Share

Chapter 0020

Sa katunayan, kagabi ay nagkamali ng akala ang kanyang driver. Sa halip na dalhin nito sa ibang silid ang babae ay dinala nito ito sa sarili niyang silid. Dahil nga meron siyang mysophobia at hindi niya gusto ang amoy ng iba sa kama ay siya na lang ang nag-adjust at natulog sa guest room. Naligo siya dahil sa nakasanayan na niya iyon.

“Bakit, hindi mo ba kayang pakiramdaman ang sarili mo?” tanong niya rito at pagkatapos ay lumapit pa siya rito.

Hinagod naman niya ng tingin ang kanyang sarili at pagkatapos ay nang makita niya na medyo maluwag ang pagkakatali ng suot niyang roba ay dali-dali niya itong hinigpitan at pagkatapos ay ibinalot niya ang sarili niya sa may kumot na tila ba siya isang lumpia.

Nang makita ito ni Pierce ay bigla na lamang tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. Mukhang nang matapos itong liguin ng kanyang mga kasambahay ay inihiga ng mga ito sa kama ng wala itong anumang saplot sa ilalim ng suot nitong roba dahil mukhang napagkamalan ng mga ito na babae niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status