Share

"I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 1"

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2022-10-13 13:55:37

          “I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya.

          Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya.

          Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila.

          “So sweet of you to bake these for me?” anitong humimig na hinihingi ang kanyang pangalan.

          “It’s T-Therese” sagot niyang pinanginigan pa ng tinig.Sinubukan niyang salubungin ang mga titig ng binata pero hindi siya nakatagal. Pakiramdam kasi niya ay hinihigop ng mga mata ng nito ang lahat ng lakas niya kaya kusang nagbaba ng tingin ang dalaga.

          “Lovely name,” compliment ni Uriel. “I’m sure they’re delicious,” anito na kinuha ang isang cupcake na nasa loob ng kahon.“I want to taste them now.”

          Totoong hindi nakapagsalita si Therese sa ikinilos ng binata. Pakiramdam kasi niya ay talagang pinagpapala siya nang kinain mismo ni Uriel sa harapan niya ang chocolate cupcake na may letrang I.

          “Wow, pahingi naman ng isa,” parang natauhan si Therese nang marinig ang sinabing iyon ni Gabriel kasabay ang pagkilos ng kamay nito patungo sa kahon.

          “Hey!” si Uriel na maagap namang pinalo ng mahina ang kamay ng nakababata nitong kapatid. “They are mine. Hindi mo ba nakikita na pangalan ko ang nandiyan?” nakangiti pero nakita niyang mukhang seryoso ito sa sinabi.

          “Maybe I can have the one with a heart?” si Gabriel ulit na hindi pinansin ni Uriel na matapos ubusin ang cupcake ay saka pinirmahan ang dala at bagong bili niyang album ng Archangels.

          “Thank you” si Uriel na tumayo saka siya hinalikan ng simpleng halik sa pisngi.

          Hindi inasahan ni Therese ang ikinilos na iyon ng lalaki kaya agad na nag-init ang magkabili niyang pisngi. “T-Thank you din,” ang tanging nasabi niya saka parang lutang na tinalikuran ang lalaki para pagbigyan ang susunod na sa pila.

          SA dressing room niya matapos ang kulang dalawang oras nilang performance, pagod na ibinagsak ni Uriel ang sarili sa mahaba at malambot na sofa. Nang mahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na kahon ay awtomatikong napangiti ang binata.

          Kanina habang nasa stage siya ay sinubukan niyang hagilapin ang mukha ni Therese sa crowd. Nakita naman niya ang dalaga dahil nasa VIP section pala ito. Aminado siyang maraming magagandang babae na siyang naka-encounter. Marami sa mga iyon one night stand. Ang iba fling lang. At ang iba naman nakarelasyon talaga niya.

          Lahat magaganda, sophisticated at galing sa may-kayang pamilya. Pero isa man sa kanila ay hindi nagawang iparamdam sa kanya ang tuwang naramdaman niya kanina nang iabot sa kanya ni Therese dala nitong cupcakes.

          Kung may isang bagay na tumatak kay Uriel tungkol sa dalaga, iyon ay ang mga cupcakes. Well, hindi iyon dahil sa totoong napakasarap ng mga ito. Kundi dahil galing ang mga ito kay Therese.

          Sa pagkakaisip sa pangalan ng dalaga ay madali siyang napangiti. Pakiramdam niya nasa harapan lang niya ito at malaya niyang napagmamasdan ang namumula nitong mukha, pati narin ang maiilap at nahihiya nitong mga mata na para sa kanya ay ang pinakamagagandang nakita niya.

          Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam kung bakit para itong magnet na humahatak sa kanya palapit rito, dahilan para hangarin niya ang muli itong makausap at makita. Sa huli ay hindi siya makapaniwala saka natigilan, pagkatapos noon ay makahulugang napangiti.

          Nilapitan niya ang box at binuksan. Napangiti siya, mukhang magaling ngang mag-bake ang dalaga dahil maganda ang pagkaka-decorate nito sa mga iyon. Maganda ang contrast ng light blue icing na dinekorasyonan ni Therese ng white angel’s wings na may gold lining. Habang ang mga letters na ginamit ng dalaga ay dark blue ang kulay. Ang hugis pusong fondant lang ang naiba na kulay pula.

          Totoong na-impress siya. Bago kasi sila naging Archangels ay nagtrabaho muna siya sa isang international bake shop bilang production supervisor.

          Hindi siya gaanong mahilig sa matatamis na pagkain pero nagustuhan niya ang cupcake kaya naman kinuha niya ang isa roon at sinimulang kainin. Nang hindi makuntento ay dinala pa niya ang kahon pabalik sa sofa saka iyon kinandong.

          Gutom na gutom siya kaya ilang kagat lang at naubos niya ang hawak na cupcake. Agad niyang isinunod ang isa pang may letter U. Nasa ganoong ayos siya nang mapagsukan ng tatlong kapatid niyang galing sa kani-kanilang dressing room.

          “Masama ang sobrang matamis sa boses singer, alam mo iyan” ang bungad ni Michael sa kanyang lumapit at sinilip ang laman ng kahon. Pero dahil alam na niyang hihingi ito ay mabilis niya iyong inilayo sa kapatid. “Ang damot mo naman” komento nito saka tumawa.

          “Akala ko ba masama?” aniyang tumawa. “saka ngayon lang naman ito. Last concert naman na, wala ng kasunod kaya pwede na akong kumain hangga’t gusto ko” aniyang inubos ng tuluyan ang cupcake.

          Nakita niyang nagpalitan ng makakahulugang tingin ang tatlo. Sinundan siya ng tingin nang ilagay niya sa loob ng ref ang kahon. “Bakit ba ayaw mong mamigay?” si Raphael na naupo sa binakante niya sofa.

          Nagkibit siya ng balikat saka uminom ng tubig. “Akin iyon,” ang maikli niyang sagot.

          “Madamot! Anong bakeshop ba iyan. Pupunta nalang kami doon para makakain ng cupcake na pinagdadamot mo?” ang pabirong sabi naman ni Gabriel na sinundan pa ang sinabing ng malakas na tawa.

          “Si Therese ang personal na nag-bake ng mga iyan para sa'kin,” ang proud na sagot ni Uriel.

          Tumawa si Raphael. “At natandaan pa talaga niya ang pangalan,” anito sa saka nanunuksong tumawa ng mahina.

          Umangat ang mga kilay ni Uriel saka natigilan. Hindi na siya magtataka kung bakit nasabi iyon ng kapatid niya. Hindi kasi siya matandain sa mukha at pangalan kahit noon pa mang hindi pa sila mga celebrity. Sa dami ba naman at iba-iba ang nami-meet nilang fans, hindi na nakapagtataka ang ganoon.

          Kung minsan nga dalawa hanggang tatlong beses na niyang nakita ang isang fan pero hindi niya ma-recognize. Kaya naman to play safe, at para narin hindi siya maka-offend ay napipilitan siyang sabihing “It’s so good to see you again,” once na sinabi ng isang fan sa kanya na nagkita na sila ng ilang beses.

          “O, hindi kana nakapagsalita,” untag ni Michael sa kanya.

          Inubos niya ang lamang tubig ng bote saka iyon inihagis sa trash bin. “Sabihin nalang nating iba siya” aniyang makahulugang ngumiti.

          Nahuli niya ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ng tatlo. “In what way?”

          Naturally sweet and affectionate… Iyon sana ang sasabihin niya pero minabuti niyang huwag nalang.

          Nagbuka ng bibig si Uriel para sana magsalita pero noon naman nila narinig ang magkakasunod na katok sa pinto. Magkakasabay silang napalingon, si Christian ang iniluwa niyon.

          “Let’s go?” anito.

Related chapters

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 2"

    NASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga. Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina. “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi. Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata. “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata. Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot. Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakb

    Last Updated : 2022-10-13
  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   PROLOGUE "DO YOU HAVE A NAME?"

    PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa

    Last Updated : 2022-02-25
  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 1"

    YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a

    Last Updated : 2022-02-25
  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 2"

    “SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti

    Last Updated : 2022-02-25

Latest chapter

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 2"

    NASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga. Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina. “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi. Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata. “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata. Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot. Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakb

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 1"

    “I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya. Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya. Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila. “So sweet of you to bake t

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 2"

    “SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 1"

    YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   PROLOGUE "DO YOU HAVE A NAME?"

    PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa

DMCA.com Protection Status