay ang amoy nito na para bang mas lalo pang nagpapasiklab sa init na nararamdaman niya dahilan para mas lalo pa niyang ilapit ang sarili niya rito. Gusto niya ang pakiramdam na halos magkadikit na ang mga balat nila halos at hindi niya alam kung dahil ba iyon sa epekto ng alak na ipinainom sa kaniya kanina o dahil sa kung anuman pa.Hindi niya rin alam kung ano ba ang sumapi sa utak niya at nang ibuka niya ang kanyang bibig ay napakalambing ng kanyang tinig at mukhang nang-aakit. “Asawa… hindi ako komportable ngayon…” sabi niya at halos mapaiyak. Para ba siyang sinapian at hindi niya kayang pigilin ang emosyon niya. Ang kanyang tinig ng mga oras na iyon ay tila namamaos at higit s
Nang muling magkalapit ang mga labi nila ay mas tumindi pa lalo ang init na lumukob sa kanilang dalawa, ngunit si Pierce nang mga oras na iyon ay nagkaroon ang isang reyalisasyon. Ang pakiramdam niya ngayon at nang gabing iyon ay magkapareho. Ganitong-ganito din ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Dahil rito ay pinilit niyang lumayo rito at pagkatapos ay hinawakan niya ang mga braso nito at nagtanong sa paos na tinig. “Sabihin mo sa akin, kanino mo unang ibinigay ang sarili mo?” tanong niya rito.Samantala, agad naman na napailing si Serene nang marinig niya ang tanong nito. Nag-iwas din siya ng tingin ngunit hinawakan nito ang kanyang baba at pilit na tinitingnan siya nito sa kanyang mga mata. “Sabihin mo sa akin. Gusto kong malaman kung kanino mo inalay ang sarili mo sa unang pagkakataon?” tanong nito muli sa kaniya.Agad siyang natigilan at sobrang lakas ng kabog ng kanyang didbib. “Isang-isang taong katulad ng buwan…” mahinang sagot niya rito. Para kasi sa kaniya, si Pierce a