Share

"I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 2"

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2022-10-13 13:58:37

NASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga.

          Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina.

          “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi.

          Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata.

          “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata.

          Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot.

          Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakbang palapit sa kanya.

          Lalong nagtumindi ang kaba sa dibdib ni Therese sa ginawing iyon ni Uriel. “O-Okay lang, at salamat din kasi nagustuhan mo.”

          Tumango lang si Uriel saka walang anuman siyang niyuko. “I’ll see you again, very soon,” anito “ Ingat sa pag-uwi,” ang pabulong nitong sabi saka siya dinampian ng isang simpleng halik sa pisngi.

          Parang kandilang itinulos roon si Therese dahil sa ikinilos na iyon ng binata. Ilang sandali mula nang makaalis ang van sa harapan niya ay nanatili parin siyang nakatayo roon habang natitigilan.

          “SHE’S beautiful, I might say,” komento ni Raphael nang makabalik na sa loob ng van si Uriel.

          “At mukhang mabait, ibang-iba sa lahat ng babaeng nagdaan sa buhay mo. Hindi na nakapagtatakang nakuha niya ang atensyon mo, one of a kind,” dugtong naman ni Michael.

          Nakangiti lang niyang hinayaan ang dalawa saka nasisiyahang isinandal ang ulo sa head rest ng upuan. Totoo naman ang mga iyon kaya naiintindihan niya ang mga ito. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ba ganito siya? Kung bakit hindi niya napigilan ang sariling bumaba ng van nang makita niya ang dalaga? At higit sa lahat, kung bakit ganito siya kasaya?

          “I have to see her again,” ang nasabi niya makalipas ang ilang sandali.

          “Love at first sight?” ang nanunuksong boses ni Gabriel.

          Tiningnan lang niya ang kapatid saka pagkatapos ay tumawa ng mahina. “Hindi ko alam, pero kung ako ang tatanungin mo, sana,” ang nakangiting sagot niya.

          “Sana kinuha mo ang number niya,” si Gabriel ulit.

          Hindi umimik si Uriel pero makahulugang ngumiti nang may maalala.

          Sa isang five star hotel sila nagtuloy para magpalipas ng gabi. Kinabukasan ng umaga na kasi ang schedule ng balik nila ng London para asikasuhin ang tungkol sa kanilang retirement. Sa suite niya nakahiga na sa malambot na higaan si Uriel ay hindi parin mawala-wala sa isipan niya ang sinabi kanina ni Michael.

          Gaya narin ng sinabi niya rito. Iba si Therese. Naturally sweet and affectionate. At iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit naging madali sa kanya ang tandaan ito. Nakakatawa mang sabihin pero hindi naman talaga lumilimot ang puso. Hindi niya sinasabing in love siya kay Therese dahil hindi siya naniniwala sa love at first sight. Pero aminado siyang nagandahan siya sa dalaga. At katulad narin ng sinabi niya kanina, may bahagi ng puso niya ang naghahangad na muli itong makita.

          “GOOD morning!” ang bungad na bati sa kanya ni Tanya pagpasok niya kinabukasan.

          Nginitian lang niya ang kapatid saka ipinatong sa ibabaw ng mesa ang handbag at naupo. “Sorry late ako,” habang binubuksan ang kanyang laptop para mag-check ng email.

          “Hindi na kita ginising kanina kasi isip ko baka puyat ka at gusto mo pang magpahinga,” ani Tanya na nanunukso pang ngumiti sa kanya pagkatapos.

          Natatawang umikot ang mga mata ni Therese sa nakitang reaksyon ng kanyang kapatid. “Bakit ganyan ang ngiti mo?”

          “”Wala lang,” anito. “Feeling ko lang kasi malapit ka ng magkaroon ng lovelife,” dugtong pa ng bunso niyang kapatid.

          “I don’t know what you’re talking about,” ang natatawa niyang sabi.

          “Mas mainam nga iyon eh,” si Tanya na tumayo para magtimpla ng kape. “At least alam kong masosorpresa ka,” sa kinikilig nitong tinig. “Magkwento ka naman,” nang ilapag nito sa harapan niya ang tasa ng kape saka naupo sa silyang nasa unahan ng kanyang mesa.

          Sa sinabing iyon ni Tanya at mabilis na nagbalik sa alaala ni Therese ang lahat ng magagandang nangyari kagabi. Saka pagkatapos, hindi namamalayan niyang sinimulang ikwento ang lahat sa bunsong kapatid.

          “Masaya at kuntento na ako sa lahat ng naranasan ko kagabi. Ang totoo, parang wala na akong mahihiling pa,” totoo iyon sa loob niya. “Ang hindi ko lang inasahan yung...” hindi napigilan ni Therese ang kiligin at mapangiti nang maalala ang huling moment niya with Uriel kagabi. Noon wala sa loob at matamis ang pagkakangiti siyang nangalumbaba saka tila nangangarap na tumingin sa itaas.

          Parang nahawa sa nakitang emosyon sa kapatid na masiglang nagsalita si Tanya. “What?” excitement ang nasa tono nito.

          Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese saka nahihiyang yumuko habang ang malapad at matamis niyang ngiti ay nagmistulang naka-plaster na. “A-Ano k-kasi eh...”

          “Ano? Ikaw naman ate binibitin mo pa ako eh!” si Tanya na sinundan pa ang sinabi ng naiinip na tawa.

          Nagbuntong hininga muna si Therese bago nagsalita. “Pauwi na kasi ako nun. Ang totoo sa dami ng tao medyo nahirapan akong makalabas ng venue kaya nagpahupa muna ako sa may lobby ng theater,” pagkukwento niya.

          “And then?”

          Nagkibit siya ng balikat saka ngiting-ngiting tinitigan ang kapatid. “Sa parking lot, nagkita kami ni Uriel,” ang nagpipigil na mapatili niyang kwento saka napabungisngis.

          Sa sinabi niyang iyon ay malakas na nagtitili ang kapatid niya. Tumayo ito saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap. “My ghhhaadddd! Ate ang haba ng buhok mo! Ano iyon, pano nangyari? Nagkabanggaan kayo? Ano?” ang magkakasunod na tanong ni Tanya.

          Natatawang inayos ni Therese ang sarili nang makawala sa mahigpit na yakap ng nagtititili niyang kapatid. “Hindi, ang totoo bumaba siya ng van saka ako nilapitan,” sagot niya.

          Amuse na napa, 'oh' ang kapatid niya sa sinabi niyang iyon. “And then? Anong sabi?”

          Natawa ng mahina si Therese. “Talagang gusto mo kumpleto ah,” saka siya muling natawa. “actually, nagpasalamat lang siya doon sa mga cupcakes” aniya.

          “Tapos?”

          Nangunot ang noo ni Therese sa kakulitan ng kapatid. “Anong tapos?”

          “Don’t tell me hindi ka niya hinalikan?” nanunuksong tanong-sagot ng kapatid.

          Muling nag-init ang mukha ni Therese sa tanong na iyon. “H-He did, pero sa cheek lang,” paliwanag niya.

          Nagtitili na naman sa sinabi niyang iyon si Tanya. “Okay lang iyong sa pisngi, kiss pa rin iyon,” anitong kilig na kilig at halos naluluha na. “But the fact the bumaba talaga siya ng van nung makita ka niya para pasalamatan,” noon huminto sa pagsasalita nito ang kapatid niya saka siya pinakatitigan. “Grabe mukhang nakuha mo talaga ang atensyon niya,” dugtong nito.

          Natigilan si Therese sa narinig saka napangiti. “Hindi naman ako nag-e-expect ano ka ba!” aniya.

          “Iyon ang maganda sa ugali mo ate, hindi ka assuming kaya palagi kang naso-sorpresa. I’m happy for you. Pero paano kung bigla ay sumulpot nalang siya dito tapos niyaya kang mag-date? Anong gagawin mo?” pinagtawanan niya ang sinabing iyon ni Tanya.

          “Tumigil ka nga! Si Uriel iyon. Oo nga at first love ko siya, pero hindi normal na pangarapin ko ang makatuluyan siya. Ilusyon ang ganoon,” saka siya tumawa at humigop ng kape.

          Tumayo si Tanya saka nagbalik sa mesa nito. “Malay mo naman, ikaw na nga itong nagsabing nakatitig siya sa’yo kagabi. Saka isa pa, malay mo siya talaga ang dahilan kung bakit mula pagkabata ay hindi ka parin nagkaka-boyfriend. Biruin mo, twenty five years ka ng never been touched and never been kissed!” buska pa sa kanya ng kapatid niya.

          “Tumigil ka nga!” saway niya kay Tanya habang hindi alintana ang matinding pag-iinit ng kanyang mukha. “magtrabaho ka nalang para makarami ka” kunwari ay awtorisadong sabi niya rito.

          “Yes ma’am,” si Tanya na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

          Sa isip ni Therese kahit paano alam niyang tumalab ang sinabi sa kanya ng kapatid. Paano nga kung biglang sumulpot si Uriel at yayain siyang mag-date? Pinigil niya ang mapangiti. Bilang fan girl normal ang ganoon, day dreaming.

          Aminado siyang ginagawa niya iyon pero hindi niya kayang aminin sa iba. Kagaya nalang ng sinabi niya kanina. Hindi niya iniisip na mapangasawa si Uriel. Hindi rin niya iyon pinangarap, although kinikilig siya kapag naiisip niyang paano kaya kung meant to be sila?

          Nakakatawa pero paano naman mangyayari ang sinasabi ni Tanya na date gayong ni wala siyang assurance na natatandaan pa siya ng binata. Kahit pa sabihing ilang beses rin naman siyang nginitian ni Uriel habang nagpe-perform ito. Parang normal lang kasi iyon na gawin ng isang celebrity sa kanyang fan.

          At higit sa lahat, wala itong hiningi sa kanya na kahit anong personal information, like home address o kaya naman ay phone and cellphone number. Kaya kung reyalidad parin ang titingnan, malaki ang chance na ang nangyari noong meet and greet ang una at huling beses na niyang moment kasama ang binata. At kontento na roon si Therese.

Related chapters

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   PROLOGUE "DO YOU HAVE A NAME?"

    PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa

    Last Updated : 2022-02-25
  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 1"

    YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a

    Last Updated : 2022-02-25
  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 2"

    “SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti

    Last Updated : 2022-02-25
  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 1"

    “I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya. Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya. Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila. “So sweet of you to bake t

    Last Updated : 2022-10-13

Latest chapter

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 2"

    NASA parking lot na si Therese nang marinig ang magkakasunod na pagtawag ng kung sino sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na nagdala ng matinding kabog sa dibdib niya kaya naman kinailangan pa niyang magpakawala ng magkakasunod na paghinga. Hinanap niya ang pinanggalingan ng tinig para lang mabigla nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kulay itim na van. Mabilis na nagbukas ang pintuan niyon saka iniluwa si Uriel, ang nagmamay-ari ng boses kanina. “U-Uriel!” nanlalaki ang mga mata niyang nasabi. Tumawa muna ng mahina si Uriel bago nagsalita. Nakatitig ito sa kanya kaya naman kahit madilim kita parin niya ang nangungusap nitong mga mata. “Pauwi ka na?” ang nakangiting tanong sa kanya ng binata. Mabilis na nag-init ang mukha ni Therese sa simpleng tanong na iyon. “H-Ha, a-ah, y-yeah,” ang nauutal niyang sagot. Lumapad ang pakakangiti ni Uriel. “Thank you again doon sa mga cupcakes,” ang binatang humakb

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "I'LL SEE YOU AGAIN, VERY SOON 1"

    “I BAKED them for you,” si Therese nang kaharap na niya si Uriel sa meet and greet. Iyon ay sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ng dalaga gawa ng nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ni Uriel habang nakatitig ito sa kanya. Alam naman niyang maganda siya. Lumaki kasi siyang naririnig iyon sa mga magulang at iba pang taong malalapit sa kanya. Pero ang makita ang ganitong reaksyon at paghanga mula sa isang Uriel Orozco ng Archangels, parang hindi siya makapaniwala. Feeling niya nananaginip lang siya at higit sa lahat talagang pinalalambot ng katotohanang iyon ang mga tuhod niya. Bago nagsimula ang meet and greet ay nasabihan na silang mas higit na pinahaba iyon kaysa karaniwan nitong oras na umaabot lang ng hanggang tatlong minuto. Request raw kasi iyon ng apat sa lahat ng bansang inikot nila para sa farewell tour na ito. Isa raw ito sa paraan ng Archangels sa pagpapakita ng pasasalamat sa mga fans nila. “So sweet of you to bake t

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 2"

    “SINO na naman iyan?” ang tanong kay Uriel ng bunsong kapatid na si Gabriel. Mula Singapore ay sakay na sila ngayon ng van na maghahatid sa kanila sa venue ng kanilang concert mamayang gabi. Ang Pilipinas kasi bilang kanilang tahanan ang pinakahuli sa maraming bansang inikot nila sa buong mundo para sa kanilang farewell concert. Pero bago ang concert ay may appearance muna sila sa mga fans na nanalo sa meet and greet. “Si Becky,” sagot ni Uriel na pinatay ang hawak na cellphone. “Your ex-girlfriend,” patuloy na tukso sa kanya ni Gabriel na sinundan pa nito ng may kalakasan ring tawa. Nakilala niya si Becky dahil kaibigan ng ama ng dalaga na isang kilalang negosyante sa United Kingdom ang manager nilang si Christian. Pinay ang ina nito at isa iyon sa mga dahilan kung bakit matatas ang dalaga sa wikang Filipino. Maganda ito, blonde at sexy. Hindi rin nawawala roon ang katotohanang napakahusay nito sa kama. Matalino, dahil kasalukuyan itong nakaupo bilang board sa kompanya ng cosmeti

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   "CUPCAKES 1"

    YESTERDAY… NGITING-NGITING hinagod ng tingin ni Therese ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Espesyal para sa kanya ang gabing iyon. At bilang avid fan, gusto rin naman niyang maging presentable sa paningin ng boyband member na hinahangaan niya. Walang iba kundi si Uriel Orozco ng Archangels. “Wow!” narinig niyang bulalas ng bunsong kapatid na si Tanya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. “Eh para namang hindi concert ang pupuntahan mo eh. Parang date!” tukso pa nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng biente singko anyos na dalaga.“Bakit, ano bang masama dito sa suot ko?” Lumapad ang pagkakangiti ni Tanya. Tatlong taon ang agwat ng edad nilang dalawa pero totoong malapit sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay magkasama nilang pinatatakbo ang negosyo na sa tulong ng mga magulang nila kaya nila naitayo. Ang Therese and Tanya’s Cafe. “Ano ka ba ate, ang ibig kong sabihin, you look beautiful. Basta ang gusto ko mag-enjoy ka ng husto mamaya sa concert at ako na a

  • ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)   PROLOGUE "DO YOU HAVE A NAME?"

    PRESENT DAY… KASALUKUYANG inaayos ni Uriel ang suot na kurbata sa harapan ng malaking salamin nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang isang malamyos na tinig. Agad siyang napangiti. Umaga iyon at naghahanda na siya papasok ng trabaho.“You smells good,” si Therese, ang kanyang asawa.Nakuha niyon ang atensyon niya bagaman hindi naman ito sa kanya nakatingin at sa halip ay sa hawak nitong bunny stuffed toy. Humakbang siya palapit rito saka naupo sa gilid ng malaking kama na nasa gitna ng kanilang silid. Kanina nang magising ito ay minabuti niyang ibangon at isandal sa may headboard ng higaan si Therese.“Talaga? Nagustuhan mo ba?” aniyang pinakatitigan ng may pagmamahal ang magandang mukha ng kanyang asawa.“Yeah, nagustuhan ko,” sagot nitong hindi manlang siya sinulyapan at nanatiling nakatitig sa hawak nitong stuffed toy na palagi nitong hawak at nilalaro. May mga pagkakataon rin na kinakausap iyon ng asawa niya. O kaya ay pinaghehele, parang bata na pinatutulog nito.“Parang pa

DMCA.com Protection Status