Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas si Serene sa mansyon ng mga Smith.
Nang mga oras na iyon ay ibinaba ng isang kasambahay sa pear wood coffee table ang umuusok pang tinapay. Dahil nga gustong-gusto ng matandanag babae si Serene ay talaga namang nagpapaluto siya ng masarap na meryenda kapag alam niyang darating ito doon. Nang pumasok si Serene sa loob ay agad niya itong nakita maging ang nakahandang meryenda para sa kaniya.
Nang makita siya ng matanda ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hija, narito ka na pala. Halika maupo ka, nag-utos ako sa chef na ipagluto ka ng cinnamon roll dahil ito ang paborito mo hindi ba?” nakangiting sabi nito sa kaniya.
Ilang sandali pa ay napahigpit si Serene sa kanyang mga palad habang papalapit rito at kinakabahan. Isa pa, iniisip niya na hindi lang siya basta nagpaunlak sa imbitasyon nitong pumunta doon kundi dahil sa gusto niyang humingi rito ng tulong kahit na alam niya na magiging nakakahiya siya sa mga mata ng iba.
Nang mapansin ng matanda ang malungkot at maputla niyang mukha ay agad na nagtanong ito sa kaniya na may kasamang pag-aalala. “Hija bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Mabilis naman na napailing si Serene rito. “Ah wala po lola.” sagot niya at pagkatapos ay umupo na sa tabi nito.
“O e bakit nga ganyan ang mukha mo? Si Pierce ba? Inaway ka ba niya?” tanong nitong muli sa kaniya. Nang hindi siya sumagot ay muli na naman itong nagsalita. “Huwag kang mag-alala at huwag kang matakot na magsumbong sa akin dahil handa akong turuan siya ng leksiyon!” may bahagyang inis sa tono ng boses nito.
Nang marinig ito ni Serene ay agad na namula ang kanyang mukha at mabilis na umiling rito. “Hindi po lola. Hindi po siya ang dahilan.” sabi niya rito. Napakabait talaga ng matandang babae sa kaniya. Sa katunayan nga, pagkatapos lang ng kasal nila noon ng apo nito ay binigyan siya nito ng isang card kung saan ay alam niyang may lamang pera ngunit dahil nga pinalaki siya ng kanyang ina na huwag tumanggap ng libre mula sa ibang tao ay hindi niya iyon ginalaw o ni pinakialaman man lang.
Lalo na nang malaman niyang napilitan lang si Pierce na pakasalan siya ay hinding-hindi niya iyon pinangahasan na galawin. Dahil rito ay ipinatago niya ang card na iyon sa matandang babae at hindi siya nito napilit na kuhanin iyon. Napalunok siya at napatitig sa mga mata nito. Naisip niya ang kanyang ina na nag-aagaw buhay sa ospital ng mga oras na iyon kaya humugot siya ng malalim na hininga upang ipunin ang lakas ng loob para magsalita. “Lola, ang totoo po niyan ay narito talaga ako para…” hindi pa man niya nasasabi ang dahilan kung bakit siya naroon ay bigla niyang narinig ang tinig ng mayordomo ng mansyon.
“Master, nandito na po pala kayo.” sabi nito. Nang marinig niya iyon ay biglang nanlamig ang buong pagkatao niya. Hindi man niya nakita kung sino ang tinutukoy nito ay alam niya na kaagad kung sino iyon.
Hindi nagtagal ay biglang pumasok si Pierce sa loob ng mansyon. Nakasuot ito ng well-tailored slim-fitting suit. Malalaki ang hakbang nitong pumasok sa loob hanggang sa harapan nila ng matanda na may napakalakas na awra at may mabangis na mga mata habang nakatingin sa kaniya. Nang ilipat nito ang tingin sa matandang babae ay agad na lumambot ang ekspresyon nito. “Lola…” sabi nito at pagkatapos yumakap sa rito.
“Eksakto nandito ka rin pala, apo.” nakangiting sabi nito at niyakap din nitong pabalik si Pierce.
Dahil rito ay bigla na lamang nagtawag ng kasambahay ang matanda at pagkatapos ay sinabi na maagang ihanda ang hapunan. Nang umalis ang kasambahay sa harapan nito ay agad nitong binalingan ang apo. “Maaga ka yatang nagpunta rito ngayon? Dahil ba alam mong narito si Serene?” tanong nito sa apo sa pabirong tono.
Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang bumaba ang mga mata nito sa kaniya kung saan ay halos tumayo ang lahat ng balahibo niya dahil sa lamig ng titig nito. “Hindi ba at sinabi mo na may klase ka pa at hindi ka makakapunta para sa hapunan? Gusto mo ba na ihatid kita pabalik ng paaralan?” malumanay ang tinig nito ngunit bakas sa tono ng boses nito ang lamig.
Dahil sa titig nito sa kaniya ay halos manginig na rin ang tuhod niya at mawalan ng lakas. Mabuti na lamang at nakaupo siya sa sofa ng mga oras na iyon kaya kahit na papano ay hindi siya natumba sa sobrang takot niya. Ang mga mata nito ay nakakatakot na tila ba isa itong napakapanganib na hayop at tila siya nito lalapain ng wala sa oras.
Hindi na siya nitong hinintay pang sumagot at pagkatapos ay dali-dali itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kanyang kamay hanggang sa mapatyo ito at ibinalot ang kamay sa beywang nito. Ang mga kamay nito ay humigpit habang nakapulupot sa beywang nito na para bang may galit ito sa kaniya. Dahil sa pagkakadaiti ng katawan nila ay hindi niya naiwasang makaramdam ng spark mula sa pagkakadikit ng kanilang mga balat. Ilang sandali pa ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. “Manahimik ka at sumunod ka na lang sa lahat ng sasabihin ko kung ayaw mo pang mamatay.” banta nito sa kaniya at pagkatapos ay bigla na lamang siya nitong hinila palabas ng mansyon at ni hindi na nagawang nakapagpaalam pa sa matanda.
Nang makita nang matanda na paalis na ang dalawa ay gusto niya sanang pigilan ang mga ito ngunit nang makita niya kung gaano kalapit ang mga ito ng mga oras na iyon ay nagbago bigla ang isip niya. Isa pa ay kung magkakasama ang mga ito kaysa sa pagsasabay nilang kumain ay mas maganda na nga na magkasama na lang sila dahil baka mas maging mainam iyon para sa relasyon nilang dalawa.
Nakakailang hakbang pa lamang sila Serene nang marinig niya ang tinig ng matanda. “Okay, okay sige. Mas importante nga naman ang pag-aaral pero Pierce ha, kailangan mong siguruhin na maihahatid mo ng ligtas si Serene sa paaralan.” sabi nito sa apo nito.
Tumigil naman ito at niyakag siyang humarap sa matanda. “Huwag kang mag-alala, lola.” sagot nito sa lola nito.
Nang mga oras naman na iyon ay halos mapaiyak na sa sakit si Serene ngunit hindi siya nangahas na magpakita ng anumang sakit sa mukha niya upang hindi mag-alala ang matanda sa kaniya. “Alis na po ako muna, lola.” sabi niya rito at pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay hinila na siya nitong muli paalis doon.
…
Halos kaladkarin siya nito patungo sa may sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Pagkabukas nito ng pinto ng kotse ay mabilis siya nitong pinapasok nang walang pag-iingat at dali-dali rin naman itong sumakay sa loob pagkatapos ay malakas na isinira ang pinto ng kotse kung saan ay halos napapikit siya dahil sa lakas ng tunog.Ang kabaitan sa mukha nito ng mga oras na iyon ay tila ba naglahong parang isang bula nang makapasok ito ng tuluyan sa loob. Napalitan ng napakalamig na ekspresyon ang mukha nito ng mga oras na iyon. “Paandarin mo.” utos niya sa nasa harapan ng sasakyan kung saan ang magnetic voice nito ay napaka-kaaya aya ngunit ang tono nito ay nakakatakot. Nang marinig niya ito ay agad na umahon ang kaba sa kanyang dibdib.Halos nangingig ang kamay niyang nilingon ito. “Sa-saan mo ako dadalhin?” nauutal na tanong niya rito.Malamig ang gwapong mukha ni Pierce ng mga oras na iyon at hindi nagsalita. Ang babaeng nasa tabi niya ay isang manloloko kung saan maging ang kanyan
Niyakap niya ng sobrang higpit ang mga hita nito at kahit na anong tulak nito sa kaniya ay hindi siya bumitaw sa pagkakahawak doon. Ang lalaking ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at pagkatapos ay muling nagmakaawa rito. “Kailangan ko talaga ng pera…” humihikbing sambit niya rito. Halos mapatawa naman si Pierce dahil sa hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. Kanina lamang ay takot na takot ito para sa buhay nito ngunit ngayon ay kung ay tila nawala na parang bula ang takot nito. Sa mga oras na iyon ay inis na inis na siya rito at galit na galit na rin. Ilang sandali pa ay halos maubos na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga hita ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito roon. Takot na takot naman si Serene nang mga oras na iyon at halos manginig ang buong katawan niya. Kahit na ganun ay mahigpit pa rin siyang kumapit sa hita nito at pagkatapos
Ang sasakyan ay mabilis na nawala sa kalagitnaan ng gabi. Ilang minuto pang nanatili sa ganuong ayos si Serene bago siya tuluyang tumayo. Mabuti na lamang at maraming dumadaan doong sasakyan. Hindi siya sumakay ng bus at matyaga siyang naghintay ng taxi upang doon sumakay. Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagpa-diretso sa ospital.Isa pa, wala siyang balak bitawan ang bag na hawak niya hanggat hindi niya nasisiguro na naibayad na nga niya iyon ng lubusan sa ospital kung saan a doon naman ito talaga nakalaan. Dahil sa perang iyon ay paniguradong makakaligtas ang kanyang ina sa bingit ng kamatayan na kinasasadlakan nito ng mga oras na iyon.Kinabukasan, pagkatapos ng kanyang klase ay nagpunta kaagad si Serene sa mikt tea shop kung saan siya nag papart time job. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang silang nagkaroon ng napakalaking order at hiniling sa kaniya na siya mismo ang maghatid ng order sa ikaanim na palapag ng mall kung nasaan ang sineha
Nang marinig ni Serene ang sinabi nito ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha. Alam niya na tama si Reid sa sinabi nito at wala siyang kakayahan na lumaban rito. Isa pa ay alam niya na kaagad kung ano ang magiging dulot sa kaniya ng tsismis na ipapakalat nito kung sakali. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pagkatao niya.Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at nang mapansin ni Reid ang pagbabago sa ekspresyon niya ay halatang naging masaya ang mukha nito. “Ano ka ba, hindi kita sasaktan dahil paliligayahin lang naman kita. Halikan na lang muna kita para gumaan ang loob mo.” sabi nito sa kaniya.Maituturing niya itong isang pampagana para sa gagawin nilang pagsasaya mamaya. Ilang sandali pa ay mabilis na tinakpan ni Serene ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay tumitig kay Reid bago siya nagsalita. “Natatakot ako. Nabalitaan ko na may kasintahan ka at galing din siya sa kilalang pamilya. Kapag nalaman niya ang tungkol r
Nang makita naman ng lalaki kung sino ang lumabas sa silid ay hindi siya nangahas na pumasok pa o ni sumilip sa loob ng silid kundi dali-dali na lang din siyang tumalikod at umalis doon. Samantala, dahan-dahan namang napadausdos si Serene hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Pagkaraan lamang ng ilan pang minuto ay lumabas na rin siya doon.Sa katunayan ay hawak niya sa kanyang kamay ang isang recording pen na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon. Mabuti na lang din at may dala siyang ganuon at mabuti na lang din at naalala niya ang sinabi ni Pierce nang mga nakaraang araw sa elevator.Si Beatrice na pinsan ni Pierce ay ang kasintahan nito at sinabi sa kaniya ni Reid na hindi ito natatakot sa babae ngunit halata naman sa mukha nito na nagsisinungaling lamang ito. Isa pa, napaisip siya na kung talagang may pakialam ito at may interes ito sa relasyon nila ng Beatrice na iyon ay tiyak na hindi ito mangangahas na gumawa ng kahit na anumang kabalbalan na maaaring makasira sa relasyon ng mg
Pagkatapos lamang sabihin iyon ni Pierce ay agad na itong tumalikod at humakbang na palabas at halatang naman na tila ba ayaw na siya nitong makita pa. Sa isang iglap ang mga mukha ng mga pumasok kanina kasama nito ay biglang nalukot. Ilang sandali pa ay tiningnan siya ng direktor ng paaralan ng matalim. “Ipinapangako po naming aayusin namin ito at pagbubutihin.” habol nitong sabi sa papalabas na si Pierce.Nang tuluyan ngang makalabas si Pierce ay bumaling ang director sa kaniya. “Lumabas ka!” walang kagatol-gatol na sabi nito sa kaniya.Nang mga oras naman na iyon ay nakatulala lang si Serene habang nakatitig sa galit na galit na mukha nito. Hanggang sa muli na naman niyang narinig ang pagsigaw nito. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Lumabas ka!” ulit nitong sabi sa kaniya.Napakuyom na lamang ang mga kamay niya bago siya naglakad palabas ng silid at ni hindi man lang niya nagawang nagsalita bago siya umalis.Pagkaalis niya ay pinalabas ng direktor ang lahat at hindi nagtagal ay n
Nang umalis si Amber sa silid ay nag-scroll muna si Serene sa kanyang cellphone at biglang may dumaan sa kanyang wall na isang post. Ang isang sikat na international club ay naghahanap ng waitress at kada gabi ay dalawang libo ang sweldo bukod pa sa magiging komisyon niya sa alak. Dahil doon ay kaagad siyang nag-message sa page na iyon upang mag-inquire. Sayang naman iyon dahil malaki-laki din iyon.GABI na sa club na iyon. Sa loob ng isang silid ay umupo si Pierce doon na may hawak na sigarilyo sa kanyang mga daliri habang naka-dekwatro pa. Hindi nagtagal ay nakita niya ang ilang waitress na pasulyap-sulyap sa kaniya at ang mga tingin ng mga ito ay kakaiba na para bang ngayon lang sila nakakita ng kasing gwapo niya.“Miss pwede bang tigilan mo na ang pagtitig sa kaibigan ko?” sabi ni Connor na hindi na nakapagpigil pa kung saan ay may hawak na rin naman itong babae sa tabi nito. “Alam mo bang mas malamig pa iyan sa yelo? Bakit hindi na lang ako ang piliin mong tingnan?” pilyong sabi
“Sandali!” sabi nito. Ilang sandali muna siyang nanatili mula sa kanyang kinatatayuan at napaisip kung dapat ba na tumalikod siya at muling humarap sa mga ito hanggang sa naisip niya na bawal nga pala siyang mambastos ng mga customer lalo na at iyon pa lang ang first time niyang pumasok doon. Baka mamaya ay masisante siya kaagad. Muli siyang humarap sa mga ito. Pinaningkitan ng lalaki ang suot niyang nameplate. “Serene Hidalgo?” banggit nito sa pangalan niya. Dahil doon ay napatango siya rito kahit na bahagya siyang natigilan.“Magsalin ka ng alak para sa amin.” sabi nito sa kaniya. Nanatili naman siya doong nakatayo at hindi kumikibo. Hindi niya alam kung susunod ba siya o ano sa utos nito. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” tanong nito sa kaniya.Sa mga oras na iyon ang lahat ng naroon ay nakatingin sa kaniya at bigla siyang napalunok. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad pasulong upang sundin ang utos nito. Dali-dali siyang dumampot ng isang bote