Pagkatapos lang nun ay dali-dali niyang inilabas ang kanyang cellphone at walang ekspresyon na nag-dial. Nang marinig nya ang pagsagot mula sa kabilang linya ay mabilis siyang nagsalita. “Hello, may gusto lang po akong ipadampot rito.” sabi niya.Nang marinig naman ni Beatrice ang sinabi nito ay mas lalo pa siyang nagngitngit sa labis na galit. At ito pa talaga ang may ganang magpadampot sa kanila? Dali-dali niyang binalingan ang tauhan niya. “Anong itinatayo-tayo ninyo?! Bugbugin niyo ang walang hiyang babaeng yan hanggang sa hindi na siya makalakad pa!” galit na galit na sabi niya sa mga ito.Bahagya namang natigilan ang dalawa at nang akmang lalapit na ang dalawa sa kaniya ay bigla na lamang nadulas ang mga ito ng sabay at napadaing pareho nang bumagsak sa sahig.Biglang nanginig sa labis na galit si Beatrice at pagkatapos ay iniikot niya ang kanyang mga mata sa loob at nakita niya ang isang base na nasa gilid na lamesa kaya dali-dali niya itong inabot. “May lakas ka pa talagang tu
Hindi inaasahan ni Beatrice na ganun ang sasabihin ni Pierce pagkatapos niyang magsumbong rito. Mabilis niya itong binalingan at tiningnan ito ng hindi makapaniwalang tingin. “Ano ka ba naman Pierce, siya ang nauna at isa pa ay inakit niya si Reid kaya nagalit din ako sa kaniya at nasaktan ko nga siya.” sabi niya rito.Tumaas ang kilay nito at nilingon din siya. “Sinasabi mo na nilandi niya ang boyfriend mo, bakit may ebidensiya ka ba na ginawa niya ang ibinibintang mo sa kaniya?” tanong nito.Sa totoo lang, hindi siya naniniwala kay Serene ngunit alam niya na ang lalaking iyon ay hindi rin ganun kabuting tao, ngunit alam niya kung gaano ito kamahal ni Beatrice dahil palagi na lamang itong naikwekwento sa kaniya ni Liam.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Beatrice at mabilis na sumagot sa kaniya. “Pero iyon ang sinabi sa akin ng kanang kamay niya at natitiyak ko na nagsasabi ito ng totoo.” sagot nito.Biglang nagtagis ang mga bagang ni Pierce dahil sa narinig niya at pagkatapos ay mala
Malamig naman na sumulyap si Pierce rito at sa isang sulyap na niya iyon ay agad na napuno ng takot ang mukha nito at agad na itinikom ang bibig. Mabilis na ibinalik ni Pierce ang tingin kay Serene at naghihitay ng sagot mula rito.Napakagat-labi naman si Serene at mahinang sumagot rito. “Hindi na. Hayaan mo na lang sila.” sabi niya. Ang pagganti ay wala namang maitutulong sa kaniya, kaya mas tama na lang na hayaan na lamang niya ito. Sana lang ay huwag na nitong ulitin pa ang ginawa nito.Pero syempre, hindi niya iyon dapat palampasin. Tumingin siya kay Beatrice. “Pero gusto ko na magbayad ka ng danyos dahil sa pananakit mo sa akin.” taas noo niyang sabi rito.Sa halip na gantihan niya ito ay magdadagdag lamang siya ng problema niya kaya mas mabuti na lamang na hingian niya ito ng pera.Nakahinga naman ng maluwag si Beatrice anng marinig niya ang sinabi nito dahil ang akala niya ay bubugbugin din siya nito katulad ng ginawa niya at nang mga tauhan niya rito. Biglang napuno ng panunuy
Pagdating nila sa ospital ay dali-daling tinanggal ng doktor ang suot na damit ni Serene. Sa likod nito ay may mga malalaking pasa. Nang makita ito ni Pierce ay mahigpit niyang naitikom ang kanyang manipis na labi at ang kanyang mukha ay nalukot.Ang doktor ay nasa isang edad kwareta na. Ilang sandali pa ay tumingin ang doktor kay Serene. “Paano mo nakuha ang mga ito?” tanong nito sa kaniya.Dahan-dahan namang muling isinuot ni Serene ang kanyang damit at sumagot. “May nang away po sa akin.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay nilingon naman ng doktor ang gwapong lalaki na may madilim na mukha sa likuran nila at pagkatapos ay tumitig kay Serene at mahinahong nagtanong. “Hija, hindi ba ang lalaking nasa likod mo ang bumugbog sayo?” tanong nito sa kaniya, hindi naman siya nakasagot kaagad. Ilang sandali pa ay muli na naman itong nagsalita. “Huwag kang matakot, kung siya talaga ang bumugbog sayo ay may kalalagyan siya.” sabi pa nito. Marahil ay inisip ng doktor na wala siyang lakas ng l
Nakatayo ang dalawa at tanging ang likod lamang ni Serene ang nakikita ni Ford, hindi nito kita ang kanyang mukha.“Gusto mo ba siya?” tanong ni Ford sa kaniya bigla.Agad naman na nagdilim ang mga mata ni Pierce nang marinig niya ang tanong nito. “Hindi.” malamig na sagot nito sa kaniya.May hawak siya sa kanyang kamay na isang paper bag kung saan ay nakalagay ang gamot na ipinakuha ng doktor sa kaniya. Biglang nalukot ang kanyang mukha ng hindi niya namamalayan habang nakatingin sa mga ito. Sa tagal niyang nanguha ng gamot ay hindi niya akalain na ang babae ay nakikipag-usap na pala ito sa iba pagbalik niya.Ang awa na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay biglang napalitan ng labis na galit. Nasulyapan naman ni Ford ang mukha ni Pierce at mas ginatungan pa ang inis na nakapaskil sa mukha nito. “Iyan si Mike Antonio, ang Deputy Director ng Department of Cardiac Surgery. Halos kababalik niya lang din mula sa ibang bansa at siya ang pangalawang pinakagwapong doktor sa opsital, su
Sa sobrang hiya ni Serene ay halos hindi siya mapakali. Bakit ba kasi iyon na ang unang pumasok sa isip niya? Ang malaking kamay ng lalaki ay humahaplos sa kanyang likod at habang dumadampi ito sa malambot niyang balat ay mas naginginig pa lalo ang kanyang katawan. “Masakit…” daing niya.Nang mga oras naman na iyon ay tila ba naging walang bigat ang katawan ng dalaga habang nakapakandong sa kaniya kung saan ay tila kasing gaan lamang ito ng papel. Dahil rito ay muli na namang nandilim ang kanyang mga mata. Pilit niyang itinanim sa kanyang isip na bata pa ito.Ilang sandali pa ay kumunot ang kanyang noo at hinawakan ang payat nitong braso at pi naupo nya ito ng tuwid. Ang kamay naman ni Pierce na humawak sa kanyang braso ay mas madiin na ang pagkakahawak doon kaya hindi maiwasan ni Serene na hindi makaramdam ng sakit kaya napakagat-labi na lamang siya at tiniisi iyon at hindi niya sinubukang ibuka ang kanyang bibig upang sabihin rito na nasasaktan siya sa labis na takot.Ibinaba nit
Napaisip siya bigla dahil sa sinabi nito. Bakit naman sana niya hindi sasabihin ang mga iyon e pauulit-ulit siya nitong inalipusta at pinahiya. Nag-isang linya ang mga kilay nito at bakas sa gwapong mukha nito ang galit dahil sa sinabi nito. “Sa tingin mo ba ay dapat na magpasalamat pa ako sa isang tulad mo na pinakasalan kita kahit na peke lamang iyon at dahil lang kay lola? Napakayabang mo. dapat ikaw nga ang magpasalamat sa akin dahil ang katayuan mo ay napakalayo kumpara sa akin.” nagtataas baba ang dibdib nitong sabi sa kaniya.Habang nakatingin naman si Serene sa mukha nito ay bigla niyang naisip na tama naman ito. Napakagat siya sa kanyang labi. “Tama ka, alam ko na kahit na anong kayod pa ang gawin ko ay hinding-hindi ako makakapantay kahit na kailan sa katayuan mo at tama ka rin na dapat akong magpasalamat sayo dahil hindi lahat ng tao ay pwedeng makalapit sa isang kagaya mo pero sa totoo lang, wala sa akin kung ano ang meron sayo at sa pamilya mo. kaya kong magsumikap para m
Napakunot naman ng noo si Mike nang marinig niya ang sinabi ni Serene dahil napakapormal naman ng tawag nito sa kaniya. Napabuntung-hininga siya. “Serene, bakit hindi mo na ako tinatawag na Kuya?” tanong niya rito kung saan ay halong hinanakit din ang kanyang tinig.Dahil rito ay medyo napahiya naman si Serene nang marinig niya ang sinabi nito ngunit agad din naman siyang sumagot rito. “Hindi na ako bata.” sagot niya rito.Noon ay paulit-ulit niya itong tinatawag na kuya at ni hindi niya nakita noon ang mali doon dahil mga bata pa sila. Kung tutuusin ay ilang taon lang naman ang tanda nito sa kaniya at napaka-awkward naman na para sa kaniya kung tatawagin niya pa rin itong kuya hanggang sa mga oras na iyon.Tinititigan naman ni Mike ang batang babae noon ngayon ay dalagang-dalaga na at napakaganda rin, nang makita niya itong muli sa unang pagkakataon ay talaga namang nagulat siya dahil pakiramdam niya ay napakabilis ng panahon. “Tumanda na talaga si Serene, ngunit ang tawagin akong Dr