Share

"CUPCAKES 1"

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

YESTERDAY…

NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels.

“Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?”

Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe.

“Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na ang bahala sa cafe.”

“Salamat,” aniya. “Oo nga pala iyong mga cupcakes?” tanong niya saka dinampot ang shoulder bag sa ibabaw ng kama.

“Okay na,” anitong kinindatan pa siya ng makahulugan. “Ikumusta mo nalang ako sa future bayaw ko okay?”

Naiiling lang niyang tinawanan ang sinabi ng kapatid saka na lumabas ng kabahayan.

I ❤ Uriel...

Napangiti si Therese saka ibinalik ang takip ng kahon. Siya mismo ang personal na nag-bake at nag-decorate sa mga cupcakes na iyon kagabi. At dahil nga naging busy na simula kaninang umaga ay ipinaubaya na niya kay Tanya ang paglalagay ng mga iyon sa kahon.

Fifteen lang siya nang magsimula ang matinding paghanga niya para sa Archangels. Ang kauna-unahang Filipino boyband na sumikat internationally. Magkakapatid ang mga ito at dito sa Pilipinas lumaki. At ngayong twenty five na siya. Sa loob ng sampung taon, masasabi niyang ganoon parin ang nararamdaman niyang paghanga para sa Archangels. Lalo na kay Uriel na siyang panganay at pinakagusto niya sa apat.

Hindi iyon ang unang pagkakataong manonood si Therese ng concert ng Archangels. Dahil kung tutuusin walang pinalampas isa man ang dalaga sa naunang apat nang performances ng boyband sa bansa. Pero iba ang nararamdaman niya sa isang ito.

Anim na buwan narin ang nakalilipas mula nang ilabas ng Archangels ang pang-anim at ayon narin sa mga ito, ang huling album na ila-launch ng grupo. Iyon rin ang dahilan ng farewell concert na iyon. Wala sa loob pang nagbuntong hininga si Therese saka binuhay ang engine ng sasakyan nang maalala ang usapan nila ni Tanya six months ago.

******

“GANOON talaga, wala ngang forever hindi ba?” biro pa ni Tanya kay Therese sabay abot rito ng box ng tissue.

Tumango siya. “Hindi ko lang maiwasan ang maging emosyonal, very immature pero hindi ko talaga mapigilan. Alam mo naman na sa kanila umikot ang kabataan ko at si Uriel ang first love ko,” ang dalagang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa saka pinahid ng tissue ang luhaang mukha.

“Oo naman Ate, nauunawaan ko iyon at alam ko ang lahat ng sinasabi mo. Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit daw sila magre-retire na? Hindi pa naman sila laos? Although kailangan nating aminin na hindi narin sila kasing in-demand kagaya noon. Kasi unang-una lahat halos ng fans nila may sarili-sarili ng priorities at pamilya,” ani Tanya.

Tumango si Therese. “Gusto na raw nila ng pribadong buhay.”

“Sabagay, kahit sino naman iyon ang gusto. Tahimik at normal na buhay. Saka isa pa hindi narin naman sila bumabata. And we have to face the fact na sooner or later mamamatay ang ilaw sa stage nila. Pero sa kabilang banda, kahit anong mangyari alam nating nakatatak na sila sa history ng music at hindi na mabubura ang mga pangalan nila kahit na kailan,” pagpapatuloy ni Tanya.

“Tanggap ko iyan as a fan. Marami na ang bago at iba narin ang henerasyon. Hindi ko lang talaga mapigilan ang maging emosyonal,” pag-amin niya.

Noon naupo si Tanya sa gilid ng kanyang kama. “May farewell concert for sure,” anito.

“Iyon ang sinabi,” bitter niyang sagot.

Hinawakan ni Tanya ang kamay niya saka pinisil. “Manood ka, sa lahat ng performances nila alam mong ito ang pinaka-importante.”

“Oo naman,” si Therese na nakangiting tinitigan ng makahulugan ang kapatid. “Salamat.”

“You’re welcome,” sagot naman nito. “Sana may meet and greet. Mag-join ka ulit, and maybe this time you might win,” puno ng pag-asang pagpapatuloy nito.

*****

NAPANGITI si Therese saka sinulyapan ang box ng cupcakes sa may passenger’s seat. Parang nagdilang anghel ang kapatid niya dahil sa maraming ulit na pagbabakasali niya noon sa meet and greet, ngayon siya talagang nanalo. At iyon ang dahilan kung bakit naisipan ng dalaga na magbake ng cupcakes para kay Uriel.

Tapos si Therese ng kursong AB Economics. Pero dahil nga sa pagkahilig niya sa baking ay naisipan niyang mag-take rin ng units sa Culinary. At siya mismo ang personal na nagbi-bake ng lahat ng cakes and pastries na sine-serve nila. Ang Therese and Tanya’s Cafe ay itinayo nila ng kapatid niya sa tulong narin nina Nestor at Minerva, ang kanilang Mama at Papa na ngayon ay sa Italy na nakatira kasama ang kuya nilang si Terrence na isang Hotel and Restaurant Manager. Four years ang gap nila ng kuya niya. Sa Italy nito nakilala ang hipag niyang si Maila na isa ring Filipina at receptionist naman sa mismong hotel na pinapasukan ng kapatid nila. Kapapanganak lang nito sa isang malusog na baby girl na pinangalanan nilang Faye.

Sa ngayon ay dalawang taon naring maayos na kumikita ang cafe. Malaking tulong doon ang mahusay na pagma-manage ni Tanya na isa namang Management graduate.

Mabilis na nilukob ng matinding excitement ang dibdib ni Therese nang matanawan ang entrance ng pagdarausan ng concert. Mamayang alas otso pa naman iyon. Pero dahil nga sa meet and greet tatlong oras bago ang concert ay pinayuhan sila ng staff ng organizer na pumunta ng mas maaga. 

Kaugnay na kabanata

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 2"

    “SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 1"

    “I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya. Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya. Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila. “So sweet of you to bake t

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 2"

    NASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga. Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina. “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi. Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata. “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata. Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot. Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakb

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   PROLOGUE "DO YOU HAVE A NAME?"

    PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa

Pinakabagong kabanata

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 1"

    YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   PROLOGUE "DO YOU HAVE A NAME?"

    PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa

DMCA.com Protection Status