"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
view moreNASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga. Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina. “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi. Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata. “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata. Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot. Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakb
“I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya. Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya. Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila. “So sweet of you to bake t
“SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti
YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a
PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa
PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments