Niyakap niya ng sobrang higpit ang mga hita nito at kahit na anong tulak nito sa kaniya ay hindi siya bumitaw sa pagkakahawak doon. Ang lalaking ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at pagkatapos ay muling nagmakaawa rito. “Kailangan ko talaga ng pera…” humihikbing sambit niya rito. Halos mapatawa naman si Pierce dahil sa hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. Kanina lamang ay takot na takot ito para sa buhay nito ngunit ngayon ay kung ay tila nawala na parang bula ang takot nito. Sa mga oras na iyon ay inis na inis na siya rito at galit na galit na rin. Ilang sandali pa ay halos maubos na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga hita ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito roon. Takot na takot naman si Serene nang mga oras na iyon at halos manginig ang buong katawan niya. Kahit na ganun ay mahigpit pa rin siyang kumapit sa hita nito at pagkatapos
Ang sasakyan ay mabilis na nawala sa kalagitnaan ng gabi. Ilang minuto pang nanatili sa ganuong ayos si Serene bago siya tuluyang tumayo. Mabuti na lamang at maraming dumadaan doong sasakyan. Hindi siya sumakay ng bus at matyaga siyang naghintay ng taxi upang doon sumakay. Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagpa-diretso sa ospital.Isa pa, wala siyang balak bitawan ang bag na hawak niya hanggat hindi niya nasisiguro na naibayad na nga niya iyon ng lubusan sa ospital kung saan a doon naman ito talaga nakalaan. Dahil sa perang iyon ay paniguradong makakaligtas ang kanyang ina sa bingit ng kamatayan na kinasasadlakan nito ng mga oras na iyon.Kinabukasan, pagkatapos ng kanyang klase ay nagpunta kaagad si Serene sa mikt tea shop kung saan siya nag papart time job. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang silang nagkaroon ng napakalaking order at hiniling sa kaniya na siya mismo ang maghatid ng order sa ikaanim na palapag ng mall kung nasaan ang sineha
Nang marinig ni Serene ang sinabi nito ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha. Alam niya na tama si Reid sa sinabi nito at wala siyang kakayahan na lumaban rito. Isa pa ay alam niya na kaagad kung ano ang magiging dulot sa kaniya ng tsismis na ipapakalat nito kung sakali. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pagkatao niya.Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at nang mapansin ni Reid ang pagbabago sa ekspresyon niya ay halatang naging masaya ang mukha nito. “Ano ka ba, hindi kita sasaktan dahil paliligayahin lang naman kita. Halikan na lang muna kita para gumaan ang loob mo.” sabi nito sa kaniya.Maituturing niya itong isang pampagana para sa gagawin nilang pagsasaya mamaya. Ilang sandali pa ay mabilis na tinakpan ni Serene ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay tumitig kay Reid bago siya nagsalita. “Natatakot ako. Nabalitaan ko na may kasintahan ka at galing din siya sa kilalang pamilya. Kapag nalaman niya ang tungkol r
Nang makita naman ng lalaki kung sino ang lumabas sa silid ay hindi siya nangahas na pumasok pa o ni sumilip sa loob ng silid kundi dali-dali na lang din siyang tumalikod at umalis doon. Samantala, dahan-dahan namang napadausdos si Serene hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Pagkaraan lamang ng ilan pang minuto ay lumabas na rin siya doon.Sa katunayan ay hawak niya sa kanyang kamay ang isang recording pen na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon. Mabuti na lang din at may dala siyang ganuon at mabuti na lang din at naalala niya ang sinabi ni Pierce nang mga nakaraang araw sa elevator.Si Beatrice na pinsan ni Pierce ay ang kasintahan nito at sinabi sa kaniya ni Reid na hindi ito natatakot sa babae ngunit halata naman sa mukha nito na nagsisinungaling lamang ito. Isa pa, napaisip siya na kung talagang may pakialam ito at may interes ito sa relasyon nila ng Beatrice na iyon ay tiyak na hindi ito mangangahas na gumawa ng kahit na anumang kabalbalan na maaaring makasira sa relasyon ng mg
Pagkatapos lamang sabihin iyon ni Pierce ay agad na itong tumalikod at humakbang na palabas at halatang naman na tila ba ayaw na siya nitong makita pa. Sa isang iglap ang mga mukha ng mga pumasok kanina kasama nito ay biglang nalukot. Ilang sandali pa ay tiningnan siya ng direktor ng paaralan ng matalim. “Ipinapangako po naming aayusin namin ito at pagbubutihin.” habol nitong sabi sa papalabas na si Pierce.Nang tuluyan ngang makalabas si Pierce ay bumaling ang director sa kaniya. “Lumabas ka!” walang kagatol-gatol na sabi nito sa kaniya.Nang mga oras naman na iyon ay nakatulala lang si Serene habang nakatitig sa galit na galit na mukha nito. Hanggang sa muli na naman niyang narinig ang pagsigaw nito. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Lumabas ka!” ulit nitong sabi sa kaniya.Napakuyom na lamang ang mga kamay niya bago siya naglakad palabas ng silid at ni hindi man lang niya nagawang nagsalita bago siya umalis.Pagkaalis niya ay pinalabas ng direktor ang lahat at hindi nagtagal ay n
Nang umalis si Amber sa silid ay nag-scroll muna si Serene sa kanyang cellphone at biglang may dumaan sa kanyang wall na isang post. Ang isang sikat na international club ay naghahanap ng waitress at kada gabi ay dalawang libo ang sweldo bukod pa sa magiging komisyon niya sa alak. Dahil doon ay kaagad siyang nag-message sa page na iyon upang mag-inquire. Sayang naman iyon dahil malaki-laki din iyon.GABI na sa club na iyon. Sa loob ng isang silid ay umupo si Pierce doon na may hawak na sigarilyo sa kanyang mga daliri habang naka-dekwatro pa. Hindi nagtagal ay nakita niya ang ilang waitress na pasulyap-sulyap sa kaniya at ang mga tingin ng mga ito ay kakaiba na para bang ngayon lang sila nakakita ng kasing gwapo niya.“Miss pwede bang tigilan mo na ang pagtitig sa kaibigan ko?” sabi ni Connor na hindi na nakapagpigil pa kung saan ay may hawak na rin naman itong babae sa tabi nito. “Alam mo bang mas malamig pa iyan sa yelo? Bakit hindi na lang ako ang piliin mong tingnan?” pilyong sabi
“Sandali!” sabi nito. Ilang sandali muna siyang nanatili mula sa kanyang kinatatayuan at napaisip kung dapat ba na tumalikod siya at muling humarap sa mga ito hanggang sa naisip niya na bawal nga pala siyang mambastos ng mga customer lalo na at iyon pa lang ang first time niyang pumasok doon. Baka mamaya ay masisante siya kaagad. Muli siyang humarap sa mga ito. Pinaningkitan ng lalaki ang suot niyang nameplate. “Serene Hidalgo?” banggit nito sa pangalan niya. Dahil doon ay napatango siya rito kahit na bahagya siyang natigilan.“Magsalin ka ng alak para sa amin.” sabi nito sa kaniya. Nanatili naman siya doong nakatayo at hindi kumikibo. Hindi niya alam kung susunod ba siya o ano sa utos nito. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” tanong nito sa kaniya.Sa mga oras na iyon ang lahat ng naroon ay nakatingin sa kaniya at bigla siyang napalunok. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad pasulong upang sundin ang utos nito. Dali-dali siyang dumampot ng isang bote
Pabagsak na ibinaba ni Pierce ang baso na hawak niya at inagaw mula sa kamay nito ang bote ng alak at pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito. “Hindi ba at nandit ka para mag-serve ng alak? O ito, inumin mo.” malamig na sabi niya rito.Mabilis naman na ibinaba ni Serene ang kanyang ulo at napatitig sa alak. Mabilis siyang napailing rito. “Hindi ako umiinom.” sabi niya rito.“Talaga, hindi? Sigurado ka ba? Kahit ba sabihin ko na sampung libo ang isang baso?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay sumandala sa sofa na may tamad na tingin sa kaniya at mukha ding bagot na bagot ito. “Kahit makailan ka, uminom ka hanggang sa kaya mo.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Agad na nanlaki ang mga mata ni Serene dahil sa sinabi nito. Napalunok siya at napaisip. “Sampung libo ang isang baso?” ulit niyang tanong rito.Mabilis naman itong tumango sa kaniya. Napakagat-labi si Serene ng mga oras na iyon. Sampung libo? Kung kwekwentahin ay limang araw na rin niyang sahod iyon doon ang isang baso pero h