Share

Chapter 0015

“Sandali!” sabi nito. Ilang sandali muna siyang nanatili mula sa kanyang kinatatayuan at napaisip kung dapat ba na tumalikod siya at muling humarap sa mga ito hanggang sa naisip niya na bawal nga pala siyang mambastos ng mga customer lalo na at iyon pa lang ang first time niyang pumasok doon. Baka mamaya ay masisante siya kaagad. Muli siyang humarap sa mga ito. Pinaningkitan ng lalaki ang suot niyang nameplate. “Serene Hidalgo?” banggit nito sa pangalan niya. Dahil doon ay napatango siya rito kahit na bahagya siyang natigilan.

“Magsalin ka ng alak para sa amin.” sabi nito sa kaniya. Nanatili naman siya doong nakatayo at hindi kumikibo. Hindi niya alam kung susunod ba siya o ano sa utos nito. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” tanong nito sa kaniya.

Sa mga oras na iyon ang lahat ng naroon ay nakatingin sa kaniya at bigla siyang napalunok. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad pasulong upang sundin ang utos nito. Dali-dali siyang dumampot ng isang bote
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status