PRESENT DAY…
KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.
“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.
Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.
“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.
“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.
“Parang pamilyar sa akin. Siguro may kakilala akong laging ganyan ang suot na pabango. Probably someone special,” anitong nagkibit pa ng mga balikat.
Ang sinabing iyon ng asawa niya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Sa pagkakataong iyon ay minabuti ni Uriel na higit pang pakatitigan ang maganda ngunit litong mukhang ni Therese. Ilang sandali pagkatapos ay naramdaman niya ang mainit na likidong umaagos mula sa kanyang mga mata. Yumuko siya at inabot si Therese, hinalikan niya ito sa noo.
“Aalis ka?” noon siya nilingon muli ng asawa niya saka blangko sa emosyon ang mga mata siyang pinakatitigan.
Tumango siya saka natigilan nang maramdaman niya ang pagdampi ng malambot nitong palad sa kanyang pisngi. Sa maingat na paraan ay tinuyo ni Therese ang kanyang mga luha. “Papasok ako sa trabaho. May gusto ka bang ipabili?”
“Do you have a name?” ang sa halip ay isinagot nito.
Ang pamilyar na sakit sa dibdib ni Uriel tuwing maririnig niya ang tanong na iyon ay gumuhit na naman. “Yes, Uriel. Uriel ang pangalan ko,” sagot niya.
Ngumiti si Therese. “You have a very lovely name. Just like your eyes, your green eyes,” anitong humahangang tinitigan pa ang kanyang mga mata.
Muling nag-init ang sulok ng mga mata ni Uriel. “Yours are lovelier,” ang mga mata ni Therese ang tinutukoy niya.
“Are we related to each other?” isa pang pamilyar na tanong na naman na hindi lang ilang beses na sinagot ni Uriel. Pero dahil yata sa sobrang pagmamahal niya kay Therese, kahit paulit-ulit pa, sasagot at sasagot siya.
Totoo iyon.
Ang lahat ng sinasabi ni Therese, ang lahat ng paulit-ulit nitong tanong sa kanya, kung ilang beses na, hindi na niya mabilang at maalala. At kung ilang beses narin siyang pinaiyak ng mga iyon, hindi narin niya masabi.
Ang sakit sa dibdib niya ay mistulang namamahinga lang. At nagigising sa tuwing sasambitin ng asawa niya ang mga salitang iyon. Ang mga salitang walang katapusang gumising sa sugat sa puso niya. May palagay siyang hindi na iyon maghihilom kahit kailan pa, dahil mahal niya ang asawa niya. At habang minamahal niya ito at magpapatuloy parin siyang masasaktan at nasasaktan.
Ganoon naman talaga ang pagmamahal.
Hindi pwedeng hulaan at maraming panggulat at sorpresa.
Kung minsan iniisip mo masaya ang magiging wakas. Pero hindi rin, kasi ang mga pinakamagagandang kwento madalas ay ang mga kwentong dumaan sa maraming paghihirap at sa mabibigat na pagsubok. Ang oras, ang oras ang pinakamabigat na kalaban sa lahat. At ganoon ang nangyayari sa kanya ngayon.
Ilang sandali pa pagkatapos ay nagpakawala si Uriel ng isang mabigat na buntong hininga. Alam naman niyang kahit ilang beses niyang gawin ay hinding-hindi parin magluluwag o gagaan ang mabigat na dalahin niya sa dibdib. At ang masakit, kahit hirap na hirap na siya, alam niyang kailangan niyang magpatuloy at hindi niya kailangang sumuko.
Noon nakangiti niyang inabot ang isang kwadro na nakapatong sa side table ng kama. Family picture iyon kasama ang nag-iisa nilang anak, si Christine.
“Tingnan mo, ginawa ito ng anak natin para sa’yo,” ang tinutukoy niya ay ang maliliit ng piraso ng papel kung saan nakasulat ang mga pangalan nila at nakadikit sa mismong salamin ng frame.
“Chris—tine, U—ri—el, The—rese,” ani Therese. “Fa—mi—ly.”
Matamang pinakatitigan ni Uriel ang asawa. Sa loob ng dalawampu’t limang taong pagsasama nila ni Therese, sa kabila ng naging kondisyon nito ay mas nananatili sa puso niya ang pagmamahal at kaligayahang nararamdaman niya tuwing pagmamasdan niya ito.
And if he would be given the chance to take back yesterday, sa kabila ng lahat ng paghihirap, alam niyang si Therese parin ang babaeng aalukin niya ng kasal. Alam niyang ito parin ang gugustuhin niyang makasama habang buhay, ang nanaisin niyang alagaan. Dahil dito lang siya nagiging buo. At kapag nawala ito, alam niyang kasama nitong mawawala ang puso niya.
*****
“SWEETHEART,” nang madaanan ni Uriel ang kwarto ng anak niyang si Christine na kasalukuyang nag-aayos ng sarili nito sa harapan ng salamin. Biente anyos na ito at kamukha-kamukha ni Therese maliban sa kulay ng mga mata ng dalaga na minana naman nito sa kanya, emerald green.
“Dad,” ang nakangiting lingon sa kanya ng anak. “Paalis na kayo?”
Tumango siya. “Puntahan mo ang Mommy mo bago ka umalis,” bilin niya rito.
Nakangiting lumapit sa kanya si Christine saka humalik sa kanyang pisngi. “Sana may makilala akong kagaya ninyo.”
Yumuko siya saka hinalikan ang noo ng anak. “Ang Mommy mo ang dahilan ng lahat, kung bakit ako naging ganito. Hindi ko maipaliwanag pero may something sa kanya na hindi ko nakita sa iba. Kaya siya ang pinakasalan ko,” pag-amin ni Uriel sa anak.
“True love,” ani Christine.
“Yes,” sang-ayon niya. “I have to go, mag-iingat ka,” saka na niya tinalikuran ang kanyang anak.
Sa tulong niya at nang tiyahin nitong si Tanya ay kasalukuyan nang pinag-aaralan ng anak niya ang pagpapatakbo ng Therese and Tanya’s Cafe.
Sa loob ng mahigit dalawampung taon ay nagpatuloy ang pabulusok nito paitaas. At ngayon ay mayroon nang mahigit four hundred branches sa buong bansa. Habang thirty five naman sa America at fourty sa Europe.
Mahalaga sa kanya ang cafe hindi lang dahil sa mahal ito ng asawa niya kundi dahil ito ang nagbukas ng pagkakataon sa kanya para magbago at maging totoong masaya.
YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a
“SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti
“I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya. Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya. Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila. “So sweet of you to bake t
NASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga. Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina. “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi. Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata. “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata. Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot. Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakb

PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa